Dara's POV
Umagang umaga ang ingay ng isang to.. tsk. Kaya ayoko sa lugar na to eh.
Isang linggo na ko dito at andami nilang ka ekekan sa buhay.
Ganto pala ang buhay ng mga orphan na to. Tss walang pinagkaiba sa normal na bata.
Peru sobrang iba sa buhay ko. Sila kase laging may inaabangan na bukas na ikasasaya nila. Eh ako walang masaya sa bawat pag gising ko sa umaga.
Buti nalang talaga at Maganda ako.
Bwahaha.
Tuwing may mga activities kuno sila eh tumatakas ako..
ewww. that's so baduyy...
Lahat naman sila eh maganda ang turing sakin ..takot lang nilang masaksak.. ahaha
*Flashback*
"Hala napano yang mukha mo--"
Pag gising ko yan agad ang bungad sakin .. kaya bago pa nya matuloy ang sinasabi nya eh hinila ko na ang buhok nya at dinaganan sya..
Sasampalin ko na sana ng biglang humarang yung Elijah. Tinulak ko nga. Eh hindi nga nagreact sa tulak ko eh.
Hindi ko na natuloy yung sampal. Panu umiyak na agad to.
"Anong sabi mo huh ??"
Hinigpitan ko na lng ang hawak ko sa buhok nya..
"Sa-sabi ko.. hik.hik. ano a-anong--"
"Aahhhhh"
Bwiset ang ingay talaga neto khit kelan. Dumating lang naman yung Cherry na yun na sumisigaw.
"Gandara anung ginagawa mu kay Mira ??"
Nanginginig pa sya. Nabitawan nya rin yung dala nya.. nakita ko yung tinidor dun kaya kinuha ko agad.. at tinutok sa mirang yon..
"Ano sigee mag ingay pa kayoo.. itutuloy ko to "
"W-wag gandara plss.. ibaba mu yan masama yan.."
Umiiyak na sila parehas nung Elijahng yun.. bigla naman akong nakaisip ng isang magandang show.
Inilabas ko si Mira habang nakatutok yung tinidor sa kanya . Sabay naman ang tinginan ng ibang mga patapong bata.
Mukang nagulat sila sa dala ko. Ahaha. Pumatong pa ko sa lamesa dala si Mirang kawawa ahaha..
"Ano nagulat ba kayo ?? Mga patapong bata .. bwahaha.. kung ayaw nyong magaya sa batang to.. sagutin nyo ang tanong ko.."
Lahat sila napatahimik at halatang takot na takot wahaha..
"Maganda ba ako ?" Sabay ngisi ko.
"Sagoot.."
Sigaw ko at bigla silang nagtinginan at sabay sabay sumagot..
"Oo naman maganda ka"
Halos mangiyak ngiyak sa takot na sagot nila.
Sabay tawa ko ng malakas at tulak sa Mirang yon pababa ng lamesa.. buti nga nasalo sya nung maingay na cherry kundi na ngudngod na yun..
"Bwahahaha.. ngayon .. alam nyo na ang dapat na sinasabi nyo sa harap ni GanDARA.. ang pinaka magandand babae sa balat ng lupa.. bwahahaha..subukan nyo lang magsumbong at nang magaya kayo sa Mirang yan. Bwahahaha"
*End of Flashback*
Bwahaha.. natatawa pa rin ako pag naaalala ko yung araw na yon. Akalain nyo yun.
Sa isang araw nagawa ko silang pasunudin. Hahaha.
"Nakita nyo ba yung bagong dating .. ang ganda nya noh , kaso di nagsasalita.."
May narinig akong 'maganda' sa ibaba ng puno na pinagtataguan ko.
May naguusap na dalawang bata dun.
"Hoy.. sinong maganda ??"
Mukang nagulat sila sa pag sulpot ko.
"Ahh ano kase GanDara.. may bagong dating.. di ko alam yung pangalan peru maganda kse sya--"
"Aaaaahhhh"
Hahaha. Takbo sige takbo..
Wala ng dapat na makakapantay sa kagandahan ko.. ahaha.
Bigla ko lang namang inilabas yung kutsilyo ko sa bulsa ko. Ahaha yun tumakbo.. wahaha..
Peru totoo kaya yun.. kung totoo. Kelangan ko syang makita. Nang magtuos sila ng kutsilyo ko.
Bwahahaha ~
(Note: Yung pinaguusapan nilang 'maganda' sya po yung bida sa 'Time Check' na kasabay nangyayari ng storyang 'to.makikilala nyo rin sya.. Mag cocross na yung landas nila...sooner or later..basahin nyo rin po yung 'Time Check' para masaya. )
*********************
Matagal ko ding pinaghahanap yung babaeng yun. Pero wala di ko talaga mahanap.
"Hoy Elijah kilala mu ba yung bagong dating nasan sya ?"
Teka.. bat nag sisign language to.. ahaha.. ahh. Kaya pala wla syang react nung tinulak ko sya kasi pipi sya.. ahaha
"Osge. Dyan ka na. Hindi naman kita maiintindihan. Ahahaha yang manika mo nalng yung kausapin mu.. pipi haha.. "
Umalis na ko at nag lakad lakad.
Bigla naman akong hinila ni mother..
Hindi iba si mother. Kahit ang WIERD nya at laging aligaga, Lola na ang turing ko sakanya. Kase parang lola ko sya. Na kahit anung gawin kong masama mabait pa rin sya sakin. Ewan ko na lang kung iwan din nya ko tulad ni lola. =_=
"May maganda tayong balita DARA"
Sabi ni mother.Sabay yakap nya sakin. Eh hindi ko naman sya maintindihan.
-End of Chapter 3-
BINABASA MO ANG
Ang Kwento ni Maganda [Completed]
Mystery / ThrillerHindi lahat ng maganda ay maganda. Alamin ang tinatagong lihim sa tinuturing nyang 'kagandahan'