Chapter Thirteen

32.6K 1.4K 294
                                    

Hindi niya alam kung anong oras na natapos ang pag-uusap nila ni Archimedes kagabi. All she know is that, he was there for her. To comfort her and somehow made her feel better. Ni hindi na nga niya maalalang nakapag-paalam siya dito ng maayos o nakatulugan na niya ito dahil nakasiksik pa ang cellphone niya sakanyang leeg nang siya ay magising.

Naramdaman niyang muli ang pag-kirot ng kaniyang dibdib. Tuwing naiisip niya ang lahat ng nangyari, it all happened in a blink of an eye. Lahat lahat ng binuo niya at itinayog niya ng ilang taon, lahat gumuho sa isang iglap.

So it's true, everything exist in cycle. Lahat pwedeng mawala sayo kahit pa gaano katibay ang semento na ihaligi mo roon.

Mabilis siyang naligo at nag-bihis. Hapon pa ang klase niya at oo papasok siya. Ilang araw din ang namiss niya dahil sakanyang pag-liban. Kagabi ay hinihikayat siya ni Arki na pumasok na ngayong araw sa klase habang kaya niya pang habulin para daw hindi siya lalong mahirapan at dumagdag pa sa problema at isipin niya.

Napailing na lamang siya, Archimedes always has a point.

Nang makababa ay naabutan niya sa isang komosyon ang mga kaibigan, nasa tapat ng sorority house nila ang ilang myembro ng Sigma Pink Society kabilang na si Paulina.

Nakita niya si Gift na kasunod niyang bumaba sa hagdan na ang tanging suot ay puting spaghetti strap top at silk shorts. Halatang bagong gising pa ito dahil sa magulong buhok na bastang hinahawi ng mga daliri nito.

"What's going on?"

"I don't know." Halos sabay silang bumaba para usisain ang nagaganap.

Nakita nilang ihinagis ni Paulina ang ilang printed photos kanila Trinity, Shanna, Brooke at Cassidy. Sina Kata at Jinny ang dumampot ng mga iyon nang bumagsak sa sahig. Agad silang lumapit sa mga ito.

"Trinity is never a teenage dream she pretended to be." Nakangising sabi ni Paulina. "No role model is a filthy whore-"

Napasinghap ang lahat nang tumama sa pisngi ni Paulina ang palad ni Gift. Maging ito mismo ay natulala habang maluha-luhang dinadama ang pisngi.

"No Zeta is a whore." Mariing sabi ni Gift.

"This is an o-offense! Y-you slapped me! It's physical assault!" Paghihisterya nito.

"You're currently stepping in our territory giving me all the rights to get physical." Inagaw nito mula kay Jinny ang ilang larawan.

Napalingon kami kay Cataliah nang humagikgik ito. "Teenage dream ka daw, Trinity eh ang tanda mo na di ka naman na teen sus pwede namang dream nalang. Ito talagang si Paulina boba!"

Kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang pagtawa na siyang hindi nakayanan ng iba. Why Kata is just so crazy.

"So this is what its all about." Inangat ni Gift ang larawan kung saan kitang kita si Trinity na may ka-makeout sa isang tagong bahagi ni gym, hindi nga lang kita sa larawan kung sino ang lalaki. "This is so past tense. You're wasting your time. Do you really think na hindi namin alam ang activities ng isa't isa? How come we became sisters? And what are you expecting us to do? Get rid of Trinity? Well that's a no no, bitch."

Nagtaas baba ang dibdib ni Paulina sa sobrang galit, matalim nitong sinulyapan si Trinity na nakangiti lamang dito.

"Paulina, wag kang mainggit. I have lots of copies of your dirty activities, I'll send it to you if you want." Gift rolled her eyes and throw the pictures back to Paulina. "Go get a life and shoo, you dunce."

Gusto niyang maawa kay Paulina nang makitang umiiyak na itong umatras kasama ang mga sisters nito, kaya lang mali naman ang ginawa nito. Tinalikuran na sila ni Gift at muling bumalik papasok ng sorority house.

ZWCS#5: Beautiful GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon