Chapter 6
<Chanyeol's POV>
Lumabas kami ng bahay ni Sehun para hanapin si Baekhyun. Alam kong pinalano niya yun matapos sabihin ni Lay yung pangalan ni Astried.
Bakit, hanggang ngayon ba kasama parin siya ng EXO?
E sa pagkakaalam ko.... Inaiwan niya kame sa ere.....
Nung mga oras na nasaktan kame.... Dahil din sa kanya...
"Chanyeol Hyung, asan kaya yung kumag na si Baekhyun hyung?"
Napatingin ako kay Sehun na naglalakad sa tabi ko.
"HAHAHHAH! Ewan ko. Sino bang nakaisip na hanapin siya?"
"Aisssht! Hyung naman. Para na rin malayo tayo sa intriga."
Umupo ako sa isang pavement malapit sa labas ng village, medyo masakit na din kasi yung paa ko. Di naman ako sanay na lakarin tong village at hanapin ang Bacon na yun.
"Hanggang ngayon ba nagpapaapekto padin tayo dun?"
Umupo siya sa tabi ko, nginitian ko lang siya na parang di naapektuhan. Kung tutuusin, dun ako magaling. Ang magtago ng masamang nararamdaman.
"Hayyyy! Chanyeol hyung, bakit kahit lahat kame apektado nakakangiti ka padin?"
"Kasi libre lang maging masaya kaya bat ko sasayangin. Kungbaga grab the oppurtunity. Masayang maging masaya ^___^"
Tumawa siya na kinaluwag ng damdamin ko, aba di ako sanay na malungkot ang maknae namin.
"Kahit na may problema? dapat maging masaya?"
"Hindi problema si Astrid, Sehun naging mabuting kaibigan natin si Astrid"
"Na naging sanhi ng malaking away niyo ni Kai"
Tumingala ako para tignan yung langit at para iwasan narin ang sinabi ni Sehun.
Malaki talaga yung iniwang sugat samin ni Astrid, lalo na kay Kai. Mahal na mahal ni Kai si Astrid pero, niloko niya lang ito.
"Sa tingin mo magiging Astrid din kaya si Gueshee?"
Pati ako nagulat sa nasabi ko, di ko inaasahan na masasabi ko yun. Tumingin saakin si Sehun na gulat na gulat.
"Joke lang yun Maknae"
"Tsss. Hmmm! Masamang joke yun Chanyeol hyung. Pero..... hindi naman siguro kasi iba si Gueshee"
Ayoko ng ganitong atmosphere lalo na pag kasama ko si Sehun. MAsaya kasi kami pag magkasama tapos dahil sa issue ng babae magiging malungkot! No way.
Tumayo ako at pinagpagan yung pwet ko tapos tapos hineld ko yung kamay ko para itayo rin si Sehun.
"Tara Sehun, Kain nalang tayo ^^ Pakiramdam ko di naman natin makikita si Baekhyun hyung"
"Sige tara. Basta libre mo a"
Tumango lang ako at pumunta kame sa isang fast food resto. PAGKAIN *O*
<Gueshee's POV>
"Guesheeeee~ Yuhuuuuuu~ Bruhaaaa~"
Minulat ko na yung mata ko at bumangon na sa kama ko. Biglang pumasok si Cloud, katulad ng inaasahan ko umupo siya sa kama ko habang siniswing yung paa niya.
"Okey na yang paa mo?"
Tumango ako na halatang inaatok pa.
"Bat ang aga mo ata pumunta dito?"
"Aba! E nabalitaan ko kay Tita na naaksidente ka daw... Sinong litsing taong sumagasa sayo?" Humarap siya saakin at hinawakan yung magkabilang balikat ko.
Nanlaki bigla yung mata ko at pinalo siya sa ulo niya kaya agad niyang tinanggal yung kamay niya sa balikat ko at hinimas ang ulo niya.
"Kailan pa nanagyari na pagnaaksidente, may sumagasa agad? AKSIDENTE nga diba?" Sarcastic na sabi ko kaya napayuko siya.
