Chapter 8
"SFA ka ng EXO?"
Napatalon sa gulat si Cloud ng marinig niya yung binulong ko. Tumango lang ako para sumang ayon sa sinabi niya.
"Ano yung SFA?"
"Tsss"
Akala ko pa naman alam niya >____<
"Pauso yun ni Sehun, yung SPECIAL FRIEND ASSISTANT daw"
Sarcastic na sabi ko. Nasabi ko na pala sa Exo na pumapayag na ko, at dahil dun ngayong Sembreak dun ako titira sa malaking bahay. Ayoko mang mahiwalay kay mama di pede, babalik daw kasi dito yung magkapatid na si Astrid. At gusto nila na ipakita kay Astrid na buo sila at masya.
"Ano namang gagawin mo dun? Pede ako din? Janitress okey lang T^T"
"Madami na silang maid ey ^____^ HAHAHAHAH. Pero, ako daw yung magtuturo sa kanila ng mga bagay na dapat at di dapat nilang gawin para maging successful sila. Mga ganun"
Pumalakpak naman saakin sai Cloud sabay irap ng mga mata niya.
"So ganyanan tayo, free ang service ko di katulad mo. ALAM KO MAHAL SWELDO MO!"
Sabi niya at tumayo sa kama niya at nagtatalon na parang batang di nabili yung gusto.
"Kailangan mo ng papel diba? Magtatransform nalang ako na papel malapitan ko lang sila T^T"
Napakamot ako ng ulo kasi isa sa mga kondisyon ng EXO ay ang huwag ipagsabi ang usapan namin, pero dahil kaibigan ko si Cloud kaya sakanya ko lang sinabi. At para nadin mamatay siya sa inggit *O*
"Kung pede lang san *pout* kaso bawal. Hayaan mo sabihin ko magselca sila ng magselca sa phone ko---"
"Papasahan mo ko?" Excited na tanong niya, ni hindi niya nga ko pinatapos sa pagsasalita.
"HINDI! Sa panahon ngayon walang ng libre no. Free taste lang #_____#"
Tumalon siya uli padapa sa kama niya at kinagat ang unan niya. Sorry bruha, bawal talaga!
"Syemprejoke lang yun. Chichismisan na lang kita tungkol sa mga crush mo."
Tumingin siya saakin with her full energy at niyakap ako mula sa likod.
"Basta yung latest. i know how to keep secret." Sabi niya at hinila ako pahiga sa kama niya.
Kaya siya ang bestfriend ko ey ^*^
XOXO
"Sige anak! Siguraduhin mong kakain ka ng mabuti kila Cloud a. Sigurado kabang di mo na kailangang bisitahin?"
Tumango ako kay mama at sumakay sa Kotse ni Kai, aba syempre iba ang alam ni Mama na gagawin ko. Baka kasi payagan niya ako sa kalandeang pinasok ko.
"Mama, preso ang ang binibisita" Sabi ko at kumaway na ko dahil unti unti ng umaandar yung Kotse.
"HA-HA-HA-HA-HA! Andami kong tawa mga lima"
Tinignan ko ng masama si Baekhyun kasi nagbibilang siya ng fake laughs niya sa daliri niya
"O yan Bente na! Choosy ka pa. Tinatawanan ka na nga"
"WOW! Thank you a. Naaappreciate din pala ng isang tulad mo ang mga joke ko."
Asar na sabi ko sa kanya, Fishtea katabi ko pa siya dito sa back seat.
"Sa joke mo lang naman yan ganyan ey! Kahit nga ang pinaka corning joke ko humahalakhak yan"
Sabi ni Jongdae na nagdadrive ng kotse. Ngumiti lang naman si Kyungsoo na kita sa salamin.
Bakit ba ganto nalang kasama ang ugali saakin ng Baekhyun na yan? Arrrrgggghhh >___< Pasalamat siya :<
Pagkadating namin sa bahay nila ay agd akong hinatid ni Suho sa isang malaking kwarto, andun na yung iba kaya medyo nagulat ako ng pumasok ako dun.
"Buti naman dumating ka na"-Kris
"So eto yung magiging kwarto mo"-Lay
"Andito kame, incase na may problema dito"-Tao
Tumango tango lang ako at nilapag yung dala kong bag na maliit, nakay Suho.
"Dadating na bukas sila Astrid at ang kapatid niya, madaliang paghahanda ang dapat nating gawin" Napalingon ako kay Kai, natatakot na naman ako sa aura niya, parang gustong gusto niyang maghigante.
Ano ba ang dapat kong gawin? Kahit umoo ako sa kanila di ko padin talaga alam yung dapat kong gawin.
"Mabuti pa, iwan na muna natin si Gueshee. Para makapag-isip na din siya ng plano" Narinig kong sabi ni Luhan habang binubuksan niya yung pinto.
"May tiwala kame na magiging maganda ang plano mo" dugtong niya bago lumabas ng pinto.
Sumunod na rin yung iba at naiwan lang ako magisa na nagiisip kung ano ba talagang maitutulong ko sa kanila.
Bakit ba ako pa? Sa dami ng mga babae dyan na pwede nilang pag hingian ng tulong, bat ako pa?