Mataas na ang sikat ng araw nang marating nila ang Villa Villavicencio. Tantya niya'y nasa apat hanggang limang oras din nilang binaybay ang daan patungo roon. Dahil rin madilim pa nang umalis sila ng syudad at hindi nga sila inabutan ng traffic.
Dahil sa labis ng pagod kakaiyak, mahimbing at payapa siyang nakatulog. Hindi naman siya inabala ni Archimedes at hinayaan lamang siya matulog. Hindi niya nga alam kung gaano na sila katagal na naka-parada sa harap ng malawak na villa nang mag-mulat siya ng mata, kung hindi pa siya nangalay sa posisyon niya at hindi siya magigising at hindi niya malalaman na naroon na sila. Paano'y tahimik lamang si Archimedes na nakatayo sa labas ng sasakyan nito at naninigarilyo.
Kumunot ang kaniyang noo kasabay ng paniningkit ng kaniyang mga mata. Duda niya'y nakaubos na ito ng kalahating pakete ng sigarilyo sa pag-aantay sakanya na magising.
Agad itong napalingon nang bumaba siya ng sasakyan. She disgustedly shook her head and pointed the cigarette tied in his hand.
"Pinopollute mo ang fresh air." Irap niya.
"Well this is my air." Maiksi itong natawa.
Hindi naman nakatakas sakanyang mga mata ang mapuputi at pantay pantay nitong ngipin. Umangat ang kaniyang paningin sa mukha nito. Alam niyang wala pa itong tulog, ngunit namamangha siya dahil hindi niya iyon nababakas sa anyo nito.
Why he look so fresh as the morning!
Napapailing na nagbawi siya ng tingin nang mapalingon ito sakanya, tumikhim siya at iniligid ang mata sa kapaligiran. "So this is your land..."
Hindi ito nag-salita at nag-patuloy lamang sa paninigarilyo.
"Ilang minuto na tayong narito?"
"Isang oras at kalahating minuto."
She gasped. "That long?! Bakit hindi mo naman kasi ako ginising?"
Bahagya niya itong binalingan, nakatalikod ito sakanya at kitang-kita niya ang pag-galaw ng mga balikat nito pakibit. Nangunot ang noo niya nang malayang liparin ng hangin ang kaniyang buhok, nakangiti niyang iniipit iyon sa likod ng kaniyang magkabilang tenga. Ang aliwalas noon sa pakiramdam, it somehow lift up her mood.
"Ang ganda rito, Arki." Puri niya habang pinagmamasdan ang matatayog na puno sa paligid, walang gate roon at napakalawak ng bakuran. "Is this the only house here?"
"Sa karatig, naroon ang ilang bahay ng mga ranchero. Pero dito, tanging ang villa lang."
Wala sa loob siyang napatango.
Inisang hithit nito ang sigarilyong hawak at itinapon sa malaking lata di kalayuan sa mansion na sa palagay niya'y basurahan. Nilingon siya nito at nilapitan. "Pasok tayo sa loob..."
Iginiya siya nito papasok sa villa. It's an old Spanish styled villa, mula sa marmol na sahig nito at masasabi na agad na hindi napapabayaan ang bahay na iyon.
"N-nasa loob ba ang parents mo?" Bigla'y nahiya siya.
"They're long gone."
"S-sorry..."
Tipid lamang itong tumango at nagpatiuna sa paglakad. Agad niya naman itong sinundan, malawak ang sala ng mansion. Sa gitna ay naroon ang napakalaking family portrait, hindi na niya kailangan pang hulaan na si Archimedes ang batang lalaki sa gitna ng mag-asawa.
Tiyak rin na mga magulang nito iyon. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang babae sa portrait, she looked exactly like Archimedes. Maliban lamang sa mga mata na siya namang kahawig ng sa ama nito.
"I'm sure you're hungry, maghahanda ako ng makakain."
"Ikaw lang mag-isa rito?" Tanong niya habang nakasunod dito.
BINABASA MO ANG
ZWCS#5: Beautiful Goodbye
RomanceZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES: a series collaboration of Frappauchino and YGDARA. ZWCS#5: Beautiful Goodbye -Generose Rocamora