Tumayo na ako, medyo paika ika pa ako maglakad pero ayos na ko. Di ko naman to ikamamatay ey pag nilakad ko to *U* Pumasok na ko sa Cr at iniwan ko si Cloud na nangangalikot ng gamit ko. HMP >___< Pakilamera talaga yun.
Lumabas ako ng cr na nakabihis na kaya inalalayan ako ni Cloud na bumaba sa hagdan. Aba =____= Naiirita na ko sa babaeng to a, bat ang bait niya saakin paglabas na paglabas ko ng cr? Ano bang nangyari?
"Kumain ka na daw sabi ni Tita^______^"
Natatakot na talaga ako sa babaeng to, para siyang sinasapian.
"Okey ka lang?" Tanong ko sakanya habang umuupo sa upuan sa dinning room.
"Oo naman *Smile w/ shinning glittering eyes*"
Umupo siya sa harapan ko at sinabayan ako sa pagkain. HAHAHHA ^^ Buti naman X____X Matino pa siya, akala ko nababaliw na naman siya ey.
<Cloud's POV>
Anneonghaseyo ^O^ Readers pa-POV ako a *U* Alam ko namang kilala niyo na ako ^^ E ang EXO kilala niyo na? Si Gueshee lang ata di nakakakilala dun.
Pumasok na si Gueshee sa cr kaya hinanap ko na sa kama niya yung phone niya, sayang wifi dito sa bahay nila. MakikiFB muna ko, di ko kasi alam yung password ng Laptop niya kaya di ko din magagamit.
Asan kaya yung bag nun? Tssk! Eto na nga muna paglalaruan ko.
Humiga ako sa Kama niya at sinimulan nang kalikutin yung phone niya.
Message - Empty
Walang laman >___< Amboring talaga ng taong to.
Music - *Puro Kpop*
Yung totoo Gueshee? Koreana ka din ba? Bat anghilig mo sa Kpop? Hahahah kaya kame nagkakasundo ey.
Photos - (O______O) (/_______\) (o_______O\)
Bat andaming selca dito ng EXO? Akala ko ba di niya yun kilala? Sus malihim talaga yung babaeng yun ^____^ Pero okey na din. Bakit walang selca ni Sehun, Baekhyun at ng Chanyeol Mylabs ko? Di niya ba yun bias? Siguro ang bias niya ay si Luhan ^^ Andami kasing picture dito *O*
Kinuha ko yung cellphone ko at inopen yung bluetooth, mga bagong picture ata to! Wala pa sa google, tumblr at Istagram eyy. Pasa muna ko bago siya lumabas.
Patapos na ako ng lumabas si Gueshee sa cr, kinuha niya yung bag niya sa ilalim ng study table niya at lumabas ng pinto kaya inalalayan ko na siya, aba parang pilay maglakad ey. Hanggang sa dinning room ko siya inalalayan.
"Kumain kana daw sabi ni Tita^____^"
Tumingin siya saakin na parang hindi gusto yung ginagawa ko. May mali ba?
"Okey ka lang?" Tanong niya habang paupo sa upuan.
"Oo naman" Sabi ko at umupo sa upuan sa harapan niya at ngumiti ng super duper ^_____^
Umalis na kame agad ng matapos siyang kumain at ako din *U* Aba ang manhid ng babaeng to! Di manlang napansin na nasaakin yung cellphone niya XD
Umupo na kami agad sa upuan namin, o sabihin na natin ako lang kasi tinawag na naman siya ni Sehun. Dahil di ako chismosa, hindi talaga. ^____^/ Promise swear kaya tumayo ako at nilapitan sila.
Ano kayang pinaguusapan nitong dalawa?
<Gueshee's POV>
"Sige pagiisipan ko!"
NApansin kong papalapit si Cloud saamin kaya nag paalam na ako at umupo sa tabi ni Cloud
"Gueshee Ano yun?"
Nginitian ko lang siya, Aba saksakan talaga siya ng chismosa. #____# Akala niya ba di ko alam na nasakanya yung phone ko. Baliw talaga yung babaeng yun.
Hanggang sa makauwi kame pinagiisipan ko padin yung sinabi saakin ni Sehun. Tatanggapin ko ba o hindi?