Shit! Gwapo! omg! Nakatingin siya sakin! Shit! Iwas! Iwas! San? San ako dapat lumingon? I can't find my friends. Wedding,, wedding,, ano bang tinitignan pag wedding,, bride?! Shit Ayiee asan ka ba ?!?! grrr Cake?!! Cake!! Tama!! Ayun!! Ayun yung cake!! Biglang lingon tuloy ako sa cake.. Buti na lang malaki yung cake!! Salamat sa cake! Hoo!! Ang bilis ng utak ko! Mga 2 seconds ata lahat naganap yun.. haha Buti na lang 2 seconds lang kasi may nabasa ako na kapag umabot daw ng 5-7 seconds nagkatitigan ang dalawang tao sa unang pagkakataon, pwede daw magkaron ng love at first sight.. wow ha! Bilis ng utak!! nakarating agad sa love at first sight.. eh jusko po! 2 seconds nga lang na titig.. at dun sa 2 seconds na yun akala ko nga mamamatay na ko..pano pa kaya yung 5-7 seconds? Naabo na siguro ko nun.. ang gwapo naman kasi nitong lalaking toh.. nakakalasing.. joke lang.. factor na rin yung kagwapuhan niya..pero ang totoo kasi talaga, I am an awkward person, socially awkward to be exact.. pero pag may alak, mejo nagiging taklesa tulad nung sa rehearsal wedding speech ko? tanda niyo pa ba? haha.. when sober, I don't like meeting new people. I don't like mingling during parties kahit na alam kong dapat, to have connections for future jobs and business plans.. ang hirap kasi talaga maging FC (feeling close, sorry naman may bago na bang term? haha). Im only comfortable being jolly or loud when im with my friends.. Katulad na lang ng nangyayari ngayon.. mingling? Agad agad? Natitigan lang ng 2 seconds mingling agad? OA lang? hush hush brain.. eto na nga kumakalma na.
Nakatingin pa rin ako sa cake.. and I have a feeling that he's still looking at me.. he must be thinking that I'm some creepy stalker.. ano ba yan.. ayoko ng tinititigan ako.. grrrr please, look at someone, something else.. please please... omg! Omg!! He'll talk to me!! Ayan na! ayan na bumubuka na yung lips niya, este bibig pala.. ayan na.. wah!!! No don't!!!
"Uhmm.. ha--"
"Nicholas Mickel Santiago!! Buti umabot ka pa!" Sigaw ni Kent kasama ang barkada papalapit samin, then pulling the guy into a hug..
So Nicholas pala ang pangalan niya.. ano ba naming pangalan yun? Bagong bago ah.. sabagay si Ado nga Conrado eh.. hindi bagay sa mukha niya yung Nicholas, mas bagay yung Angelo, Paulo, o kaya Michael.. baliw! Tama bang i-base sa mukha ang pangalan..
"Syempre naman Kit. (nickname ni Kent used by his family, so isa siyang family friend??) I wouldn't miss this for the world. Kilala mo naman ako, better late than never. Haha eto na ba si Aileen?"asked Nicholas.
"Hi. :) yup.. last time I remember that's still my first name? hehe welcome to our wedding reception? or after party na ata.." answered Ayiee.. yung matatanda kasi nagsibalik na sa rooms nilamejo late na rin kasi.. yung mga pinsan na lang ni Ayiee at Kent na teens to early thirties ang nagpaparty.
"Congratulations! Mr. and Mrs. Salvador! Cheers!" bati ni Nicholas..patting Kent on the back and giving Ayiee a peck on her cheek,,
"Thank you.." sabay na sagot ni Kent at Ayiee. Saka ko lang napansin na lahat pala ay may kanya kanya ng drinks..
"Teka, you should meet the gang first.. guys, this is Nicholas, Niko for short, my best bud since highschool. This is Ado, Tupe, Si Marie, Kat, Erika, and the one sitting is Sophie." Pakilala ni Kent habang tinuturo kami isa-isa.
Hi!
Hello!
Hi!
Hello!
At ako isang awkward :) lang..
"Hi everyone. finally we meet.. ive heard so much about you.. You can call me Niko,, nakaka-manong yung NIcholas eh :).." sagot naman ni Nicholas. No. Nicholas pa rin kasi hindi naman kami close..
"Sorry guys ngayon ko lang siya napakilala.. Kasi tong lalaking ito 3 taon na sa states at wala talagang kabalak-balak bumalik ng pinas.. kung hindi pa ko nagpakasal hindi ko toh mapapauwi.. " sabi ni Kent while giving Nicholas a punch on the arm..
We went back na to our table.. kasama si Nicholas.
"Where exactly in the US were you staying?" Asked Erika
"I have a place in New York." Sagot naman ni Nicholas..waahh! New York... fashion capital ng US.. makakapunta rin ako dun someday.. ^^,
"New York? Diba dun mo gusto pumunta Sophie?" sabi ni Kat.. narinig ata yung utak ko..
"hmm?? :)" another awkward smile.. sip na lang ako ng martini.. sip sip sip.. -__-
"What were you doing there for the past 3 years?" si Ado naman ang nagtanong..
"Uhmm.. ano ba.." sabi ni Nicholas.. not really sure how to answer..
"Sino pinagtataguan mo?" banat naman ni Kat.. ito talagang si Kat may sapi.. pinagtataguan? Ano bang tingin niya kay Nicholas? Murderer? Adik.. I chuckled at the thought.. and apparently everybody heard me, and was looking at me..
"Hehe wala.. go on.. :)" sabi ko.. sip sip sip lang ako ng martini...
"Little miss Investigator, aren't you? hehe" sabi ni Nicholas, he just chuckeled not really answering Kat's question.. Ano ba kasing ginawa mo dun for 3 years? Di kaya murderer ka talaga at nagtago ka?
"Sino kamo ang pinagtataguan? Magulang! Haha ito kasing mokong na toh, ayaw ng responsibility, all he wants to do is party! Pinapasalo sa kanya ni Tito yung banking company nila eh ayaw tanggapin.. ayun lumipad papuntang America.. at nagtago.." sabi ni Kent while shaking Nicholas' shoulders.
"I just haven't found my passion yet.. what I want to do. Running the bank behind a desk sitting all day inside a box is not my only choice.. I don't want it to be the only choice.. Im not like you Kit.. Your a lucky man. You knew what you wanted and you've already found it. At ayan na siya.. Sayong sayo na.. congrats again! cheers!" sabi ni Nicholas pertaining to Ayiee.
"Syempre noh.. baka mauntog pa toh ipagpalit pa ko sa kung sinong panget.." sabay akbay at kiss sa ulo ni Ayiee.. kilig much lang silang lahat.. nakitawa na lang din ako.. this is their night.. i dont want this to be about me.. kaya dapat happy lahat.. pero honestly, hindi ko maramdaman..
Tuloy lang ang usapan. Tanong lang sila ng tanong kay Nicholas.. sagot naman ng sagot si Nicholas, habang si Kent naman lakas makagatong.. nakikinig at nakikitawa rin naman ako.. minsan minsan nagkakatinginan kami ni Nicholas pero iwas lang ako agad. Titingin kay Ayiee, kay Kat at sa cake.. sip sip sip lang ng martini.. pangalawa ko na toh medyo mataas naman ang tolerance ko sa alak at mukhang konti lang naman alcohol content ng martini nila dahil wala naman akong masyadong malasahan.. isa pa wala naman talaga akong sasabihin.. I don't like talking to strangers. And for me Nicholas is a stranger. I don't like that some guy who just came from nowhere, kahit gano pa siya kagwapo, suddenly joining our table, our group, talking to MY friends. Aside from being socially awkward, i also tend to be territorial/protective.. possessive.. fine.. possessive when it comes to friends.. konti lang ang kaibigan ko pero i know lahat sila totoo.. and i wont allow ayone to take advantage of their goodness.. buti na nga lang at barkada kami nina Kent at Ayiee kaya walang complications nung naging sila..
Isa pa, I don't get this guy at all. How can he be so at ease facing a barrage of questions, some may even be considered inappropriate for a first meeting, from my chismosa friends.. eh hindi naman sila close diba.. kakameet nga lang kanina eh.. mga 1 hour ago.. if I were him I would have long excused myself from this table.. don't get me wrong, I love my friends and I could answer most of the questions they would have asked me kasi friends nga kami.. at kung kami kami lang.. but he's practically a stranger to us, the lone olive in a glass of martini... woosh naisingit pa ang matagal na pinagisipang metaphor haha... well Kent and maybe Ayiee aside..
how can we be friends if he's like that.. how can i be friends with someone na pumapapel sa amin ng mga kaibigan ko? he's too.. I don't know.. he's just too much?.. siya yung tipo ng tao na pwedeng pwede mong itapon sa kung saang lupalop at makakahanap pa rin siya ng kung sino o kahit anong hayop na kakaibiganin... these are the kinds of problems that only a socially awkward person like me can understand..
Why is he like that? Why can't I be like that? :(
YOU ARE READING
He's Just A One Night Stand And Then Some More
Romantizmit was just a one night stand.. or so i thought..