Aliezha Kie Mendoza POVIlang araw na ang lumilipas pero nandito parin si Kevin sa Ospital. Tuwing sabado at linggo ako ang nagbabantay sa kanya. Tapos tuwing weekdays ay parents naman nya ang nagbabantay sa kanya.
Pero napapansin ko na parang walang nagbabago sa kondisyon nya. Pinipilit ko na lang na ipakita sa kanya na malakas at masaya ako kahit gustong-gusto ko na lang na umiyak sa harapan nya.
Gusto ko ng sumuko pero hangga't kaya ko pipilitin kong maging malakas para sa kanya.
Ngayon ay natutulog si Kevin habang nakatingin lang ako sa kanya. Ako ang nakatoka na magbantay sa kanya ngaun kase weekends.
Anlaki talaga ng pinayat nya. Di ako makapaniwalang magkakasakit sya ng ganito. Mas gusto ko pa yung mga times na lagi akong naaasar sa kanya.
Kase nun malakas pa sya. Ayoko ng ganito. Pero anong magagawa ko? Di ko naman kayang alisin ang sakit na meron sya.May mga bagay talaga na hindi mo inaakala na mangyayari. Mga bagay na hindi mo inaasahan.
Pero sana gumaling na sya.
"Aliezha." Napatingin ako sa tumawag sakin.
Mama ni Kevin."Tita." Tugon ko at ngumiti ng tipid.
Umupo sya sa katabi kong upuan.
Hinawakan nya ang isa kong kamay.
"Iha. Alam kong gusto mong laging nasa tabi ka ni Kevin." Simula nya.
"Pero. Kelangan namin syang dalhin sa States para dun sya gamutin. Mas hightech ang mga gamit doon. At umaasa kaming sa pamamagitan ng mga yon ay gagaling agad si Kevin." Sabi sakin ni Tita.
"P-pero pwede naman po akong sumama sa inyo dun." Sabi ko naman.
Ngumiti ng malungkot sakin si Tita.
"Iha napag-usapan na namin yan ng mommy mo. Gusto nyang tapusin mo muna ang pag-aaral mo bago mo magawa ang mga bagay na gusto mo." Explain ni tita.
"Pero tita. Si Kevin ang may sakit! Maiintindihan naman siguro yon nina mommy." Umiiyak na sabi ko.
Umiling si Tita.
"Buo na ang desisyon ng mommy mo." Sabi nya.
"Ilang taon po kayo sa States?" Umiiyak parin na tanong ko.
Pinipigilan kong mapalakas ang iyak ko dahil ayokong magising si Kevin at tanungin kung bakit ako umiiyak ngayon.
"Hindi ko alam iha. Hanggang sa tuluyan na sigurong gumaling si Kevin." Sagot ni tita.
Tinakpan ko ang bibig ko ng mahigpit dahil gusto ko ng humagulgol ng iyak.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Kevin gamit ang isa kong kamay. At nakatakip naman ang isa kong kamay sa bibig ko.
Pagkatapos ay binitawan ko ang kamay nya ng dahan-dahan. Pinunasan ko ang luha ko. Tumingin ako kay Tita at ngumiti ng tipid. Pinilit kong ngitian si Tita kahit sobrang hirap na ngumiti sa sitwasyong ganito.
"Sige po Tita. Ngayon na po ako lalayo." Sabi ko at pumatak na naman ang luha ko.
"Alam na po ba 'to ni Kevin?" Tanong ko.
"Oo Aliezha. Pero ayaw nyang pumayag. Ayaw ka nyang iwan. Dahil ayaw nya na daw na magalit ka ulit sa kanya." Sabi naman nya.
Tumingin ako kay Kevin at kay Tita.
"Tita pwede po bang humingi ng pabor?" Tanong ko.
"Sige. Ano yun?"
"Pakisabi po kay Kevin na umalis na ako at sabihin nyo po sa kanya na sumuko na ako. Napapagod na akong bantayan sya. Na hindi ko na kaya. Sabihin nyo rin po na kung gusto nyang makita ulit ako ay kelangan nya munang magpagaling. Dahil hindi ako yaya para alagaan sya. Dahil sobra na akong napapagod na alagaan sya." Sabi ko at pumatak na naman ang mga luha ko.
Kung kelangan ko syang saktan para sa ikabubuti nya. Then , gagawin ko.
"Sigurado ka na ba dyan?" Tanong sakin ni Tita.
"Opo." Sabi ko habang pinipigil ko ang mga luha ko. Tumayo na ako.
"Sige po tita. Aalis na po ako. Pakisabi po yun lahat sa kanya. Okay lang po kung madadagdagan nyo pa yon. Sabihin nyo sa kanya lahat ng salita na masasakit at sabihin nyong ako lahat ang nagsabi nun sa kanya." Sabi ko.
Tumango na lang si Tita.
Tiningnan ko sa huling pagkakataon si Kevin. At dumiretso na ako sa may pinto habang lumuluha.
Kung tayo , tayo talaga. Bye Kevin. I love you.
BINABASA MO ANG
Badgirl and Her Bodyguard [COMPLETED]
Genç KurguSya si Aliezha Kie Mendoza. Palaban at walang inuurungan. Iniisip nyang walang nagmamahal sa kanya. She thought that her parents don't love her. Kaya nagrebelde sya. Wala syang ibang ginawa kundi ang suwayin lahat ng utos ng magulang nya. And then...