Chapter Twelve

27.6K 1.3K 303
                                    

Hindi na nakuha pa ni Rosas na tumagal ng isang linggo kagaya ng siyang balak niya, kinabukasan ay nag-paalam na siya kay Archimedes. He's right, kailangan niya ng harapin ang lahat ng tinalikuran niya ng dahil sa takot.

Nag-alok pa ito na ihatid siya pabalik ngunit siya ang mariin na tumanggi. Archimedes had been so nice to her, isa pa naging labis labis na pang-aabala niya rito. Alam naman niya ang sasakyan pabalik, binigyan siya nito ng pamasahe dahil alam nitong wala siyang kahit anong bitbit bukod sa sarili niya pero tinanggihan niya iyon, sobra sobra na. Imbes ay humiram siya kay Nana Luna at nangako na babalik at babayaran ang matanda na siya lamang ikinatawa nito.

When she got home, her parents are out. Ang sabi ng kanilang kasambahay ay may business trip daw ito sa Hong Kong at hindi siya masabihan dahil hindi alam kung paano siya kokontakin. Pagod niyang isinuko ang katawan sa kama at blankong tinitigan ang kisame.

He kissed her.

Muli niyang naramdaman ang pag-sulong ng kakaibang kaba sakanyang dibdib. Agad niya iyong dinama gamit ang kaniyang kamay, she then shut her eyes tightly as she bit her lower lip hardly.

HE. DAMNED. KISS. HER!

She can't stop thinking about it. Kagabi matapos nitong sabihin sakanya na pakinggan si Alexus ay wala itong salitang umalis at iniwan siyang mag-isa sa balkonahe. Na siya ring ipinagpapasalamat niya dahil hindi siya handa sa anumang komprontasyon o ni marinig man lang ang anumang sasabihin nito. Nakahinga din siya ng maluwag nang hindi nito binuksan ang ganoong usapan kaninang umaga nang mag-sabay sila sa almusal at nang mag-paalam siya ditong uuwi na.

Kasabay ng mas mariin niyang pagkakapikit ay ang pag-landas ng luha mula sakanyang mga mata. Her heart clenched in pain. She cheated.

She kissed somebody and that's a clear form of cheating. Her conscience is now starting to burn her insides. Mali ang ginawa niya, alam niya iyon. Kahit pa sabihing magulo sila ni Alexus ngayon at maaaring tama na may nagawa itong mali sakanya. But then, mistake never justify mistake. Cheating never justify cheating.

But then how can something so wrong feel so right?

Malalim siyang huminga bago muling nag-palipas ng ilang sandali atsaka bumangon. Mabilis siyang naligo at nag-bihis. Tinignan niya ang kaniyang wrist watch, it's eleven in the morning. Mamayang hapon pa ang klase niya kaya pinili niyang pumunta na lamang sa sorority house nila sa Vanderbilt Drive, isa pa baka nag-aalala na sakanya ang kanyang mga kaibigan.

Nang makarating sakanilang sorority house ay kaagad siyang sinalubong ng malakas na tili ni Cassidy at Brooke. Sabay pa ang dalawa na dinaluhan siya ng mahihigpit na yakap.

"God, Rosas! You're so alive!" Mangiyak-ngiyak pang bulong ni Cassie.

"Where have you been?!" Brooke asked. "We've been trying to reach you, you'd been gone for three days!"

"Geez, Rosas you look pale!" Maarteng sabi ni Shanna na nasa likod ng mga ito.

"M-may inasikaso lang ako." Palusot niya.

"You should've at least texted us!" May pag-tatampong sabat ni Trinity na kabababa lamang ng hagdan bitbit ang ipad nito, si Gift naman ay kasabay rin nito.

Nag-tama ang mga mata nila ni Gift, wala siyang mabasang kahit ano sa tingin nito. Sa mga kaibigan niya ay si Gift ang siyang tanging nakakaalam ng totoong dahilan kung bakit siya nawala.

"Good thing you're back, just in time for our monthly house meeting." Pormal na sabi ni Gift bago mag-patuloy sa pag-baba, nag-lakad ito patungo sa mini library. "Violet is waiting, let's not waste time."

"She's not in the mood again." Brooke rolled her eyes.

"Palagi naman yang wala sa mood." Humagikgik si Kata na sumunod na kay Gift.

ZWCS#5: Beautiful GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon