Uncertain
What we talk about that night keeps bothering me.Iniisip ko kung anong gagawin ko pagkatapos ng lahat ng to,kung babalik ba sa dati ang lahat,kung makakamit ko ba yung katahimikan na gusto ko gaya noon and if so,will it makes me happy and contented? Will i get back the life that i always wanted in the first place without a change of heart? May ganun,change of heart talaga?
Hindi ko maalala na nag-i-love-you kami sa isa't isa.Feeling ko kasi hindi naman kailangan yun.How will i know if i really love him? Maybe it's just an admiration? I mean,sinong babaeng hindi magkakagusto sa kanya? He's one of those kpop idol i always admire and crazy about...when it comes to his physical appearance,perfect sya nun.Sa ibang factor,perfect din.Sa bed factor mas lalong perfect sya.Kumbaga perfect yung packaging ng regalo at perfect din yung sa loob mismo.Yung ganun.But the problem is,yung feeling.I can't figure it out if we're really into each other that deeply.I don't know either if we're both ready in a long term relationship or if he's ready in a commitment with me.It sounds confusing but it's real.O baka ako lang yung nako-confuse.Yung parang math lang,simple yung problema,mahabang solusyon tapos sa huli negative one yung sagot? As in isang digit ng numero lang yung sagot na makakapagmura ka kasi bakit ganun? Like what i've said before,love is like a math problem - it looks so easy but its hard,it looks so simple but its not - and mostly,it will make you stupid and confuse in the end.
"Ang lalim ng mga buntong-hininga mo.Anong meron? Hindi nakadilihensya?"
Kumunot ang noo ko sa kaibigan ko.Hindi ko alam ang pinagsasabi ni Ruiz.What's nakadelihensya? Hindi yata ako na inform sa mga bagong words sa diksyonaryo.
"Nakadelihensya?"
I called him yesterday to talk about my confuse feelings and all pero puro kalokohan ang alam ng kaibigan ko.
Umismid ito at maarteng hinawakan ang kulay puti na tasa sa harapan namin.He like tea while i like coffee cause it makes me sane and awake.Sana ganun ang feelings ko gaya ng feelings ko sa kape.
"In short...di nadiligan?"
Umirap ako ng makuha ang ibig nitong sabihin.Puro agiw na ang nasa utak nito.
"Whatever...lagi kang wala.Sino na naman ang boylet mo?"
"Yung chef ng resto na kinainan natin last time...okay sya..."
Ngumisi ito.Umirap ako sa kawalan.Lalaki na naman.Bago na naman? Kahit na ganito ang kaibigan ko,hinihiling ko pa rin na sana makahanap sya ng totoong magmahal sa kanya,yung walang ibang instensyon."Whatever..."
Sabi ko."Bakit nakasimangot ka? Nag away kayo ni loverboy?"
"Hindi no...But,we talked about something.And it makes me crazy and confuse."
Nakataas ang isang daliri nito kasabay ng pagtaas ng isang kilay nito sa sinabi ko.Huminga ito ng malalim at kalmadong ibinaba ang tasa.
"Spill it out.Wag mo rin akong lituhin."
Kinuwento ko sa kanya ang pinag usapan namin,i also told him about my feelings,my worries,and my stupid maybe opinion in this kind of relationship.
Tumango ng ilang beses si Ruiz na para bang naintindihan nito ang pinagsasabi ko.Well,i really hope so.Sya lang naman ang kaibigan ko na nasasabihan ko sa lahat ng ka-dramahan ko sa buhay.
"Ang kulang sa inyo...komunikasyon.I mean,you two talked other things except your feelings.Bakit di nyo pag usapan kung ano ba talaga ang feelings nyo isa't isa.Hindi yung pareho kayong naghuhulaan.Hirap mangapa bes.Hirap din mag assume dahil sa huli,masasaktan ka pa rin dahil aminin mo man o hindi,umasa ka na.Gusto mo lang ng kompirmasyon.Settle it as early as you can para kung ano man yung desisyon ng isa sa inyo,kung yung isa sa inyo ay salungat sa desisyon ng isa...well,its time to pack your things and move on.Bakit pinapatagal pa? Ikaw,ano ba talaga ang gusto mo sa relasyon na to? Klaruhin mo rin yang isip mo.Ay naku Klaudia...wag puro pag ungol ang atupagin mo,kalampagin mo yang puso mo kung ano ba talaga.Kung ano ba talaga ang gusto mo."