Aliezha Kie Mendoza POVThis day is our graduation day! Ngiting-ngiti ako habang umaakyat sa stage na kasama si mommy. Andaming nagbago simula ng iwan ko si Kevin sa hospital. Walang araw na hindi ko sya inisip at iniyakan. Pero imbis na umiyak na lang ng umiyak ay pinagtuunan ko na lang ng pansin ang pag-aaral ko and now? Masasabi kong sobrang saya ko dahil magtatapos na ako sa kursong business ad. Ilang years na ang lumipas pero mahal na mahal ko parin si Kevin.
"Anak are you okay?" Tanong sakin ni mommy.
Ngumiti ako sa kanya.
"Yes mom." Sagot ko.
Naayos na rin ang gusot sa pagitan namin nina mommy at daddy. Kaya halos wala na akong mahihiling pa bukod sa isang bagay o sabihin na nating isang tao.
Nakaupo na kami ni mommy dito sa mga upuan na nakahanay para sa aming mga gagraduate.
****
Natapos ang graduation namin at ngayon ay nandito kami sa bahay para sa celebration. Nagpaalam muna ako kay mommy na magpapahinga lang ako. Kaya sya muna ang nag-asikaso ng mga bisitang pumunta.
Nandito ako sa kwarto ko at nakaupo lang sa kama.
Kamusta na kaya si Kevin? Simula ng iwan ko sya sa hospital ay gumawa ako ng paraan para mawala ang maaaring maging communication naming dalawa. Umalis na rin ako sa dati kong condo. Tapos umuwi na ako dito sa bahay namin. Dito na ulit ako nagstay. Pero pinuntahan parin nya ako kahit may sakit sya.
Naalala ko pa nung unang lipat ko agad ulit dito sa bahay ay kinagabihan ay pinuntahan ako ni Kevin. Hindi pa sila nakakaalis nun. Tumakas sya sa parents nya para lang puntahan ako.
Pumatak na naman ang luha ko ng maalala ko kung gano kasakit para sakin at para sa kanya yung mga sinabi ko that night.
*flashback*
"Aliezha!! Please talk to me! I'm begging you!" Nagmamakaawang sabi ni Kevin habang umiiyak.
Nandito lang ako sa likod ng pinto sa loob. Habang sya ay nasa labas at kinakalampag itong pinto. Wala sina mommy at mag-isa lang ako dito sa bahay. Nakaleave ang mga maids and bodyguards. Dahil nirequest ko kina mom. Hindi ko naman matawagan ang parents nya kase wala na akong numbers nila. Binura ko na. Para mawalan na ako ng communication sa kanila. Hays.
"Please Kevin. Umalis ka na. Sumama ka na sa parents mo!" Sigaw ko habang panay ang luha na umaagos mula sa mata ko.
"No! Hindi ako aalis dito hangga't di mo ako kinakausap!" Umiiyak naman na sagot nya.
Huminga ako ng malalim at pinunasan ko ang mukha ko na puno ng luha.
Binuksan ko ang pinto. At nakita ko kung gano sya nakakaawa. Nakaupo sya sa tabi nitong pinto habang umiiyak.
"Aliezha!" Sabi nya at niyakap agad ako.
"Please! Tell me! Hindi naman totoo diba?" Sabi nya.
"Ang alin?" Tanong ko.
"Sabi ni mommy na hindi mo na daw ako mahal. Tell me. It's not true. Right?" Nakayakap parin sya sakin habang sinasabi nya yan.
Huminga ako ng malalim ulit para pigilan ang mga luha kong nagbabadyang pumatak.
Inalis ko ang mga braso nyang mahigpit na nakayakap sakin at lumayo ako ng konti sa kanya. Tiningnan ko sya sa mga mata nya.
"It's true Kevin. I don't love you anymore. Ayokong mag-alaga ng tulad mong maysakit! Di mo ako yaya! Ayokong magpakahirap para lang alagaan ang isang katulad mo! Ayokong magmahal ng taong walang pakinabang! Kaya pwede ba? Tigilan mo ako! Sumama ka na lang sa parents mo! Baka sakaling mahalin kita pag magaling ka na. Atleast pag ganun! Masisiguro kong di ka na alagain. Tss." Sabi ko habang seryoso ang mukha ko.
"Pero ang alam ko pag mahal mo ang isang tao ay mamahalin at aalagaan mo sya." Sabi nya at sunod-sunod na pumatak ang luha nya.
Nalunok ko ang sarili kong laway. Gusto ko ng umiyak pero ayokong ipakita sa kanya na mahal na mahal ko sya.
"Oh? Maybe? Hindi talaga kita mahal or I mean. Hindi talaga kita minahal." Nakangising sabi ko.
Tumawa sya ng mapait.
"Kaya pala andali mo akong bitawan. Kase di mo talaga ako minahal. Ansaket. Sobra. Sige. Aalis na ako. Basta tandaan mo. Minahal kita ng totoo. Bye." Sabi nya habang umiiyak at nagsimulang maglakad palayo.Pumasok agad ako sa loob ng bahay at umiyak ng umiyak.
*end of flashback*
Yun ang nangyari ng gabing yon.
Simula nun ay wala na akong balita sa kanya.
Basta ang alam ko lang ngayon ay magaling na sya.
Salamat sa Diyos at magaling na ang taong mahal ko.
Masaket lang kase baka di na nya ako gustong makita.
BINABASA MO ANG
Badgirl and Her Bodyguard [COMPLETED]
Teen FictionSya si Aliezha Kie Mendoza. Palaban at walang inuurungan. Iniisip nyang walang nagmamahal sa kanya. She thought that her parents don't love her. Kaya nagrebelde sya. Wala syang ibang ginawa kundi ang suwayin lahat ng utos ng magulang nya. And then...