Realize
Kanina pa umiikot ang mata ko pataas at kanina ko pa rin iniirapan si Ruiz.Wala itong ibang bukambinig kundi yung mga matchong mga lalaki na nakilala nito sa bansang pinuntahan nito.
"Tapos...mas okay talaga kapag mga ganung lahi...kasi lahat malaki ang nasa kanila."
Pabulong na sabi nito sa akin.Hindi ko mapigilan ang hindi ito hampasin.Naku tong baklang to in love na naman!Humagalpak ito ng tawa sa reaksyon ko.
"Kung maka react to parang ilang buwan ng di nadiligan..."Umiiling ako sa kanyang mga sinasabi.Pinagtitingin na kami ng ibang tao dito sa supermarket sa malanding paraan ng pagtawa ng kaibigan ko.Halos nangalahati na ang shopping cart at marami pang kulang para sa lulutuin ko.Lulubusin ko na ang pamimili ngayon dahil may katuwang ako sa pagbitbit ng mga to.
My bodyguards are still with me.Napapalingon ang mga taong namimili din sa dalawang lalaki na kasama namin.They don't usually talk kahit na may mga babae na bumabati sa kanila,at suplado ang kanilang mga hitsura kaya siguro agaw pansin sila.
Inirapan ni Ruiz ang mga babaeng nagpa-cute sa dalawang kasama namin.
"Hindi ba talaga sila nagsasalita?"Nagkibit balikat ako."Nagsasalita siguro pero it will be about work."
"Ang gwapo nila.Saan yan nahanap ni Anseld? Buti di sya nagseselos sa mga yan?"
Natawa ako.
"Walang rason para magselos sya."
Tapos na kaming kumain at umiinom ng red wine ng dumating si Anseld.Tanging tango ang ginawa nito kay Ruiz bilang pagbati.Lumapit ito sa akin at binigyan ang labi ko ng magaan na halik.Pumunta ito sa sink at naghugas ng kamay saka bumalik at umupo sa tabi ko.Ruiz roll his eyes at the sight of him put his arm on my waist.Ipinatong nito ang kanyang baba sa aking balikat at huma-halik doon ng paunti-unti.Hindi hadlang sa kanya na may ibang tao kaming kasama.Damn him!
Nilagok ng kaibigan ko ang pulang alak na nasa kopita nito.
"Nagpapa-inggit? Pina-paalala talaga na wala akong love life."Ngumisi ako sa kanya saka binalingan ng tingin ang katabi ko.
"Kumain ka na?"Umiling ito.Hindi naman pala pero hindi pagkain ang unang inatupag. Tumayo ako at kumuha ng plato para sa kanya.Nilagyan ko na rin ng pagkain dahil mukhang wala naman itong balak kumuha.Baka hindi naman talaga gutom?
Tumikhim si Ruiz.
"May balita na tungkol sa nangyari sa kay Klaudia?"
Tumingin sa akin si Anseld saka dinampot ang kubyertos at nag umpisa ng kumain.
"Naaresto na yung taong bumangga sa kotse ni Klaudia sa Batangas kagabi.And...he said na napag utusan lang."Naalarma ako sa aking narinig.Hindi ko alam kung mapapanatag na ba ako o ano.
"Napag utusan? He must be in need of money para pumayag.Sino ang nag utos?"
Tanong ni Ruiz.Nanuyo ang lalamunan ko at maging ang labi ko sa paghintay ng sagot ni Anseld.My mind and my heart say the same name but i don't want to believe it.Mas gusto ko pa rin na e-deny yun.
"Bianca...and Bianca denied the accusation.Dahil wala namang ebidensya na si Bianca ang nag-utos,hanggang pagdududa at akusasyon lang tayo.Her mother filed a case against him too kaya mas mabigat ang kaso ang nakasampa sa lalaking yun."
"Her mother hated me more."
Sabi ko.Kahit hindi ako ang gumawa ng kasalanan,ako pa rin ang may kasalanan.Kahit ako ang biktima,sa huli ay ako pa rin ang masama.