Chapter 7: DARA is missing !!

904 18 0
                                    

Third Person's POV

Alalang alala si Mother Therize sa pwedeng gawin ni Dara ,ngayong gising na ito at wala pa ito sa kwarto nya.

Gulat na gulat sya noon ng madatnan si Mira at Cherry sa kalunos lunos na kalagayan.

Bago pa man makaalis si Detective Shin at Elijah kasama si Yna ay

Umiiyak nyang tinawagan si Detective Shin noon, para nga ipasabay si Elijah pauwi, dahil sa palagay nya ay hindi na safe sa hospital lalo na't dalawang anghel ang nagkalat sa paligid.

Ang di nya alam ay nasa pahamak pa rin si Elijah, dahil hawak na nga ni Yna si Detective Shin bago pa ito tumawag.

Walang kaalam alam si Mother Therize sa nangyayari ngayon sa ampunan.

Ang tanging iniisip nya ngayon ay kung nasaan naroroon si Dara.

Kailangan nyang ilayo sa tao ang bata dahil baka makasakit na naman ito.

'Kailangan ko na syang ipahanap' bulong ni Mother Therize sa sarili.

Nasa iisang kwarto sa hospital naka confine si Mira at Cherry dahil nga sa mga tinamo nitong galos mula kay Dara.

Nagpasya na si Mother Therize na ipa announce sa buong hospital ang nawawalang si Dara..

Sinabi nya noon na maaaring may benda pa ito sa mukha gawa ng operasyon, at 10 yrs old na batang babae na magtatanong kung Maganda ba sya .

Sinabi rin nya doon ,kahi mahirap eh maaaring makasakit ito kung di mo sabihing maganda sya.

Nagdulot ng kakaunting takot ang anunsyong ito ng madre..

Subalit hindi naman sya hinadlangan ng mga staff ng naturang hospital, dahil nga naniniwala silang ,maski bata ay kaya ng pumatay.

Di lingid sa McDolley Hospital ang na kinonfine na batang si Yna dito na makailang beses ng nakapatay ng doctor at nurse.

'Nawawala rin pala ngayon si Yna, nakapatay ngayon ng isang doctor'

Bulong nya sa sarili, sabay hilamos ng kamay sa mukha. Gusto nya sanang iaanounce din yun, kaso natatakot sya na baka dumagdag ang tensyon sa hospital..

Wala ng magawa si Mother Therize dahil hirap na rin sya at pagod na. Nag aantay na lang sya na may makakita kay Dara

Bumalik si Mother Therize sa kwarto nila Cherry at Mira, mahimbing pa rin ang tulog ng mga ito. Naaawa sya dahil may nanakit sa mga anghel nya, at ang malala ay isa rin itong anghel.

Naalala nya ang lola nito, kaya agad syang tumawag para sabihin ang pagkawala ni Dara ngunit....

The number that you have dialled is now unattended or out of coverage area .Pls leave a message after the beep. *toot*

Nagiwan na lamang sya ng mensahe na makipagkita sakanya sa cafeteria ng Hospital mamaya.

Inayos na lamang nya ang kama nila Cherry ng biglang may tumawag..

Nawala sa ulirat ang madre, matapos nyang makausap ang tao sa kabilang linya na isa pa lang pulis.

Sinabi lang naman ng pulis ang nangyari sa Orphanage, at walang naabutang buhay lahat ay nasunog ng buhay.

Nabanggit din nito ang nakitang lalaki na nasunog habang nakatali sa upuan.

Kaya malamang daw ay may tao sa likod ng sunog na ito, namataan din na gas ang ginamit sa pagsunog.

Andaming katanungan ang gumugulo ngayon sa isip ni Mother, kaya nagpasya syang pumunta sa Orphanage kahit na pinapapunta sya ng pulis sa Police Station.

-End of Chapter 7-

Ang Kwento ni Maganda [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon