Chapter 22

1.6K 43 0
                                    


Aries Kobie Mendez POV

Nandito kami ngayon ni Aliezha sa parlor. Ewan ko ba dito at gustong magpagupit ng buhok. Konti lang naman daw ang ipapagupit nya. Para naman daw mabago. At dahil nakikitulog ako sa unit nya ay tungkulin ko daw na samahan sya dahil utang ko daw yon. Kuu! Sama talaga nento ehh!

Nakaupo lang ako dito sa may sofa dito sa parlor habang pinapanuod sya. Tinanong nya ako kanina kung magpapagupit rin daw ako. Syempre tumanggi ako kase ayokong magpagupit sa ibang pagupitan. Loyal ako sa pagupitan ko. Hahaha.

"Kobie." Tawag sakin ni Aliezha.

Lumapit naman ako sa tabi nya.

"Baket?" Tanong ko naman.

"May itatanong lang sana ako." Sabi nya pero nakatingin sya sa malaking salamin na nasa harapan nya.

"Tungkol saan?" Takang tanong ko. Tapos umupo ako sa upuan na nasa gilid nya.

"About Kevin." Sabi nya.

Bigla agad akong nakaramdam ng kaba.

"B-bakit? Anong tungkol sa kanya? Di ko naman yon kaclose." Sabi ko.

"Nagtataka lang ako kung bakit or I mean pano mo nalaman yung unit ko? Eh si Kevin lang naman ang nakakaalam nun." Curious na tanong nya.

"Ahm. Sorry Aliezha. But di ko masasabi o masasagot ang bagay na yan. May tao akong pinangakuan. At ayokong sumira sa pangakong yun. Isipin mo na ang gusto mong isipin. Di ko talaga masasabi sayo." Sabi ko at umupo ulit sa sofa na inupuan ko kanina.

Tumingin ako sa labas ng parlor at napatulala na lang ako sa pag-iisip.

Awa at lungkot ang nararamdaman ko para sa kanila.

***

Aliezha Kie Mendoza POV

Nakatingin ako kay Kobie gamit itong salaming nasa harapan ko. Nakikita ko parin sya kase nasa likuran ko lang sya.

Mukhang malalim ang iniisip nya. Di ko talaga maintindihan kung bakit ayaw na lang nyang sabihin sakin ang totoo. Sigurado namang si Kevin ang nagsabi sa kanya. Imposible namang may iba pa.
Eh si Kevin lang naman ang nakakaalam ng unit ko.

Tsaka bakit parang takot syang sabihin ang bagay na yon.

Nakakapagduda rin kasi minsan na iniisip ko kung bakit nakipagclose agad sakin si Kobie. Parang may nag-utos sa kanya. Nahihirapan ako sa ganitong sitwasyon.

"Ma'am." Nawala ang atensyon ko kay Kobie ng tapikin ako ng gumupit sa buhok ko.

"Bakit?" Sabi ko sabay tingin sa kanya.

"Tapos na po." Sabi nya.

Tumingin ako sa salamin. Mas lalo akong nagmukhang mataray sa new hair ko.

"Ok. Salamat." Sabi ko at tumayo na.

Kanina pa naman ako nagbayad kaya no worries.

Lumapit ako kay Kobie na hanggang ngaun ay nakatulala parin.

Tinapik ko sya sa balikat nya.
Medyo nagulat sya.

"Any problem?" Tanong ko.

"Ahm. Nothing." Sagot nya.

Kumunot ang noo ko pero nagkibit balikat na lang ako.

"Tara na?" Yaya ko sa kanya.

"Yeah. Sure. Let's go." Sabi nya at nauna na agad lumabas ng parlor.

Sumunod na lang ako.

***

Pagdating namin dito sa unit ko kanina ay nagmamadali agad na nagpaalam sakin si Kobie matapos nyang makipag-usap sa phone nya.

Tinanong ko sya kung anong nangyare. Pero di nya sinabi bagkus ay mabilis na syang tumakbo palabas ng unit ko.

Ano bang nangyayare? Wala akong kaide-ideya.

Ngayon ay nakaupo ako dito sa sofa ng unit ko.

Hindi ako mapalagay. Kanina ko pa iniisip si Kevin magmula ng umalis si Kobie. I don't even know why.

Napabuntong hininga ako. Anlakas ng tibok ng puso ko. Si Kevin lang naman ang iniisip ko. Kinakabahan ako sa di ko malamang dahilan.

Nubayan!

Kinuha ko ang phone ko and I try to call Kobie but he's not answering his phone. Tsk. Tatanong ko sana kung anong nangyare.

Tawagan ko kaya si Kevin? Buti na lang at binigay nya sakin yung number nya dati.

Nagtry na akong icall si Kevin pero out of coverage area. Hays. Lalo tuloy bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.

Kamusta ka na ba Kevin?

Binaba ko na lang yung cellphone ko sa glass table dito sa katabi nitong sofa.

Nanuod na lang ako ng T.V

Tiningnan ko ang wallclock. It's already 6 pm.

Bilis ng oras.

Wala namang magandang palabas. Tsk.

Pumunta na lang ako ng kusina. Buti na lang at ipinagluto ako ni Kobie kanina kaya may makakain ako.

Kinuha ko na yung plato ng biglang mabitawan ko ito.

"Ay Kevin!" Nasabi ko ng dahil sa gulat.

Napatigil ako. Lalong sumobra ang kaba ko. May masama bang nangyare kay Kevin??

Iniling ko ang ulo ko. Hindi! Walang masamang nangyare sa kanya! Erase! Erase! Umalis ka negative thoughts!

Huminga muna ako ng malalim saka ako kumuha ng walis tambo at dustpan at dinakot ko yung basag na plato sa sahig.

Pagkatapos ay kumuha ulit ako ng panibagong plato at saka ako kumuha ng makakain ko.

***

After kong kumain ay dumiretso ako dito sa kwarto ko.

Tiningnan ko yung wall clock. 8 pm na. Wala yatang balak tumulog ngayon dito si Kobie.

Humiga na ako sa kama at tumingin sa kisame.

Sana okay lang si Kevin..

At pinikit ko na ang mata ko para matulog.

Badgirl and Her Bodyguard [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon