Nilingon niya si Archimedes nang huminto ang sasakyan nitong wrangler sa tapat ng isang malaking itim na gate, may karatulang nakasabit doon na may nakasulat in bold capital letters VILLAVICENCIO'S PROPERTY.
Bago pa siya nakapag-tanong ay nakababa na ito. Agad niya ring binuksan ang pintuan sakanyang bahagi bago siya sumunod dito. Ito ang siyang mismong nag-bukas ng bakal na gate. He guided her in.
"Who lives in here?" Tanong niya habang inililibot ang tingin sa paligid.
"Wala."
Nilingon niya itong muli habang isinasara ang gate. "Sure that this is your family's property."
"Well obviously. I wont trespass." Tumayo ito ng tuwid at binalingan siya ng tingin, again she sensed something in his eyes. "I'm territorial, kaya marunong din akong kumilala ng pag-aari ng iba."
Hindi niya alam kung siya lang ba, o may ibig talaga itong sabihin. But she shrugged the thought off and gave him a smile. "So, why are we here?"
"You asked me to take you someplace where you can be happy..." He gave her a nonchalant shrug. "Well, this isn't really the place that makes me happy. Kaya lang masyadong malayo ang rancho for me to show you my horses. Ito, dito nalang."
Hindi niya napigilang mapangiti habang nakatitig dito. "That's the longest statement you've ever said since we met."
Agad na pumormal ang anyo nito bago siya tinalikuran at nagpatiunang mag-lakad papasok sa mansyon.
Tatawa-tawang sumunod naman siya rito. "Wait up! Walang nakatira dito? So who's maintaining the greenery?"
"Caretaker."
"Dito ka ba tumutuloy kapag nandito ka sa Manila?" Tanong niyang muli bago isara ang malaking pinto ng mansyon.
"No."
"Eh saan?" Namangha siya nang makita ang isang antigong organ sa bungad ng malawak at magarang sala. "Wow."
"Someplace." Tuloy-tuloy itong umakyat sa engrandeng staircase na sa wari niya'y mas matanda pa sakanya, yet it was beautiful maintained.
Muli siyang sumunod dito. Malawak ang hallway sa ikalawang palapag, tiningala niya pa ang ikatlong palapag na sa palagay niya'y mayroong anim na silid katulad ng sa ikalawa.
Sinundan niya si Archimedes na tinungo naman ang pinaka-dulong pinto sa kaliwa. He opened the door and let her in.
"Wow!" Her eyes went wide when he switched on the lights and let her see what's inside.
Parang bata na pumasok siya sa loob, agad niyang hinila ang braso ni Archimedes at masayang binalingan ito.
"Shit ka! Is this real?! Am I really in a Nintendo game room?" Hindi makapaniwalang sabi niya, she roamed her eyes around the built-in shelves where different video tapes are sitting. "Seryoso to? Are they all good and working?"
Isang simpleng tango lamang ang isinagot nito sakanya.
"My God! Tara mag-laro tayo nito!" She beamed and ran towards the shelves.
Inabala niya ang sarili niya sa pag-iisa-isa ng napakadaming game tape doon. She just couldn't contain the happiness of a little girl in her.
Hinayaan naman siya ni Archimedes na laruin lahat ng gusto niya. They even did some old-school playstation battle. Hindi niya namalayan kung gaano na sila katagal na nag-lalaro ni Archimedes.
He's like a typical boy, cheering for himself as they battled against each other. Siya man ay ganoon rin.
Nang makaramdam siya ng pagod sa kakalaro, she called it quits. Pero hindi parin siya natigil, kinuha niya ang isang handheld brick game sa shelf at iyon ang nilaro.
BINABASA MO ANG
ZWCS#5: Beautiful Goodbye
RomanceZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES: a series collaboration of Frappauchino and YGDARA. ZWCS#5: Beautiful Goodbye -Generose Rocamora