Chapter 23

1.6K 47 0
                                    


Aliezha Kie Mendoza POV

May pasok ngayon pero hindi parin ako bumabangon dito sa kama ko. Kahit 7 AM na. Kanina ko pa tinatawagan si Kevin pero ganun parin. Out of Coverage area. Di ko na alam ang iisipin ko. Baka tulog pa sya. Kase ang aga pa eh.

Siguro nga tulog pa yun.

Di na lang ako papasok ngayon. Tinry ko rin na tawagan si Kobie pero di rin nya sinasagot. Hays.

Eh kung pumasok na lang kaya ako ngayon kahit late? Hmm. Sige na nga. Tutal wala din naman akong gagawin dito eh.

Dumiretso na ako sa banyo at naligo.

Pagkatapos kong maligo ay nagtoothbrush na ako then nagbihis.

Lumabas na ako ng unit ko. Sa school na lang ako kakain.

***

Nandito na ako sa school ng makita ko sa may bench si Tricia. Nakaupo at nakatulala.

Naalala ko tuloy yung sinabi ko kay Kobie na tutulong ako sa kanilang dalawa ni Tricia. Bakit kase angkapal lagi ng makeup ng babaeng 'to.

Nilapitan ko sya pero tulala pa rin sya.

Kaya kinulbit ko na. Nagulat sya at napatingin sakin. Sumama agad ang timpla ng mukha nya.

"What is your problem!?" Inis na tanong nya sakin.

"You." Simpleng sabi ko.

Kumunot ang noo nya.

"Why me?"

"Tsk." Sabi ko at nilapag ang bag ko sa bench at kinuha ko ang panyo at tubig ko.

Binasa ko yung panyo at piniga ko.

Tapos walang keme-kemeng pinunasan ko ang mukha nya.

Nagwala pa sya.

"Ano ba! What are you doing!?" Angil nya.

Di ako nagsalita bagkus ay tinuloy ko lang ang ginagawa ko.

Buti na lang at malakas ako kesa sa kanya kaya naalis ko lahat ng makeup nya.

After kong maalis lahat ay tinapon ko na yung panyo sa basurahan.

Tiningnan ko sya. Maganda naman pla. Simple.

"Yan ang gusto sayo ni Kobie. Walang makeup. Walang kahit anong kolorete. Yung simple. Yan ang gusto ni Kobie. Gusto na ni Kobie na bumalik ka sa dating ikaw. Yun lang ang hiling nya." Sabi ko at naglakad na palayo.

Di ko na tiningnan ang reaksyon nya.

Dumiretso ako sa canteen. At umorder ng makakain ko.

Habang kumakain ako ay naisip kong napakababaw ko pala para magalit at magrebelde sa mga magulang ko. Ngayon ko lang narealized lahat.

Simula ngayon ay magbabago na ako.
Nakakasawa rin naman na lagi na lang akong nakikipag-away. Hindi na maganda . Tsaka kelan ba naging maganda ang pakikipag-away? Ni minsan hindi yun naging maganda.

Napailing na lang ako sa mga bagay na ginawa ko. Pero syempre di ko naman maipapangako na di ako lalaban pag may kalaban. *smirk*

Pagkatapos kong kumain ay tumayo na ako at dumiretso sa klase ko.
Late na ako. So what? It's better late than never.

***

Tapos na ang klase namin at ngayon ay nandito na ako sa may parking. Papasok na sana ako sa kotse ng may tumawag sakin.

Pagtingin ko ay si Kobie.

"Kobie?" Nasabi ko na lang.

"Aliezha. He needs you." Seryosong sabi nya. Kumunot ang noo ko.

"Who?" Takang tanong ko.

"Kevin. Kevin needs you." Sabi nya.

Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba. Eto ba ang sagot kung bakit kinakabahan ako kagabi?

"Bakit? Anong nangyare kay Kevin?" Kinakabahang tanong ko.

"Pede bang ikuwento ko na lang pag nandun na tayo?" Sabi nya.

"Okay. Tara na." Nagmamadaling sabi ko.

Sasakay na sana kami sa kotse nya. Para isahan na lang. Ng biglang may magsalita. Si Tricia.

"Kobie." Tawag nya kay Kobie.

Napatingin sa kanya si Kobie at siguradong nagulat sya sa ayos ngayon ni Tricia. Dahil walang makeup.

"Tricia you look beautiful." Nasabi na lang ni Kobie.

"Thanks." Nahihiyang sabi naman ni Tricia.

At dahil nabubiwisit ako sa kanila dahil nagmamadali kase kami diba?!

"Hoy! Kayong dalawa! Sumakay na nga tayo. Nagmamadali tayo diba!? Kobie sama mo na yang si Tricia." Sabi ko at sumakay na sa backseat.

Sumakay na rin sila. Pareho silang nasa unahan.

***

Hanggang sa makarating kami sa HOSPITAL!??? Why??

Binuksan ni Kobie ang pinto sa tabi ko.

"Tara na Aliezha." Sabi nya.

"Bakit tayo nandito Kobie?" Tanong ko.

Iniwasan nya ang tingin sakin.

"Malalaman mo rin mamaya." Sabi nya.

Di na lang ako nagsalita at sumunod sa kanilang dalawa.

***

"Nandito na tayo." Sabi ni Kobie.

Pumasok na kami sa may pinto.

At nanghina ang tuhod ko sa nakita ko. Napaupo ako sa sahig.

"K-kevin?" Di makapaniwalang tanong ko.

Nakahiga si Kevin sa hospital bed. Payat at nakapikit ang mata.

Tinulungan akong tumayo ni Kobie.
At inalalayan akong makalapit sa kanya.

Umupo ako sa upuan na katabi nya.

Hinawakan ko ang kamay nya at tumulo agad ang luha ko.

"K-kevin. Anong nangyare?" Umiiyak na sabi ko.

Tulog sya pero kinakausap ko sya.

Tumingin ako kay Kobie.

"Please tell me." Sabi ko sa kanya.

"Aliezha may sakit sya. Stage 2 cancer." Malungkot na sabi nya.

"Kaibigan ko sya. Pinlano namin ang lahat para di mo malaman na maysakit sya. Kuya na ang turing ko sa kanya. Sabi nya sakin na kahit anong mangyare ay wag ko daw sasabihin sayo. Pero naaawa na ako sa kanya at sayo. Lalo lang syang manghihina kung lagi ka nyang iniisip. Kung okay ka lang ba." Sabi ni Kobie.

Tumingin ulit ako kay Kevin at umiyak.

Ansaket.

Mahal kita Kevin..

Badgirl and Her Bodyguard [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon