Aliezha Kie MendozaNagising ako dahil sa sikat ng araw dito sa kwarto ko. Minulat ko ang mata ko at nakita ko si manang Rose.
"Iha gumising ka na . Diba may pasok ka pa sa eskwela?" Sabi nya saka inayos ang kurtina.
"Manang. Ayoko po. Masakit pa ang ulo ko." Sabi ko at nagtalukbong ng kumot.
"Hindi pwede iha. Magagalit ang mommy mo." Sabi nya.
"Hays. Kelan ba sya hindi nagalit sakin?" Sabi ko na lang at tumingin sa kisame namin.
Umupo si manang sa kama ko at hinawakan ang kamay ko.
"Iha. Wag kang magalit sa mommy mo. Dahil ina mo sya. Sya ang nagluwal sayo sa mundong 'to. Sya ang nagbigay ng buhay sayo." Sabi nya.
Tumingin ako kay manang.
"Sana hindi na lang nya ako niluwal. Kung ganito lang din naman ang mangyayari."
"Kie wag mong sabihin yan." Sabi naman ni manang.
Di na lang ako nagsalita.
"Kie. Uuwi na ako sa probinsya namin." Sabi nya.
"W-what? Iiwan nyo na ako?" Sabi ko na naluluha.
Si manang na nga lang ang karamay ko tapos aalis pa sya.
"Aliezha. Kelangan ko rin namang makasama ang mga kapatid ko. Matanda na ako. Kaya gusto kong magkaroon ng oras na kasama sila." Madamdaming saad ni Manang.
Tumulo ang luha ko. Umupo ako sa kama katabi ni manang.
"Pero sabi mo sakin na hindi mo ako iiwan diba?" Umiiyak na tanong ko.
Niyakap nya ako.
"Iha. Patawad dahil hindi ko matutupad yon. Pero mahal na mahal kita. Kahit anong mangyari ay wag mo yun kalilimutan. Pero umiiyak narin sakin ang mga kapatid ko. Na sana naman daw ay sila naman ang makasama ko. Sana ay maintindihan mo." Sabi ni manang at umiyak na rin sya.
Kumalas ako sa yakap.
"Sige po. Pumapayag na po ako. Mag-iingat po kayo dun. Mahal na mahal ko rin po kayo." Sabi ko at pinunasan ang luha nya. Ngumiti sya sakin.
"O sya. Mag-ayos ka na. May bisita sa baba." Sabi nya at lumabas na ng kwarto ko.
Sino namang bisita? Tss. Baka isa na naman sa kabusiness ni mommy.
Tumayo na ako at nag-ayos. Di ako naguuniform. Ayoko nga. Panget ng uniform nila. Tsk.
After one hour ay natapos narin ako.
Kaya bumaba na ako.Nakita kong may kausap na lalaki si mommy. Tinitigan ko yung lalaki. Tss. Sya ung guy na naghatid sakin dito sa bahay. Kahit lasing ako nun ay tanda ko parin.
Dumiretso ako sa lamesa at sumandok ng kanin at ulam.
Lumapit sila sakin pero di ko sila pinansin.
"Aliezha. This is Angelo Kevin Gonzales. He will be your bodyguard sa loob ng limang buwan." Announce ni mommy.
"Yeah. I know. He already told me that crap." Ismid na sagot ko.
"Wag mo nga akong bastusin Aliezha. Nanay mo ako!" Galit na sabi ni mom.
"Yeah. Whatever." I said at nagroll eyes.
"By the way. Si Angelo ay anak ng isa sa mga kabusiness ko. Buti na lang at nag-insist sya na bantayan ka." Nakangiting saad ni mommy.
"Tss." Tugon ko lang.
Tumayo na ako pagkatapos kong uminom ng tubig.
Dire-diretso akong naglakad palabas hanggang makarating ako sa kotse sabay pasok sa loob.
Bigla namang bumukas din yung isang pinto dito sa backseat at umupo yung Kevin. Di bagay ang name na Angelo sa kanya. Tss. Pangmabait.
"What are you doing here?" Mataray na tanong ko sa kanya.
"I am your bodyguard . Right?" Sabi nya. Kaya di na lang ako umimik.
Pagkarating sa school ay bumaba agad ako. Nakasunod naman sya sakin.
"Di ka na ba napasok?" Iritang tanong ko.
"Miss Kie I'm already 24 yrs. Old. At graduate na ako ng college. Course ko ay Business Ad." Sabi nya na kinabigla ko. Pero di ko pinahalata sa halip ay inirapan ko na lang sya.
Naglalakad na kami dito sa hallway ng makasalubong namin yung babaeng mukhang clown na nakasaklay.
Napangisi ako.
Napatingin sakin yung clown at kitang-kita ko sa mata nya na gusto nya akong patayin. Nagsmirk ako.
Lumapit sya sakin ng nakasaklay.
"How dare you! Bakit di ka na lang nila ipaexpell!" Sigaw nya sakin.
"Blah blah blah." Asar ko sa kanya.
"Kinalaban mo kasi ako. Yan tuloy napilay ka." Sabi ko pa.
"Arrghh!" Angal nya lang.
Tss. Naglakad na lang ulit kami hanggang sa makarating kami sa room.
Tumingin ako kay Kevin.
"Sasama ka pa sa loob?" Nakataas ang kilay na sabi ko.
"Ofcourse not. Dito lang ako sa labas ng room nyo." Sabi nya kaya pumasok na ako sa loob.
Pagkapasok ko ay tahimik silang lahat.
Tinaasan ko lang sila ng kilay.
Maya-maya pa ay pumasok narin yung teacher namin.
"Goodmorning class." Sabi nya kaya tumayo at bumati rin ang classmates ko. Pero ako hindi.
Tiningnan ako ng teacher namin na mataba.
"Miss. Hindi ka ba babati sakin?" Nakataas ang kilay na tanong nya sakin.
"Tinatamad ako." Simpleng sagot ko.
"WHAT!? BASTOS KANG BATA KA AH! LUMABAS KA NG CLASSROOM NA 'TO NGAYON DIN!" Sigaw nya sakin.
Bigla namang bumukas ng malakas ang pinto ng classroom namin. Pagtingin ko ay si Kevin pala.
Napanganga naman si ma'am. Sa gwapo ba naman ni Kevin . Siguradong matatameme ka. Tss. Not me.
"What's the problem ma'am?" Calm na tanong nya.
Tinuro naman ako ni ma'am.
"Yan kaseng batang yan . Napakabastos. Walang paggalang." Parang batang sumbong naman ni ma'am.
I rolled my eyes.
"Ano pong ginawa nya ma'am?" Tanong ni Kevin pero sakin sya nakatingin.
"Sabi nya tinatamad daw syang maggreet sakin." Sabi naman ni ma'am.
"Actually ma'am ako po ang bodyguard nya. Kaya ako na po ang bahala sa kanya." Sabi naman ni Kevin.
"W-what? B-bodyguard?" Di makapaniwalang tanong ni ma'am.
"Yes po." Sabi nya.
Tumayo na ako at lumabas ng classroom. Binangga ko pa sa balikat si Kevin. Hinabol naman nya ako.
"Miss Kie. Hindi tama na bastusin mo ang guro mo." Pangaral nya sakin.
"Don't care." Sabi ko at sumakay na sa kotse. Sumakay narin sya.
"San ka pupunta?" Tanong ni Kevin.
"House. Sleep." Tipid na sagot ko.
Matutulog na lang ako. Mabuti na lang at hindi na sya nagsalita pa hanggang sa dumating na kami sa bahay.
Dumiretso agad ako sa kwarto ko. Buti nalang at wala sina mommy ngayon dito. Kundi sinermonan na naman ako nun.Humiga ako sa kama at pinikit ko ang mata ko. Wala na si manang. Umalis na sya. Hays. Hanggang sa dinalaw na ako ng antok.
BINABASA MO ANG
Badgirl and Her Bodyguard [COMPLETED]
Teen FictionSya si Aliezha Kie Mendoza. Palaban at walang inuurungan. Iniisip nyang walang nagmamahal sa kanya. She thought that her parents don't love her. Kaya nagrebelde sya. Wala syang ibang ginawa kundi ang suwayin lahat ng utos ng magulang nya. And then...