Chapter 19

7K 366 12
                                    

Provider




Gaya ng napag-kasunduan namin ni Anseld,bumalik ako sa trabaho.Marami ang nagtatanong tungkol sa nangyari sa basement at tikom ang bibig ko.Ayoko na munang pag-usapan yun.Nakakaramdam ako ng panginginig at takot sa posibilidad na may tao na kaya nilang ipahamak ang iba dahil sa sarili nilang interes.




"Anong nangyari? Okay ka lang?"
Trina.Hindi ko alam kung totoong concern sya o pakitang tao lang.If someone ruined your trust,mahirap minsan tukuyin kung alin ang totoo,at kung totoo man - mahirap paniwalaan.


"I'm still alive,so okay lang ako."
Kagat ang labi nito at umiwas ng tingin.Ilang sandali ko itong pinagmasdan at saka huminga ng malalim.Hinarap ko ang mesa ko na tambak ang trabaho.I can't stay late,so walang overtime.Isa yun sa bilin ni Anseld.Siguro ay dadalhin ko nalang sa bahay ni Anseld ang iba nito para mabawasan kahit papano.


Araw araw ay ganun ang routine ko...bahay,trabaho at kakain ng lunch minsan kasama si Anseld at ang kapatid nito.I heard that his brother's wife is pregnant and he is excited about it.He even asked me kung anong gagawin nya sa mga pinaglilihian ng asawa nya o ano ba ang madalas na pinaglilihian ng babaeng buntis.


Maang ko naman na tiningnan ang dalawa.
"Hindi pa naman ako nabuntis kaya...hindi ako sigurado? Nagpatingin na kayo sa OB? I'm sure my suggestion ang doktor? Tungkol sa mga pagkain o bagay na pinaglilihian,i heard na madalas it's something weird? Yung hindi daw nila usually kinakain but they are craving when they're pregnant."


"Something weird? Mukhang mahirap yan..."
Bigla itong napaisip.


Tinaasan ko ng kilay ang boyfriend ko na nakaangat ang gilid ng labi nito na para bang pinipigilan ang pag ngiti nito.He give that intense kind look again na para bang may ginawa akong milagro.


Ngumisi ako sa kanilang dalawa."Magdasal ka nalang na hindi ka nya kukulitin ng madaling araw dahil sigurado na walang mall na bukas sa mga ganung oras para maghanap ng gusto nya."

"Then...we're doomed if that happen babe."
Anseld grinned.


"At kapag hindi ko naibigay?"
Naningkit ang mga mata nito na naghihintay ng sagot ko.


"Well...either she will hate you or she will kick you out of your room?"

Humagalpak ng tawa si Anseld samantalang seryoso pa rin ang kapatid nito.

"Okay...laugh while you can now asshole.If you get your girl pregnant mangangapa ka rin."
Banta nito.

Inilagay ni Anseld ang braso nito sa likuran ng upuan ko at mas lalong lumapit sa akin."Well...magre-research na ako simula ngayon..."


What? Anong ibig sabihin nun?


Nabaling ang pinag usapan nila tungkol sa negosyo kaya tahimik kong inubos ang pagkain sa plato ko.Seeing them talking like this and serious,i know that they are both passionate to the things they choose to do.


His brother is the president of the company,while Anseld don't like to be seated in a four corner room and dealing with different people is not his kind of thing.Pero wala itong choice kundi ang pamahalaan ang kompanya nung kinailangan ng kapatid nito na hanapin ang asawa nito.



Inubos ko ang lime juice sa baso ko at tiningnan ang boyfriend ko.
"By the way...ngayon ko lang naalala na itanong to...did you receive the clothes i give back?"


Nagsalubong ang kilay nito."Clothes?"

Tumango ako.Lumunok ako ako seryoso itong tiningnan para pagtakpan ang kahihiyan na nararamdaman ko.Bakit ko pa kasi tinanong.

"The one i used when...i sleep at your bar's room?"


"Ahh...that.Yes.Inabot sa akin ng gwardiya.Bakit mo binalik?"

"Dahil hindi naman akin yun? Hiniram ko lang?"

"It's okay if you will not return my clothes."


Inirapan ko sya."Sinasabi mo yan sa mga babaeng naikama mo na? You told them not to return your clothes? That it's okay? Wait,ilang babae ang dinala mo sa taas ng bar na yun?"


Humalakhak ito sa sunod sunod na tanong ko.Like it's very entertaining for him.
"Nasabi ko na,wala pa ako dinalang babae dun.And why are we talking about my fling from the past? At hindi sila natutulog sa bahay ko kaya hindi nagkaroon ng pagkakataon na gamitin ang gamit ko.Since it was you that night,kaya nasabi ko na okay lang na wag mong ibalik.Dahil hahanapin din naman kita,so that i have an excuse to see you again.Pero dahil binalik mo,i asked someone to look for you."


Nagulat ako roon."Pinahanap mo ako? Hindi mo naman alam ang pangalan ko nung gabing yun?"


Ngumisi ito."Babe,that place has cctv...maliban sa kwarto ko.Then i found out that you work here...in my brother's company kaya pumayag na rin ako na mamahala habang wala sya.


"And you pretend that you don't know me."

"Hindi ko alam paano ka e-approach since we started that way...that's why."


Matalim ang mga mata ko na nakatingin diro ng maalala ang last minute tungkol sa report."I so hate you that day..."


"Well...i got you now.I'm not sorry about that."
Whatever.

Dinadaan nya lahat sa pabilisan eh.

"Maaga ka ba uuwi mamaya? I'll go shopping with Ruiz.He just came back from his trip abroad."
Our kitchen is almost empty kaya pupunta akong supermarket kasama si Ruiz then we'll have dinner at his place at magkwentuhan.Matagal na rin na di kami nakapag usap nun at baka nagtatampo na.



"Not sure kung maaga ako mamaya.Take your bodyguards with you."
Binuksan nito ang wallet at inabot sa akin ang kanyang credit card.


Agad akong umiling.I have my money and i will use that.

"I don't want that.At wag mo akong pilitin dahil mag aaway lang tayo."


"But you're going to buy for the our house and i am the provider between us."


"Walang batas kung sino dapat ang provider.Kung ako ang mamimili ako ang bahala dun.I know that you are a good provider...between in me..."
Pabulong kong sinabi ang huling salita.I am seducing my boyfriend in a mid day.


Kinagat nito ang kanyang pang ibabang labi saka dinilaan.Gusto ko syang batukan sa inis.Ang galing nya rin mang akit.Dinadaan nya ako sa ganyan.


Napabuga ito ng hangin at inilibot ang kanyang tingin sa loob ng restaurant.
"I change my mind.I will come home early tonight."


Ako naman ang napahalakhak sa kanyang sinabi.Ang bilis talaga magbago ang isip nya pagdating sa ganito.

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon