Chapter Eleven

28.7K 1.3K 176
                                    

"Come on, don't be scared. Mararamdaman ni Patron na kinakabahan ka, baka maligalig siya." Sabi ni Archimedes sakanya habang nakapatong ang kamay sakanyang tuhod ang isa nama'y humahaplos sa balat ng kulay bukayong kabayo.

This is my third day at Villavicencio Ranch, kahapon ay isinama siya nito sa tinutukoy nitong maliit na farm. Kahit pa sinabi niya rito na hindi naman nito iyon kailangan gawin at baka makaabala pa siya sa trabaho nito. Pero nang sabihin nitong kung hindi siya sasama ay maiiwan siyang mag-isa sa mansyon dahil sasama sa farm ang mga matatanda, wala na siyang napag-pilian kundi ang sumama.

Taliwas sakanyang inaakala ay nag-enjoy siya sa farm, marami siyang natutunan tungkol sa iba't ibang klase ng kabuhayan sa farm dahil sa mga kwento ng mga trabahador nina Archimedes doon. Doon narin sila nananghalian, hapon naman ay tinungo nila ang kwadra ng mga kabayo upang kamustahin ang lagay ng mga ito. Nais pa nga sana niyang subukan sumakay sa isa ngunit papadilim na ang kalangitan kaya naman si Archimedes na mismo ang nangako sakanya na ngayong umaga ay mangangabayo sila sa malawak na paligid ng rancho.

Kaya heto siya ngayon, nakasampa sa ibabaw ng kabayo na ang pangalan ay Patron. "Archimedes!"

"I'm here Generose, I'm watching over you." Napalunok siya nang abutin nito ang kamay niyang nakahawak sa renda ng kabayo, binigyan nito iyon ng marahang pisil. Ang kamay nitong kanina ay humahaplos sa kabayo ay ngayo'y nasa ibabang bahagi na ng kaniyang likod naka-agapay. "Mabuti'y kasya sayo ang mga damit na nasa guestroom."

Naramdaman niya ang pag-iinit ng kaniyang pisngi nang hagurin siya nito ng tingin. Napalunok siya, tila ba siya hubad sa kabila ng suot niyang pedal pusher at puting t-shirt para tamaan ng hiya sa pamamaraan ng tingin nito.

Umakto siyang sasagot sa sinabi nito nang mapatili siya matapos gumalaw ng bahagya ang kabayo.

"Relax, I told you I'm here." He gave her the most beautiful smile.

Sandali siyang natigilan habang nakatitig dito, tila ba siya nahihipnotismo ng mga mata nito. Nahihiyang nag-iwas siya rito ng tingin nang muli niyang maramdaman ang kakaibang kalabog sakanyang dibdib. Nakagat pa niya ang kaniyang ibabang labi habang itinutok ang mga mata sa malawak na kapatagan sakanilang harapan.

Binitawan nito ang kaniyang kamay upang hawakan ang tali ng kabayo, doon niya lang rin naalalang hawak nga pala nito ang kamay. Nag-ririgodon man ang kaniyang dibdib ay pilit niyang ibinalanse ang sarili sa ibabaw ni Patron.

Ilang malalalim na pag-hinga ang kaniyang pinakawalan nang mag-simula ng mag-lakad ang kabayo, si Archimedes naman ay bumitaw na sakanyang likod upang masabayan ang pag-lalakad ni Patron. Pasimple niya itong sinulyapan, muli niyang nakagat ang ibabang labi.

They're like in a typical Old Hollywood movie scene. Ang suot nito ay isang puting polo na nakarolyo hanggang siko ang manggas, apat na butones mula sa itaas ang bukas na siyang dahilan ng pag-silip ng malapad nitong dibdib, ang kupasin nitong maong ay akmang akma sa maputik nitong itim na cowboy boots. And of course, there's his cowboy hat to complete his cowboy look. Ang suot lang niya talaga ang hindi tutugma sa eksena nila sa ilalim ng pang-umagang araw.

"What is he like?"

Her thoughts of him were cut off when she heard his deep and baritone voice. Nang hindi siya sumagot ay nag-angat ito ng tingin sakanya.

"It's okay if you wont answer. Sorry for being insensitive." Tipid itong ngumiti bago muling ibalik sa dinadaanan ang mga mata.

Siya naman ay bumagsak ang tingin sa kamay na nakahawak sa renda. Alam niya naman kung sino ang tinutukoy nito, hindi niya lang mahanap ang kaniyang tinig upang mag-salita.

Muli silang nabalot ng katahimikan. Humugot siya ng isang malalim na hininga bago mag-salita. "He's the kindest most genuine person I've ever known..."

Tila hindi naman nito inaasahan ang naging pag-sagot niya kaya dagli siya nitong binalingan, he didn't say a word but his eyes were as if asking her to speak more.

ZWCS#5: Beautiful GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon