Pinakiramdaman niya ang mabilis na tibok ng kaniyang puso sakanyang dibdib dulot ng labis na kaba. She can't remember becoming this nervous her whole life! Huminga siya ng pagkalalim-lalim matapos ay tiningala ang malaking arko kung saan nakalagay ang makintab na kulay gintong pangalan ng lugar.
VILLAVICENCIO
Tinanaw niya mula sakanyang kinatatayuan ang malawak na daanan pag-lagpas ng arko. Malayo-layo ang bukana papasok sa mismong villa ng mga ito. Noong nakaraan ay sumabay lamang siya sa pickup ng isang ranchero upang makalabas ng hindi nag-lalakad ng napakalayo dahil tinanggihan niya ang alok ni Archimedes na pag-hahatid.
And right now, she doesn't have much choice but to move her feet for a very long walk. Tantsa niya'y aabutin ng halos trenta minutos siya sa daan Lalo pa't hindi naman siya malaking tao na makakagawa ng malalaking hakbang.
Mabuti na lamang at hindi ganoon kataas ang sikat ng araw isa pa'y matatayog ang tayo ng mga nag-lalakihang puno sa paligid na siya maaaring silungan.
She couldn't contain the excitement she's feeling. Why she missed Archimedes so much!
Pinunasan niya ang pawis sa kaniyang noo. Nakaramdam na siya ng pangangalay sakanyang binti ngunit hindi na niya iyon ininda. Kung hihinto siya upang mag-pahinga ay masasayang ang ilang minuto niya, panahong dapat ay iginugugol na niya kay Archimedes.
Hindi niya maipaliwanag ang kakaibang saya na bumalot sakanyang damdamin nang matanaw na ang napakalaking villa kung saan naroon ang taong siyang gustong gusto na niyang makita at makasama.
Ngunit lahat ng excitement na namamahay sa sistema niya at naglaho na tila bula nang matanaw niya itong bumababa sa kabayo nitong si Patron habang kausap at katawanan ang isang babaeng sakay naman ng isang kulay puting kabayo na kamukha din ng tindig ni Patron.
Napasinghap siya habang pinagmamasdan ang mapuputi at pantay pantay na mga ngipin ni Archimedes mula sa kanyang kinatatayuan dahil sa pagtawa nito. Her eyes narrowed in irritation. Siya's ni hindi manlang makuhang ngumiti dahil sa labis na pangungulila ditto. She was even in a hurry to see him. And this? Ito ang siyang maaabutan niya? Sa nilayo-layo ng binaybay niya ay madadatnan niya itong masayang nakikipag-usap at nakikipag-tawanan?!
Her heart beats violently. Kasunod noon ay ang kusang pagkuyom ng kaniyang kamao. This is not good. There's this very unfamiliar feeling that is filling her from within. She's damn sure that she'd never felt it before.
Matalim niyang sinulyapan ang babae na hanggang ngayon ay masaya paring nakikipag-usap kay Archimedes. The woman is wearing a complete attire of a cowgirl, even with that cowboy hat though. They'd make a perfect scenery na tila ba kay sarap nilang ipinta, ngunit hindi iyon ang gusto niyang gawin. Hindi iyon ang bumubulag sakanya.
Lalong nanigas ang kaniyang mga bagang nang sa wakas ay mapadako sakanya ang mga mata ni Archimedes. Saglit niya iyong kinakitaan ng pagkabigla ngunit walang ilang segundo ay mas lumapad ang magandang ngiti nito sa labi kasabay ng pag-aliwalas ng mukha nito.
"Generose!" Tila hindi nito makapaniwalang usal.
Maging ang babaeng katawanan nito'y napabaling sakanya, pinigilan naman niyang mapairap dito bago humakbang papalapit sa mga ito.
Pinanatili niyang pormal ang kaniyang mukha lalo nang ngitian siya ng babaeng may mahabang banyagang buhok na nakapirmi sa ilalim ng sombrero nito.
"I didn't know you'd come." Bati sakanya ni Archimedes. "Sana'y nag-sabi ka, sinundo sana kita sa bukana. Paniguradong malayo ang nilakad mo."
"Yeah, as if you're really reading my messages." Matabang niyang sabi na iglap na pumawi sa ngiti nito.
Tumikhim si Archimedes bago muling nag-salita. "Generose si Greta kaibigan ko. Greta si Generose."
BINABASA MO ANG
ZWCS#5: Beautiful Goodbye
RomanceZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES: a series collaboration of Frappauchino and YGDARA. ZWCS#5: Beautiful Goodbye -Generose Rocamora