Chapter Ten

26.9K 1.1K 133
                                    

"I can't keep you here for days, bukas ihahatid na kita pabalik ng syudad." Tahimik na sabi ni Arki sakanya.

Hindi siya nag-salita at pinagtuunan na lamang ng pansin ang kaniyang pagkain. Ganoon rin naman ito.

Pinayagan siya ni Arki na manatili sa villa ngayong gabi, pero sa tuwing maiisip niyang bukas ay uuwi na siya sa kaniyang mga problema ay hindi niya maiwasang hindi umalma.

"You've purposely left your phone." Walang pang-aakusa nitong sabi.

Kumibit ang kaniyang mga balikat at nag-patuloy sa pagkain.

"You still have classes, Generose. You've skipped those, today." Tumikhim ito.

"I know."

"And it's not good." Tipid nitong sabi.

"Should I do good things while I'm feeling worst?"

"All good things you do, ripples that you may not see."

She rolled her eyes hearing another shot of wisdom from him. Uminom siya ng tubig bago ito balingan. "Alam ko naman iyon, Archimedes eh. Alam ko naman na maling dagdagan ko ang problema ko ng isa pang problema hindi ba? But I just can't help it. I need a break. I need a break from everything and from everyone."

"At naiintindihan ko rin naman iyon. But how about your studies, Generose? Your family whose probably worried by now? Your friends who cares for you? What about them?"

Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi bago huminga ng napakalalim. "Buong buhay ko, Arki palagi nalang mga tao sa paligid ko ang siyang una kong iniisip. Can I be selfish? Kahit ngayon lang? Kahit isang linggo lang? Gusto kong walang isipin. Gusto ko puro ako lang. Gusto ko naman bigyan ng panahon ang sarili ko."

"But you'll get them worried-"

"Hindi naman siguro masama kung mawawalan muna ako ng pakialam hindi ba? One week wont hurt. I promise, Archimedes. Hindi kita guguluhin. Just please, let me rest here." Halos nagmamakaawa na niyang sabi.

Nakita niya ang pagdaan ng hindi kilalang emosyon sa mata nito bago iyon pumormal. He then finally sighed in resignation. "Fine. One week. But, Generose contact your parents. Kahit ipaalam mo lang sakanila na okay ka at walang nangyaring masama sayo."

Mabilis siyang tumango at nagpasalamat rito. Gaya ng kanilang napagkasunduan, matapos kumain ay tinawagan niya ang mommy niya gamit ang telepono nito para ipaalam na nasa mabuti siyang kalagayan at uuwi rin siya kapag maayos na siya.

About school? A week of absence wont hurt. Alam niyang makakahabol siya, tutal ay tapos na naman ang exam week nila noong nakaraan.

Right now, all she want is too shut her world and live to Archimedes' instead.

"Hija, gusto mo ba ng gatas?" Nilingon siya ni Nana Luna nang maulanigan nito ang kaniyang presensya. "Ipagtitimpla kita, mukhang hindi ka makatulog."

"Hindi na po, Nang." Nginitian niya ito at inusisa ang ginagawa ng matanda. "Ano ho yan?"

"Ah, paborito kasi ito ni Arki. Lumpiang togue, gustong gusto niya ang pagkakagawa ko ng ganito kaya ibinabalot ko na at itatabi ko nalang sa ref para sakaling magutom siya at maisipang kumain ay i-pprito na lamang niya." Nakangiting sagot nito.

"Mahilig pala siya sa gulay..."

"Ay napaka! Iyon nga lang ang sustansya ng gulay sakanyang katawan ay naaagaw naman ng paninigarilyo." Umasim ang mukha nito tanda ng pagkadisgusto. "Ilang beses ko na siyang inawat sa bagay na iyan, ngunit hindi naman niya nahinto. Nasa dugo na ata nila yan, ang ama niyang Fleming kalakas ring manigarilyo. Natigil lang noong naikasal na kay Kaela. Ganoon si Don Sigmund noong kapanahunan."

ZWCS#5: Beautiful GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon