Aliezha Kie Mendoza POV
Mabilis na lumipas ang araw at ngaun nga ay kasal na nina Tricia at Kobie. Nandito na kami ngayon sa reception. Invited rin pala si Boobsie at Kevin. Kaya pala bumili rin si boobsie ng pink dress noon.
Nakaupo lang ako dito sa upuan at pinagmamasdan ang pagsasayaw nina Kobie at Tricia. Slow dance.
Nakain lang ako habang pinagmamasdan sila.
27 yrs old na ako pero wala pa akong asawa. Hays. Tatanda siguro akong dalaga. Kelangan ko na lang sigurong tanggapin ang bagay na yon.
Napatingin ako sa direksyon nina Kevin at Boobsie. Bumilis ang tibok ng puso ko ng mahuli kong nakatingin si Kevin sakin ng seryoso. Umiwas ako ng tingin at nagkunwaring walang pakialam.
Maya-maya pa ay tumigil na sa pagsayaw sina Kobie at Tricia. Tumingin ako sa labas. Hapon na pala.
Tiningnan ko ang oras at 5 pm na pala.Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Chie.
("Hello Chie?")
("Hello ma'am.")
("Ayos lang ba ang lahat dyan?")
("Opo ma'am. Ayos lang naman po.")
("Ah sige. Kaw na bahala dyan. Okay?")
("Okay po ma'am.")
At binaba ko na ang call.
Medyo masama na ang pakiramdam ko. Anlamig pa dito. Tube dress pa naman 'tong suot ko.
Tumayo ako at pumunta sa way ng comfort room.
Pumasok ako sa loob at dumiretso sa isang cubicle.
May tatlo kasing cubicle dito sa loob.
Habang naihi ako ay may narinig akong babae na siguro ay may kausap sa phone.
"Hello honey? Oo. Papunta na ako. Alam mo namang si Kevin ang kasama ko ngayon ehh." Flirt na boses ni boobsie. Kilala ko ang boses ng babaeng yun.
Kinuha ko ang cellphone ko sa maliit kong bag na nakasabit dito sa loob ng cubicle. Pinindot ko sa recorder.
"Honey naman! Alam mo namang mas mahal kita kesa dun kay Kevin! Tsaka ginagawa ko lang 'to kase sabi ng papa mo na kelangang mapabagsak natin ang business ni Kevin. Magtitiis ba ako dito kung hindi dahil sayo. O sige na hon. Ibababa ko na 'tong call. Baka mainip na si Kevin. I love you honey. Byee." At dun natapos ang call.
Nung naisave ko na yung record ay naghintay muna ako ng 15 minutes bago lumbas. Buti naman at wala na si boobsie. Walanghiyang babae yon! Ginagago lang pala si Kevin! Humanda sya sakin!
Lumabas na ako ng comfort room. Nagsisialisan na ang mga bisita.
"O Aliezha! Kanina ka pa namin hinahanap! San ka ba nanggaling?" Harang sakin ni Kobie at Tricia.
"Ah nanggaling ako sa Cr."
"Ah ganun ba. Gusto lang sana naming magpasalamat dahil kahit busy ka sa business mo ay nakapunta ka parin." Nakangiting sabi ni Tricia.
Ngumiti rin ako.
"Walang anuman. Naging parte rin naman kayo ng buhay ko." Sabi ko.
"Siguro naman ay kaibigan na yong turing mo samin?" Tanong ni Kobie.
Hinihintay talaga nila yung sagot ko.
"Sige. Friends na tayo. Bestfriends pa nga pwede." Sabi ko at mahinang natawa.
Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Tricia at narinig ko ang paghikbi nya.
Tumingin ako kay Kobie habang nakayakap sakin si Tricia. He mouthed 'buntis kase'.
Then nagets ko na. Sabi kase nila na kapag buntis daw ay emotional kaya mabilis umiyak kahit napakababaw lang na dahilan.
Pinispis ko na lang ang likuran ni Tricia.
"Sweetie. Ahm. Bitawan mo na si Aliezha." Sabi naman ni Kobie.
Binitawan naman agad ako ni Tricia at nakita ko ang mga luha nya.
"Sorry ha? Ang babaw na dahilan ay iniiyakan ko. Masaya lang ako kase kaibigan na tayo." Hinging dispensa nya.
"It's okay." Sabi ko at ngumiti.
***
Nagpaalam na ako sa mag-asawa pagkatapos ko silang makausap. Kelangan narin kaseng magpahinga ni Tricia.
Naglalakad na ako papuntang kotse ko. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ko ng may pumigil sa kamay ko.
Tiningnan ko kung sino yun.
"Kevin?" Takang tanong ko.
Bakit andito pa si Kevin? Akala ko umalis na sila.
Tiningnan ko kung kasunod nya si boobsie. Pero di nya pala kabuntot ngayon.
"Di ko sya kasama." Sabi nya. Pinopoint out nya pala si boobsie.
"Okay. What do you want from me?" Tanong ko. Ambilis na naman ng tibok ng puso ko.
"Nagsumbong sakin ang girlfriend ko na sinaktan mo daw sya kanina kaya sya may pasa sa kamay." Cold na sabi sakin ni Kevin.
Kumunot ang noo ko.
"What?" Takang tanong ko.
"Pwede ba? Aliezha. Wag ka ng magmaang-maangan. Alam ko namang kaya mo talagang gawin ang bagay na yon. At wag mo na ring subukang magsinungaling kahit alam kong namaster mo na ang pagsisinungaling." Ngising sabi nya.
At dahil dun nasampal ko sya.
"Really huh? Dahil lang sa sinabi ng girlfriend mo ay totoo na? Alam mo? Baka nga yang girlfriend mo ang master na ang pagsisinungaling eh!" Sabi ko na kinakunot ng noo nya.
Nilabas ko ang phone ko at pinarinig sa kanya ang kasinungalingan ng girlfriend nya.
"Now tell me! Sinong sinungaling saming dalawa? And FYI lang ha! Hindi ko sinaktan yang girlfriend mo! Kung ayaw mong maniwala edi wag! Wala akong pakialam." Sabi ko at tumalikod na.
"Kelan ka nga ba nagkaroon ng pakialam sakin?" Sabi nya na kinatigil ko.
"Di mo nga ako minahal diba?" Sabi nya pa.
Humarap ako sa kanya at tumingin sa mata nya. Kitang-kita ko ang galit , lungkot , sakit at love mula sa mata nya.
At nagulat ako ng tumulo ang luha nya.
"Aliezha. Hindi mo ba talaga ako minahal?" Sabi nya habang umiiyak.
"Kevin.." Naspeechless ako. Kase akala ko hindi na nya ako mahal.
"Please Aliezha. Answer me." Nagmamakaawang sabi nya.
This is it!
"Minahal kita Kevin. Sinabi ko lang yon dahil gusto kong magpagaling ka nun sa States. I did that for you." Sabi ko.
"At hanggang ngayon ay mahal na mahal parin kita." Dugtong ko.
BINABASA MO ANG
Badgirl and Her Bodyguard [COMPLETED]
JugendliteraturSya si Aliezha Kie Mendoza. Palaban at walang inuurungan. Iniisip nyang walang nagmamahal sa kanya. She thought that her parents don't love her. Kaya nagrebelde sya. Wala syang ibang ginawa kundi ang suwayin lahat ng utos ng magulang nya. And then...