Aliezha Kie Mendoza POVKanina pa ako gising , pinainit ko na lang yung adobong niluto ni Kevin.
Hanggang ngayon ay tulog parin si Kevin. Siguro ay maya-maya ay magigising narin sya.Kanina ko pa tinitingnan ang mukha nya. Pag tulog mukhang mabait tapos pag gising mabait rin at gwapo pa. Almost perfect kung hindi lang sya nakakaasar.
Ng makita kong magigising na sya ay tumayo agad ako at nagkunwaring may kinakalikot sa phone ko.
Nung nakita nya ako ay napaupo sya sa kama kaya naging dahilan yun ng pagsakit ng ulo nya. Tsk. Bigla-bigla ba namang bumangon.
Ngayon tuloy hinihilot nya yung sintido nya. Kinuha ko yung ointment sa sakit ng ulo at inabot sa kanya. Wala akong reaksyon. Poker face.
Pagkatapos nyang ilagay ay tumingin aya sakin. Nakatingin lang ako sa kanya. Walang reaksyon.
"Hala. Galit ka ba Aliezha? Sorry talaga. Nakatulog ako dito sa kama mo. Sorry . hindi ko naman sinasadya. Dapat ginising mo na lang ako kagabi." Sunod-sunod na sabi nya.
"Hindi naman ako ganun kasama. Ang kapal naman ng mukha ko kung paaalisin ko yung taong naglinis at nagluto para sakin." Sagot ko naman.
At lumabas na ako ng kwarto.
Pumunta ako sa sala at nanuod ng cartoons.
Maya-maya ay nakita ko na syang bumaba ng mini hagdan ko.
Tumingin ako sa kanya. Nakatingin din pala sya. Umiwas ako.
"Kumain ka na dyan sa kusina. Pinainit ko yung adobo. Tapos nagsaing narin ako." Sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya.
"Ahm. Salamat." Awkward na sabi nya. Tss.
***
Nandito kami ngayon sa sala . Nanunuod kami ni Kevin ng action movie. Pinaalam ko rin sa kanya yung passcode ko dito sa bahay tapos binigay ko rin ang cellphone number ko.
Incase of emergency lang. And sabi ko sa kanya itext nya ako kung may sasabihin sya sakin kaya sya pupunta dito sa unit ko. Hindi naman pedeng basta-basta na lang sya papasok dito sa unit ko. Syempre kailangan ko din naman ng privacy.
Tapos ngayon , kasama ko syang manuod dito sa sala kase hiniling nya na kahit ngayon lang ay wag ko syang ipagtabuyan. Tsk.
"Ahm. Aliezha?" Tawag pansin nya sakin.
Tiningnan ko sya.
"Why?" I asked.
"Salamat ha? Kase pinagbigyan mo ako ngayon." Sabi nya ng nakangiti.
"Welcome." Simpleng sabi ko lang.
Tiningnan ko ang wall clock. 12 na pala ng tanghali. Kaya pala gutom na ako.
Tatayo na sana ako para magluto ng noodles kase ubos na yung adobo.
So , balik na ako sa noodles. Ng pigilan ako ni Kevin sa pagtayo.Kumunot ang noo ko at tiningnan sya.
"Bakit?"
"Kakainin mo na naman ay noodles?" Tanong nya.
Tumango naman ako.
"Wait. Ipagluluto kita. Kukuha lang ako ng lulutuin sa unit ko. Gusto mo bang turuan kitang magluto? Para hindi na puro noodles ang kainin mo? Kase masama rin yan sa kalusugan." Pangaral nya sakin.
"Ahm. Sige." Tanging nasagot ko lang.
Tumayo na sya at kumuha ng lulutuin sa unit nya. Bumalik din naman sya agad at hinila na ako sa kusina.
***
"Yan. Tapos ilagay mo na yung gulay." Utos sakin ni Kevin. Nilagay ko ito.
Maya-maya pa ay naluto na yung sinigang.
Nilagay namin sa lalagyan at nagsandok kami ng kanin sa plato.
"Tikman mo yung luto mo." Sabi sakin ni Kevin pagkatapos nyang tumikim rin.
Tinikman ko ang luto kong sinigang.
At napangiti ako. A real smile.Tumingin ako kay Kevin at nginitian sya.
"Thank you." Sabi ko ng nakngiti.
Umiwas sya ng tingin at hinawakan nya yung part ng puso nya.
Nawala yung ngiti ko.
Lumapit ako sa kanya."Kevin , are you okay?" Concern na sabi ko.
Tumingin sya sakin at nagsmile ng konti.
"Okay lang ako. Sige na kumain na tayo." Sabi nya.
"Are you sure?" Tanong ko.
"Ah oo. Sure." Sagot nya.
Kaya umupo na ulit ako . At nagsimula na kaming kumain.
"Punta tayo sa mall mamaya?" Sabi ko sa kanya.
"Sige."
***
Nandito na kami ni Kevin sa mall at gumala muna kami.
Nagpasya kami na maglaro sa Tom's world.
Naglaro kami nung sa basketball. At nanalo sya.
Tawa nga kami ng tawa eh.Pagkatapos ay lumabas na kami sa Tom's World. At kumain muna sa jollibee dahil yun ang gusto ko.
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso kami sa store ng mga kwintas. Balak ko sanang bumili para sa sarili ko.
Humiwalay muna sakin si Kevin dahil may bibilhin din daw syang kwintas.
Habang namimili ako ay may nakita akong kwintas na may pendant na AK. Naalala kong AK rin si Kevin. Napangiti ako at binili ko yung kwintas. 20 thousand daw kaya binayaran ko na at nilagay sa bag ko.
Tapos hinanap ko na sya.
Pero nag-init ang ulo ko ng makitang may kalandian syang babae. Tss. Akala ko ba bibili sya ng kwintas?
Lumapit ako sa kanila. Mukhang kasing edad nya lang yung girl.
"Kevin. Uwi na tayo." Cold na sabi ko at lumabas na ng store. Dumiretso agad ako sa kotse.
Pagkadating nya ay hindi ko sya iniimikan kahit tinatanong nya ako.
Hanggang pagdating sa condo. Nauna akong bumaba sa kotse at dumiretso sa elevator. Wala parin kaming imikan.
Papasok na sana ako sa unit ko ng tanungin nya ako.
"May problema ba?"
"Wala. Night." Cold parin na sabi ko at pumasok na agad ako sa unit ko sabay sara ng pinto ng malakas.
Tss. Di ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito. Nubayan!!
BINABASA MO ANG
Badgirl and Her Bodyguard [COMPLETED]
Novela JuvenilSya si Aliezha Kie Mendoza. Palaban at walang inuurungan. Iniisip nyang walang nagmamahal sa kanya. She thought that her parents don't love her. Kaya nagrebelde sya. Wala syang ibang ginawa kundi ang suwayin lahat ng utos ng magulang nya. And then...