Chapter Eight

27.3K 1.2K 151
                                    

No I wasn't hurt...

Well that's a big lie. Why her boyfriend got another girl pregnant! Kulang ang sabihing gumuho ang mundo niya sakanyang harapan kung pagpapatung-patungin lahat ng sakit na kaniyang nararamdaman. Her heart aches so bad that she can't stop the tears from falling down.

Hindi siya tiyak kung ilang oras na siyang nakadapa sa kama habang nakabaon sa malambot na unan ang kaniyang mukha nang maisipan niyang bumangon paupo, magulong magulo ang buhok niya at nasisiguro niyang mugtong mugto rin ang kaniyang mga mata.

Napalingon siya sa pinto ng kaniyang silid nang may kumatok mula sa labas, kasunod noon ay ang tinig ng kanilang kasambahay na si Nana Lagring.

"Rosas, anak tayo na't maghapunan. Kanina ka pa hindi lumalabas diyan ako'y pinag-aalala mo."

"H-hindi po ako nagugutom, Nang." She tried to sound normal, sa kabila ng pamamalat ng kaniyang lalamunan.

"May sakit ka bang bata ka? Sigurado ka bang ayos ka lang dyan, Generose?" Magkasunod na tanong nito.

"Opo, Nang. Ayos lang ako." She cleared her throat, trying to sound fine again. "Sige na po, kumain na po kayo may ginagawa lang po ako."

"O siya, ikaw ang bahala. Nga pala, dumaan si Alexus gaya ng bilin mo'y sinabi kong wala ka. May alitan ba kayo ng nobyo mo?"

"Wala ho, Nang." Tanggi niya. "Busy lang po talaga ako, kilala niyo naman yun tiyak na mangungulit."

"Siya sige ako'y bababa na, kung may kakailanganin ka'y tawagin mo akong kaagad."

"Opo." Mahina niyang sagot.

She sighed out of relief after she heard a retrieving footsteps. Wow Gen, you're near to becoming a best actress!

Mula sa bedside table kung saan naroon ang lampshade niya ay nahagip ng kaniyang paningin ang picture frame kung saan nakapaloob ang litrato nila ni Alexus. Muli ay kusang bumagsak ang luha sakanyang mga mata, she extended her arm and reached for it weakly.

She trailed her fingers to the glass of the frame, tracing Alexus' smiling face. Suddenly, she felt a painful squeeze inside her chest. Alexus' smile might be the most beautiful one she'd ever seen her entire life. She remembered how she used to feel happy every time she see him smile, but right now? The happiness is gone.

Ramdam na ramdam niya ang kakaibang sikip sa kaniyang dibdib na tila ba sinasakal siya hangga't sa hindi na siya tuluyan pang makahinga.

What's happening to the both of them really breaks her. She'd never been in a relationship before, Alexus is her first. At sa loob ng ilang taon ay kailanman wala naman silang naging malaking pag-tatalo ni Alexus.

Alexus had always been a gentleman, kung may mga maliliit man silang pagtatalo ay nagpapakumbaba ito upang agad na maagapan. Kasalanan man nito o hindi, Alexus will always be the first one to lay an armor down. He'd been the most understanding boyfriend that anyone would love to have, kaya naman sinikap niyang maibalik ang pagmamalasakit at pagaalagang ipinararamdam nito sakanya. They were happy, so happy that sometimes she feel that it was so unreal.

Lahat ng tungkol sakanya ay pinakibagayan at inintindi ni Alexus, even her beliefs. He'd been very patient with her when it comes to man's needs.

Marahil ay iyon din ang nag-tulak rito upang makagawa ito ng hindi dapat. Lalaki lamang si Alexus, puno ng tukso ang paligid. Ashley is very beautiful, istupido ang manok na tatanggi sa nakahaing palay.

And that thought she has in mind kills her. Muli niyang ibinalik sa kinatatayuan nito ang frame when she felt the need to embrace herself. Tahimik siyang umiyak.

ZWCS#5: Beautiful GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon