Chapter One

37.7K 1.3K 126
                                    

"Hi, love." Nakangiting bati sakanya ni Alexus bago ito naupo sakanyang tabi. "Sorry hindi kita nasundo sainyo kanina, tinanghali ako ng gising."

"Okay lang. Kumain ka na ba?" She asked when he kissed her cheek.

"Oo kanina, kami nila Lance at Thiago." Umusyoso ito sa libro na binabasa niya.

"May exam kasi ako mamaya sa Accounting." Yumakap ito sa bewang niya kaya hinaplos niya ang pisngi nito. "Ikaw wala ka bang exam, quiz, assignment or whatever?"

"Wala po, kung meron man gagawin ko agad." He chuckled. "Para sa future nga diba?"

Natawa rin siya nang umangat-angat pa ang kilay nito. "Gwapo mo naman."

"Salamat po." He leaned and kissed her lips.

"Hoy!" Pinanlakihan niya ito ng mga mata bago ilibit ang tingin sa paligid ng library.

"Love, next weekend ha? Birthday ni Travis pupunta kami sa rest house nila sa Bataan. Hindi ka ba talaga makakasama?"

"Hindi, gusto ko sana eh kaso uwi nila mommy yun from states. Sorry, love."

"Wag narin kaya akong pumunta?"

"Ano ka ba! Wala na nga ako sa birthday niya wala ka pa!" Natawa siya. "Okay lang yan, minsan daw mag-hiwalay naman tayo."

"Ayoko, ayokong mahiwalay sayo." Parang bata na ipinatong nito ang baba sakanyang balikat. "I love you, Generose."

"I love you, Lex..."

Kinahapunan nang matapos ang klase niya ay pumunta siya sa headquarters ng kanilang sorority to check if everything is doing fine or if someone needs help.

Naabutan niya doon si Trinity na abala sa ginagawa, she's not sure if that's for their sorority o baka naman may kinalaman sa pag-aaral nito kaya hindi nalang niya ito ginulo.

Ilang sandali pa ay dumating si Gift kasama nito si Shanna.

"Girl, alam mo ba na nakasalubong namin si Ashley with Alexus?" Umirap si Shanna bago naupo sa couch. "Ewan ko ba, basta I find that girl annoying."

Natawa naman siya. "Ano ka ba?! Pareho kayo ni Lex, give the kid a break. Hindi naman kayo inaano nung bata."

"Hindi na siya bata! She's just two years our junior but she still stupidly act like a child!" Shanna rolled her eyes. "I really don't feel at ease with her."

"Mabait naman si Ashley, she's always polite with me-"

"But there's something about her that keeps me from hating her."

"Pareho lang naman sila ng kapatid niya, they're both annoying." Sabi ni Gift.

"Well, tama ka."

"Mabait naman sila ni Travis, kayo talaga. Siguro makukulit lang at pasaway, but they're both nice." She shook her head. "Ashley is a sweetheart."

"She. is. not."

Hindi na siya nakipag-talo pa sa mga ito at pinabayaan na lamang ang dalawa. Sa sorority house niya plano na umuwi, wala ang mga magulang niya sa bahay nila dahil pumunta ito sa New Jersey para sa birthday ng lolo niya. Hindi siya nakasama dahil may pasok siya sa eskwela.

She texted Alexus, asking if he'll pick her up pero hindi ito nag-rereply tinawagan niya ito ngunt hindi din ito sumasagot. Kaya naman pumunta na lamang siya sa parking lot upang tignan kung naroon pa ang sasakyan nito.

Nangunot ang noo niya nang madatnan si Alexus doon kasama si Ashley na umiiyak. Natigil ang pag-uusap ng dalawa nang makita siya.

"Anong nangyayari? Bakit ka umiiyak, Ash?" Tanong niya dito bago balingan si Alexus na tiim ang mga bagang. "Lex?"

"A-alis na po ako." Humihikbing sabi ni Ashley bago nag-mamadaling umalis.

Matagal na nakatitig sakanya si Alexus bago ito tipid na ngumiti at nilapitan siya upang akayin papasok ng sasakyan.

"Hindi ka kasi nag-rereply sa mga text ko pati ang tawag ko, hindi mo sinasagot. Kaya pinuntahan na kita dito." Sabi niya nang makapasok silang dalawa sa sasakyan nito. "May problema ba, Lex? Bakit umiiyak si Ashley?"

"Wala, nasigawan ko. Nangungulit kasi." Tipid nitong sagot.

"Ikaw naman, medyo habaan mo ang pasensya mo sa bata. Nakakahiya, kaibigan natin si Travis." She sighed and held his hand, bringing it to her lips. "Patience okay?"

"Halika nga dito, love." Nginitian siya nito at hinila papalapit, natawa siya nang hapitin nito ang kaniyang bewang bago siya halikan sakanyang mga labi. "You're sweet..."

"You're sweeter..." she whispered returning his kisses.

Alexus deepened the kiss making it wilder. Ipinaikot niya ang kaniyang braso sa leeg nito nang mas hapitin pa siya nito.

He positioned her on his lap. With the limited space, she managed to straddle on his lap. She giggled when his kisses went down on her neck. Kasabay ng marahan nitong pag-pisil sakanyang bewang. 

"Hey, Lex we should stop..." Pinigilan niya ang kamay nito nang akma iyong aangat sakanyang dibdib.

He groaned and sucked the sweet flesh of her neck. Pumaloob na ang kamay nito sakanyang t-shirt at ilang sandali pa ay naramdaman na niya ang mainit nitong palad sakanyang dibdib. Gently squeezing it.

She moaned in delight. Pilit niyang pinanlalabanan ng matinong kaisipan ang labis labis na pagnanasang lumulukob sakanya.

"Rosas..." he whispered her name.

Ilang sandali pa ay tumigil ito at mahigpit siyang niyakap. He kissed the top of her head again and again.

"I'm sorry, I almost lost it." He groaned. "Oh how I love you, Generose."

"Malapit na, Lex. Konti nalang." She kissed his cheek and smiled. "I love you, more."

He smiled, his eyes speaks of so much love. They've been together for five years now but the sparks between them never vanished. At panghahawakan niyang hindi iyon mawawala...

"Gen, wag mo kong iiwan ha?" He whispered almost begging.

"Bakit naman kita iiwan?" Pinisil niya ang ilong nito at malakas na natawa.

"I will never hurt you intentionally, I will never cheat on you, I will never leave you..." Seryosong sabi nito. "Alam ko na pinaniniwalaan mo lahat ng sinasabi ko. Pero sana panghawakan mo."

"Ano bang sinasabi mo, Lex?" She kissed his lips and hugged him tight. "Bakit ang drama mo?"

Sumiksik siya sa leeg nito nang mag-simiula nitong suklayin ang kanyang buhok gamit ang mga daliri nito. "Hindi naman. Sinasabi ko lang na kahit anong mangyari lagi mong tatandaan na mahal kita. And that you'll always be the only girl in my life..."

"We've been together for five years, Lex. Ngayon pa ba ko magdududa?" She chuckled.

"Marami pa tayong pagdadaanan, Gen. I promise you, I'll love you with every bit of me."

"Ako rin, Lexus..."

ZWCS#5: Beautiful GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon