Aliezha Kie Mendoza POVI'm here at my office. Yes! My office! Ako na kase ang naghahandle ng business namin ngayon! And I'm proud to say na anggaling kong maghandle ng business! Hahaha.
"Hey Chie! May meeting ba ako ngayon?" Tanong ko sa secretary ko.
"Ahm. Ma'am may meeting po kayo with Mr. Gonzales. At 3 pm." Sabi nya.
Di ko maexplain pero bigla na lang tumibok ng malakas ang puso ko. Gonzales? Sya kaya yun?
"Ah okay. Thank you. You may go now." Sabi ko kay Chie.
Hindi tuloy ako mapakali. Sya ba yun? Actually, pwede ko namang itanong sa secretary ko kung sya nga yon. Pero ayoko. Di ko alam kung bakit.
Alam ko nagtataka kayo kung bakit di ko kilala yung mga nakakameeting ko. Kase sinabi ko sa secretary ko na basta may free time ako ay pwede syang kumuha or tumanggap ng makakameeting ko. Kaya minsan wala akong alam or hindi ko alam kung sino.
***
Sabi kanina ng secretary ko na dito daw sa office ko gustong makipag-usap ni Mr. Gonzales kaya di natuloy ang pag-alis ko papuntang restaurant sana.
3 PM.
"Ma'am. Nandito na po si Mr. Gonzales. Papasok na lang daw po sya dito. May kausap lang po sa phone nya." Dungaw sakin ni Chie galing sa pinto tapos ay sinara na ulit nya.
Nakaupo lang ako dito ng bumukas na ang pinto.
Di ako tumayo para salubungin sya bagkus ay nakatingin lang ako sa ballpen sa kamay ko habang pinaglalaruan ito. Rude mang masasabi , wala akong pake.Ganito lagi ako pag may nakakameeting ako. Siguro nabawasan lang ang pagiging badgirl ko pero nandito parin yun sa sarili ko.
"Ganyan ba dapat ang iasta ng isang CEO ng malaking kumpanyang ito?" Salita nya.
Kevin..I know it's Kevin kahit di ako nakatingin.
Napatigil ako sa ginagawa ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya.At pumatak ang mga luha ko. Gusto ko syang yakapin ng sobrang higpit ngayong oras na 'to. But then I remembered yung mga masasakit na salita na sinabi ko sa kanya years ago. Napakacold ng mga mata nya ngayon. At masasabi kong lalo syang gumwapo. Di na sya payat tulad nung nagkasakit sya. At Wala na syang pakialam. Kaya pinunasan ko na lang ang mga luha ko. Ayokong magmukhang tanga sa harapan nya.
Tumayo ako.
"Oh! Mr. Gonzales have a seat." Sabi ko at ngumiti ng matipid at itinuro ko ang upuan sa harap ng table ko.
Umupo na ulit ako.
Pinagsalikop ko ang mga kamay ko at pinatong sa table.
"So. Nasabi kanina sakin ng secretary ko na ikaw daw ang humingi ng meeting with me. Ano bang maiioffer mo sa company ko Mr. Gonzales?" Diretsong sabi ko.
Ayoko ng tumagal pa ang pag-uusap naming dalawa. Ayoko lang ding masaktan sa cold nyang mga mata.
"Pangalawa ang business namin at kayo ang una. At naisip ko na bakit hindi tayo magkaroon ng partnership? What do you think?" Seryosong sabi nya.
"Alam mong hindi yan pwede Mr. Gonzales. Dahil kelangan ng kasal para dyan." Sabi ko.
"Then marry me." Diretsong sabi nya na nakapagpatulala sakin.
"N-no." Nakita kong may gumuhit na sakit sa mata nya pero agad ding nawala.
"Why?" Tanong nya.
Pano ko sya pakakasalan? Kung di nya na ako mahal? Yun ang pinapakita nya sakin ngayon. Di kami magiging masaya kung business lang ang naging batayan sa kasal kung sakali man na magkaroon nga ng kasal.
Sasagot na sana ako ng bumukas ang pinto at pumasok ang matangkad na babae na pinaglihi yata sa boobs dahil malaki talaga. Tss. Malaki din naman yung akin pero sakto lang. Tsk.
"Ma'am Aliezha sorry po. Di po namin sya mapigilan e." Hinging pasensya ni Chie.
Tumango na lang ako sa kanya at sumenyas na lumabas na muna.
Tiningnan ko si ateng boobs. Nagulat ako ng mabilis syang lumapit kay Kevin at hinalikan ito sa labi. Pero gumati rin ng halik si Kevin. Pakiramdam ko ay nadurog na ng tuluyan ang puso ko.
"Ehem." Sabi ko para tumigil sila sa ginagawa nila. Tumingin silang dalawa sakin. Halatang nairita si ateng boobs sa paggambala ko sa halikan nila.
"Umalis kayo sa company ko. Now!" Galit na sabi ko sa kanila.
#badgirlisback!"Kung maglalandian lang din naman kayo! Wag nyo ng idamay ang company ko sa kalaswaan nyo!" Sinamaan ko sila ng tingin.
Wala namang pakialam si Kevin. Cold parin ang mata nya na tumingin sakin.
"Let's go Xiara!" Hila ni Kevin kay ateng boobs.
Inirapan pa ako ni boobs. At dahil nabuwisit ako sa irap nya ay dali dali akong nakalapit sa kanila bago pa mabuksan ni Kevin ang pinto. Hinila ko ang buhok ni boobs at hinarap sya sakin at sinampal ko sya sa dalawang pisngi.
"Aliezha!! Stop hurting my girlfriend!" Sigaw ni Kevin na nakapagpatigil sakin.
Tumalikod ako sa kanila para di makita ni Kevin ang pagpatak ng luha ko.
"Get out." Mahinang sabi ko habang nakatalikod ako.
Nung narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ay sinigurado kong lock ang pinto. At napaupo na lang ako at humagulgol ng iyak habang nakasandal dito sa may pinto.
Ansaket sobra. Yung makita mo sa mga mata nya na wala na syang pakialam.
"Ma'am okay ka lang po ba?" Tanong sakin ni Chie mula sa labas.
"I m okay." Sabi ko.
Pero ang totoo? Hindi ako okay. Nasasaktan ako!! I hate myself!
BINABASA MO ANG
Badgirl and Her Bodyguard [COMPLETED]
Teen FictionSya si Aliezha Kie Mendoza. Palaban at walang inuurungan. Iniisip nyang walang nagmamahal sa kanya. She thought that her parents don't love her. Kaya nagrebelde sya. Wala syang ibang ginawa kundi ang suwayin lahat ng utos ng magulang nya. And then...