Chapter 9
<Luhan's POV>
Handa na ang lahat, papunta na kame sa venue sakanya ng kanya kanya naming sasakyan.
Aaminin ko, kinakabahan ako kung anong mangyayari mamaya. Sinabi lang saamin ni Gueshee na magpakanatural at ipakita sakanila na hindi na kame naapektuhan.
Nagpahuli si Kai at si Gueshee dahil may gagawin pa daw sila.
"Hyung, tara na." Binaba ko ang salamin ng kotse ko para makita ko si Sehun kasama si Suho na kumatok sa bintana ko.
"Osige"
Kita sa mga mukha nila na pinipilit nilang ngumiti, bumaba ako sa kotse ko para hintayin pa ang iba.
"Si Lay nalang ba?" Tanong ko sa kanila
Tumango lang si Baozi habang hawak yung necktie niya.
"Sabi nga pala ni Kai, mauna na daw tayo sa loob" Sabi ni Lay pagkadating na pag kadating niya.
Tumango lang kame at nagsimula ng maglakad.
Eto na yung hinihintay naming oras, dapat kaming maging masaya.
<Suho's POV>
Pagkapasok namin, lahat ng tao ay nagsitinginan agad sa malaking pinto. Sanay na kame sa ganitong pangyayari kaya nagsingitian na lang kame.
Naalis na rin yung kaba ng may kanya kanya kameng makausap galing sa mayayamang pamilya na halos kasing edad lang namin.
"Antagal naman nila" Lumapit saakin si Baekhyun na may hawak na juice.
"Hindi ko alam--- tatawagan ko nalang"
Kinuha ko yung cellphone mo at dinaial yung number ni Kai, ng dumating si----
<Gueshee'POV>
Tapos na rin sa napakahirap na pinag-gagawa saakin ng Kai na to.
Pinaayusan niya lang naman ako na halos mabura na ang tunay kong mukha at makabo na ako sa dami ng hair spray.
Binilhan ng damin na halos nagtago na ang kaluluwa ko sa sobrang mahal pati na sapatos na nahiya ang daliri ko.
"Kai---" Napatigil ako dahil nakita kong umaapoy sa galit si Kai habang may kinakasap siya sa cellphone niya.
Nakakatakot siya, hindi siya nagsasalita. Anong gagawin ko? Lumapit ako sakanya at niyakap siya mula sa likuran niya.
"Kai bakit?" Napansin kong huminahon siya ng maramdaman niya ang pagkakayakap ko sakanya.
Ganto kasi ang madalas kong ginagawa kay Daddy pag stress siya sa work o galit. Eto din ang huli kong paglalambing sakanya.
Tinaggal ko yung pagkakayakap ko ng tumingin saakin si Kai.
"Sorry! Madalas ko kas----" Hinawakan niya yung mga labi ko gamit ang isa niyang daliri.
"Shhhhh. Salamat! Tara na princess?"
Hindi ko alam kung mamumula ako o ewan, Princess?
Inilahad saakin ni Kai yung isa niyang kamay na agad ko namang kinuha. Namumula na ba ako?
"Napaka ganda ng princessa ko"
Sabi niya at naglakad kame papuntang parking lot para kunin ang kotse niya.
<Suho's POV>
Kinuha ko yung cellphone mo at dinaial yung number ni Kai, ng dumating si Astrid na halos labas na ang kaluluwa sa suot niyang dress.