Draft #7

23 1 0
                                    



Lance,


How could you do that? How could you make me feel like shit? I hate you! 


Alam mo ba sobrang sakit? Nung nalaman kong option mo lang ako. Sa tuwing nag-aaway kayo, o nagbe-break kayo, tsaka mo lang ako maaalala. I should've known.


Pero gago, kahit naman wala akong feelings sayo magkaibigan parin naman tayo e. How could you do this to me?


Ngayon, hindi ka nagpaparamdam kasi okay kayo diba? Tapos ano? Pag wala na ulit kayo, tatakbo ka na naman sakin? Pero fuck, nandyan naman ako lagi sayo ah? Lagi parin naman kitang tinatanggap kahit na alam ko ng silungan mo lang ako e! Nandito parin naman ako sayong gago ka.

Ano bang kulang ko? Bakit ba hindi mo ako makita? Lagi ka nalang nyang sinasaktan!


Ako, hindi kita sasaktan. Hinding-hindi ko gagawin yung ginagawa nya sayo... you deserved so much better than this. And I know I deserved better than this too. Hindi ko dapat hinahayaang gawin mo akong unan, hindi ko dapat hinahayaang gawin mo lang akong silong mo kada wala ka ng choice. Kada wala ka ng mapuntahan. 

Pero paulit-ulit parin kitang tinatanggap, kasi alam ko ang halaga mo. Kelan mo ba mari-realize na ako yung nandito palagi sayo? Na wala naman sya ginawa kundi saktan at itulak ka lang naman palayo?


Sino ba yung palaging nagpapahid ng luha mo? Sino ba yung paulit-ulit ka paring tinatanggap kahit sobrang fucked up mo over someone who can't even see your worth? Sino ba yung palagi kang dinadamayan? Hindi naman sya diba? Ako yun, Lance.


Kaya hindi ko maintindihan kung bakit paulit-ulit ka paring nabalik sa kanya. At kung bakit paulit-ulit parin kitang tinatanggap. 


Kung bakit mahal parin kitang gago ka.


Pero ayoko na. Please, wag ka na bumalik. Gusto ko ng matapos sayo.


Pero hindi ko alam kung paano.


Claudette 

LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon