Chapter 4: The Good News

1.1K 22 0
                                    

******************

"Ready ka na ba ??"

"Hindi yan masakit. Parang kagat lang ng langgam yan"

"Goodluck Gandara masaya kami para sayo.."

"Nandito na tayo.. ihanda mu na yung sarili mo.."

"Okay ka na ba ??"

"Masakit pa rin ba ??"

"Oh ready ka na bang makita ang BAGONG DARA ?"

**********************

Ang bilis ng pangyayari. Nagising na lang ako sa ingay ng mga to sa gilid ko.

Peru teka... anu nga bang nangyari.. ??

*Flashback*

"Motheer... teka lang.... ambilis nyo naman.... tumakbo..."

Hingal na hingal na ko dito. Panu kase to, may GOOD NEWS daw.

Kelan pa naging good news ang pagtakbo ?? psh. -_-

"Nandito na tayo Dara !"

Sabi ni Mother na kala mu di tumakbo.

Eh ako nga halos di na makapagsalita sa hingal.

Nilibot ko na lang yung mata ko.

Anong meron ?? sino tong mga to ??

Mukhang napansin ni Mother yung pag kunot ng noo ko, kaya ngumiti sya...

"Dara ,mga kaibigan mo sila.. kung sinasabi mong Maganda ka ehh, mas mapapaganda ka pa nila..." Sabi nya ng nakangiti.

Teka.. anung ibig nyang sabihin.

HINDI PA BA SAPAT ANG GANDA KO PARA PAGANDAHIN PA NILA !

"Anong ibig nyong sabihin Mother, di ko na sila kailangan.. maganda na nga ko diba... at ayoko sa kanila..."

"Tekaa Dara--"

Palabas na ko ng pinto nang makasalubong ko si Lola.

Oh anong ginagawa nya dito. Tinaboy na nya ko diba. tsss

"Dara apoo... na miss kita..."

Sabay yakap nya sakin. bwiset sya.

Hindi ako nagreresponse nung una, peru antagal eh.. kaya nung tipong tutulak ko na sya, sya naman yung bumitaw.

"Anong ginagawa nyo dito ? Pinaubaya nyo na ko sakanila---"

Pinutol nya ko sa pag sasalita.

"Dara magandang balita to. Nandito na pala sila.. tara na!"

Sabi nya na parang di man lang narinig yung sinabi ko.

Teka anu bang nangyayari sa kanila, good news ?? bwiseet.

"Ano ba ?? pati ba naman ikaw lola.. maganda na ko kaya di nyo---"

Nakita ko silang nagtinginan, sabay nun yung pakiramdam ko na parang ang sarap matulog

*blag*

Zzzzzzzz......

*End of Flashback*

(Note: Pag nakakaramdam sya na masarap matulog in-injectionan sya ng pampatulog.)

Arrrggghhhh.... anong ginawa nila sa Maganda kong mukha. Ito ba ang good news sa kanila.. tssss...

Mukhang nagulat yung mga taong nasa paligid ko nang marahas kong damputin yung stainless na plato, dahilan ng pagtapon ng pagkain dun.

Wala na kong paki basta ang mukha ko ang usapan...

"Dara..."

Narinig kong bulong ni Mother sa gilid.

Tumingin ako sa repleksyon ko na nanggagaling sa plato.

...........

Huwaaaaatttt!!! Ano tong bagay na to ???

Makakasira to ng mukha ko....

"Ahhhhhh!! alisin nyo to ....yung mukha ko..."

Tipong aalisin ko na sya ng biglang may pumasok na mga doktor at nurse.

Muli nakaramdam na naman ako ng sobrang antok..

Peru ngayon alam ko na kung panu nila ginagawa yun. At dahil yun sa tinuturok nilang maliit at matulis na bagay...

*blag*

Zzzzzzz....

****************

Slyller's Note:

Yung first part po , hindi matandaan ni Dara yun kase nakahiga na sya nun sa hospital bed at wala pa ring malay. Para bang kinakausap lang nila si Dara kahit di naman to gising.

Mas mahirap kasing kausapin kung gising sya, yun yung palagay nila..

Bwahaha.

Yung mga tao sa paligid ni Dara na tinutukoy nya ay yung tatlong 'kapatid' nya sa orphanage, si Mother ,Lola nya at isang pulis.

Malalaman nyo kung ano talaga yung mga nangyayari ,sa mga susunod na chap. Sorry kung medyo magulo XD..

Bwahaha.

Enjoy Reading.

-The Slyller

Ang Kwento ni Maganda [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon