Aliezha Kie Mendoza POVKanina pa ako nakaupo dito sa bench dito sa school. Tinatamad akong gumalaw. Napakainit ba naman. Tss.
Dapat buong school na lang ang may aircon. Psh.
"Hi. Bitch!" Ngising bati sakin ni clown.
"Oh. Hello there clown!" Ngising ganti ko rin.
Inirapan nya lang ako.
"You know what? Wag mo ngang landiin si Kobie. Dahil akin lang sya!" Maarteng sabi nya.
"FYI . Hindi ko sya nilalandi. And what? Sayo lang sya?? Kelan pa sya naging isang bagay na may nagmamay-ari?" Ganti ko naman.
Tumayo na ako.
At pumunta sa harapan nya. At dahil mas matangkad ako ay tumingala sya."Oo. Akin sya! Dahil pagmamay-ari ko sya!" Sigaw nya.
Nakakabuwisit tong babaeng 'to. Nakakarindi. Sumisigaw. Samantalang , nasa harapan nya lang ako.
"Oh really? Alam mo bang pinsan ko si Kobie?" Pagsisinungaling ko.
Titingnan ko lang kung anong magiging reaksyon nya.
Lumaki ang mata nya.
"W-what?" Di makapaniwalang tanong nya.
Ngumisi ako.
"Yes. He is my cousin. At dahil dyan sa ugali mo? Ayaw ko na agad ikaw para sa pinsan ko!" Irap na sabi ko at kinuha ung bag ko tsaka ako naglakad palayo.
Nakatulala pa sya nung umalis ako. Siguradong maghahanap yun ng pruweba kung totoo ba ang mga pinagsasabi ko. Hahaha. Pero? Hindi naman yon totoo. Siguradong magagalit yun ng todo. Haha.
***
At dahil sa sobrang init ay dito ako dumiretso sa ice cream parlor.
Umorder ako ng ice cream ko at tahimik na kumakain dito sa upuan na aking naoccupy.
"Hi." Napatingin ako sa nagsalita.
Si Kevin...
"What?" Sabi ko. At nagkunwaring hindi sya kilala.
"Pede ba akong makiupo? Wala na kasing vacant." Sabi nya. Tiningnan ko ang buong parlor. Oo nga wala ng vacant. Pero bakit kanina ay konti lang ang tao dito. Apat nga lang kami kanina eh. Weird.
"Okay." Maikling sabi ko na lang.
Tapos umupo na sya. Di ako naimik. Tahimik lang ako habang kinakain ko yung ice cream ko. Di rin ako natingin sa kanya.
Tumitingin lang ako sa labas. Buti na lang at glass window.
"Ahm. Kamusta?" Sabi nya. Napatingin ako sa kanya.
"I'm fine. How 'bout you?" Tanong ko naman.
"Okay lang din naman." Sabi nya.
Tumango lang ako at di na nagsalita.
Maya-maya pa ay natapos ko ng kainin ang ice cream ko at tumayo na ako.
Aalis na sana ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko. Parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa kamay ko mula sa kamay nya.
"B-bakit?" Malakas ang tibok ng puso ko. MyGod!
"Ahm. I just want you to know na ipapaalam ko sayo lahat when the right time comes. I promise." Sincere na sabi nya.
"Ahm. O-okay." Sabi ko. At binitawan nya na ang kamay ko.
Nagmamadali naman akong umalis doon at sumakay agad sa kotse.
"What is that?" Tanong ko sa sarili ko habang hawak ang parte ng puso ko.
Mygosh! May sakit na yata ako sa puso. Kelangan ko na bang magpacheck up?
God! Ano 'to? Sign po ba 'to na mamamatay ako pag nilapitan ko si Kevin? Kung ganto naman lagi ang mararamdama ko ay siguro kelangan kong lumayo sa kanya. First time ko kasing maramdaman ito.
***
"O? Anyare sayo?" Tanong agad sakin ni Kobie pagkapasok ko ng unit.
Ininom ko agad yung tubig na hawak nya.
"Uy! Tubig ko yan eh!" Reklamo nya.
Binigay ko yung baso na wala ng lamang tubig sa kanya at dumiretso ako sa sofa at binagsak ko dun ang sarili ko.
Nakatulala lang ako.
"Problema mo? Mukha kang tanga." Sabi nya.
Sinamaan ko sya ng tingin.
"Tanga? Gusto mo bang palayasin kita!?" Sigaw ko sa kanya.
"Joke lang. Tu naman di mabiro. Ano ba kaseng problema mo?" Sabi nya.
"Nagpatingin kasi ako sa doctor kanina." Sabi ko.
Nagpatingin talaga ako sa doctor kanina dahil dun sa naramdaman ko kay Kevin.
Kaya naman dumiretso agad ako sa ospital. Baka kase may sakit na ako sa puso eh."Tapos? Anong sabi. Tsaka bakit ka nagpatingin?" Takang tanong nya.
Tapos kinuwento ko sa kanya yung encounter ko kay Kevin.
"Tapos yun sabi ng doctor ay wala naman daw akong sakit sa puso. Tapos sabi pa ay inlove daw siguro ako." Pagtatapos na sabi ko.
Nagulat ako ng bigla syang tumawa ng malakas. As in MALAKAS! Gagong 'tu!
"Why are you laughing?" Mataray na tanong ko.
"Kase hahahahaha ikaw hahahahaha nagpatingin hahahahaha sa hahahahaha doctor? Hahahahahaha. Epic!! Hahahahahahaha dahil dun? Hahahahaha. Inosente eh. Hahahahaha." Binatukan ko sya ng malakas dahil sa walang humpay na pagtawa nya.
"Awch! Bakit mo ako binatukan?" Sabi nya at nagpout.
"Nakakainis kaya yung tawa mo!" Sabi ko at sinamaan sya ng tingin.
"Sorry na." Pigil tawang sabi nya.
Inirapan ko lang sya.
"Malay ko ba namang inlove ako. Eh bago lang to sakin." Inis na sabi ko.
"Hahaha. Edi ngayon alam mo na." Natatawang sabi na naman nya.
Binatukan ko sya ulit. Tawa pa eh.
Tumawa lang naman ulit. Abnormal!Hays. Inlove ako kay Kevin! Patay na!
BINABASA MO ANG
Badgirl and Her Bodyguard [COMPLETED]
Fiksi RemajaSya si Aliezha Kie Mendoza. Palaban at walang inuurungan. Iniisip nyang walang nagmamahal sa kanya. She thought that her parents don't love her. Kaya nagrebelde sya. Wala syang ibang ginawa kundi ang suwayin lahat ng utos ng magulang nya. And then...