Chapter Two

29K 1.1K 133
                                    

"Lex, kaya ko na!" Natatawang sabi niya nang akmang susubuan pa siya ni Alexus ng pagkain.

"Hindi ka kasi kumakain, mamaya na yan." Kinuha nito ang librong hawak niya pero hinigpitan niya ang kapit doon.

"Kailangan ko mag-review, baka mamaya mag-recitation wala akong masagot. Para sa future diba?" She smiled.

"Oh kaya nga, susubuan nalang kita." He said.

"Ah, respeto sa single oo." Travis faked a cough.

"Kaya nga eh, you guys try to get a room." Thiago chuckled.

"Parang hindi niyo kami kasama ah. Nandito po kami." Dagdag pa ni Edward.

Agad naman siyang tinamaan ng hiya, naramdaman niya ang mabilis na pag-init ng kaniyang pisngi. Agad niyang tinapik ang hita ni Alexus na natawa naman.

"Sorry." She said, closing the book she's holding.

"You guys are making my girl uncomfortable." Alexus said. "Hayaan mo yan sila, love. Ganyan kasi pag walang siniseryoso sa buhay."

"Wow. The lovestruck strikes us again, man!" Thiago shook his head exaggeratedly.

"Hayaan mo yan si Alexus, push mo lang yang forever mo brad suportado ka namin." Natatawa ring sabi ni Travis.

"Kuya."

Napalingon sila nang marinig ang tinig ni Ashley. Nginitian niya ito.

"Hi, Ash. Nag-lunch ka na ba? Halika, join us!" She invited her.

Tumayo si Travis sa kinauupuan nito at doon pinaupo ang kapatid.

"Anong gusto mong kainin?" He asked his sister.

"Hindi ako nagugutom, gusto ko lang sana mag-patulong sayo para sa drawing na ipapasa ko sa art class ko mamaya. You know naman hindi ako marunong mag-draw." Ashley bit her lower lip.

"Sure, pero kumain ka na muna." Sabi ni Travis.

Nilingon niya si Alexus nang mapansin na natahimik ito sa tabi niya. Ipinag-patuloy nito ang tahimik na pagkain.

The whole lunch time ay hindi umiimik si Alexus, pakiwari niya ay hindi nito gusto ang naging presensya ng kapatid ni Travis. Na hindi naman niya maintindihan kung bakit. Dahil wala naman ginagawa si Ashley, tahimik lamang ito at tanging ang kapatid nito ang kinakausap na pirmi.

Gabi na ng ihatid siya ni Alexus sa bahay nila, she opted to go there para i-check kung handa ang bahay nila sa pag-dating ng kaniyang mga magulang. She's always organized, gusto niya ay palaging maayos ang lahat.

"Lex kanina ka pa tahimik, may problema ba?" Tanong niya dito nang makapasok silang dalawa sa kabahayan.

Umiling ito. At hinawakan ang kaniyang mga kamay.

"Come on, love. You can tell me everything." She encouraged. "Kilala kita, Alexus. Alam ko kung may problema ka o wala. Sige na sabihin mo na."

He sighed. Napangiti siya, sa tinagaltagal nilang magkasama ni Alexus ay kabisadong kabisdo na niya ang ugali nito. At alam niya na he's about to give in.

"Lex? Please?" Lumapit pa siya dito at hinaplos ang pisngi nito. "Love?"

Matiim itong nakatitig sakanya bago bumuntong hininga at umiling. "It's about Ashley, Gen?"

"What about her?" Her forehead ceased in concern. "May problema ba siya? Is there something wrong? May nangyari ba?"

"She likes me." Simpleng sagot nito.

Nahawi ang kunot sakanyang noo at umaangat ang kaniyang mga kilay bago mangiti. "Oh? Tapos?"

"Anong tapos?" It's his turn to frown. "Iyon lang ang reaksyon mo? I said she likes me. Someone likes me, Gen. Another girl! Another pretty face!"

ZWCS#5: Beautiful GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon