Another morning, another day to live. That's what she thought when she opened her eyes. Nabuo na ang pasya sakanyang isipan, pupuntahan niya si Alexus at kakausapin.
Tama si Archimedes, she should give him the benefit of the doubt. Hindi niya rin naman alam kung ano ba talaga ang nangyayari dito. Hindi narin naman niya kayang tiisin na hindi ito kausapin.
Walang pasok ngayon si Alexus, alam niya iyon. Kaya naman mabilis siyang bumangon at naligo. She took her car keys and went straight to Alexus.
On her way, she felt a slightly abnormal beating of her heart. Was she nervous that she's seeing him again? She shook that thought off.
Hindi na siya nag-abala pang itext o tawagan si Alexus para sabihing pupuntahan niya ito. Para saan pa? Hindi naman din ito mag-rereply.
Nangunot ang noo niya nang makita niya ang sasakyan ni Travis sa labas ng bahay nila Alexus. Now she's sure na nasa loob nga si Alexus.
"Ma'am Rosas!" Nakita niyang nanlaki ang mga mata ng maid nila Alexus na siyang sumalubong sakanya nang pindutin niya ang doorbell.
"Okay lang po ba kayo, Nanang?"
"M-Ma'am k-kasi sina sir Lex at yung kaibigan niya nag-aaway sa loob..."
"H-ha?"
Mabilis niyang tinakbo ang papasok ng mansyon. Doon niya naabutan si Alexus na nakasadlak sa sementadong sahig habang dumudugo ang gilid ng labi.
Habang si Travis ay nakatayo sa harapan nito. Then there's Gift who's holding him.
"Putangina mo, Alexus! Putangina mo!" He's shouting like a mad man.
"Travis, stop it!" Pilit na pinapantayan ni Gift ang tinig ni Travis.
"I know myself enough not to believe your liar of a sister." Mahinang sabi ni Alexus, gumalaw ang mga mata nito at doon nag-tama ang kanilang paningin. Nakita niya kung paanong naligalig ang mga mata nito. "Gen!"
"Anong nangyayari dito? Bakit kayo nag-aaway?" Nag-tataka man ay mabilis niyang dinaluhan ang kasintahan. "What happened, Lex?"
Tutulungan niya sana itong tumayo nang bigla siya nitong yakapin ng napakahigpit.
"Alexus..."
"Tell her Alexus. Sabihin mo sa girlfriend mo kung anong kaputanginahan ang ginawa mo!" Muling sumigaw si Travis.
"Travis ano ba?! Kanina pa ko naririndi sa boses mo hindi ka masaway!" It was Gift.
Humigpit pang lalo ang yakap sakanya ni Alexus. "Don't listen to him. Believe me, Gen. I love you. I love you so much..."
"Lex, ano bang nangyayari?" Hindi niya alam kung para saan ang takot na lumulukob sakanyang damdamin.
Hindi niya alam kung bakit natatakot siyang malaman ang siyang gustong sabihin ni Travis.
"You're an ass, Alexus. You're an ass." Travis shouted again.
Inalis niya ang pagkakayakap sakanya ni Alexus at binalingan si Travis. He's damn mad, tila ba pinapatay nito ng tingin si Alexus.
"Ano bang nangyari, Trav?" Maingat niyang tanong.
"Tell her, Alexus."
"Travis, wag mo ng idamay si Gen dito." There's a danger in Alexus' voice.
"Trav, umalis na tayo." Gift tried to pull him but he didn't let her.
"Bakit hindi mo sabihin kay Generose that you got my sister pregnant?"
She froze when he finally said it. It's like a bomb exploded in front of her, making her whole world collapse.
"Travis ano ba?!" Galit na sigaw ni Gift.
BINABASA MO ANG
ZWCS#5: Beautiful Goodbye
RomanceZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES: a series collaboration of Frappauchino and YGDARA. ZWCS#5: Beautiful Goodbye -Generose Rocamora