*Angel's Orphanage*
Nanlumo sya sa nasaksihan pag dating sa ampunan.
Kasalukuyang inilalabas ang mga sunog na bangkay ng mga anghel na kinupkop nya at inalagaan.
'Sana binalikan ko nalang sila,sana hindi mangyayari to' bulong nya sa sarili.
Umiiyak sya habang pinagmamasdan ang mga bangkay na nilalabas mula sa nasunog na ampunan.
Napahinto naman sya ng idaan sa harap nya ang sunog na bangkay na nakatali pa sa upuan.
"Dyos ko... !! huhuhu... anong nangyayari ?? D-Detective Shin ??" pagkakilala sa bangkay ay napaluhod na lang ang madre habang humahagulgol.
Naisip nya si Elijah, kung nasan ito subalit sa sobrang kalunos lunos na kalagayan ng mga nasunog na bangkay ay di na nya nakilala ang bangkay ni Elijah.
Sobrang nag sisisi sya na pinabalik pa nya si Elijah... akala nya magiging ligtas si Elijah kung pauwiin nya ito sa ampunan, ngunit nagkamali sya...
Bigla namang pumasok sa isip nya ang lahat ng nangyari... parang nag flashback ang lahat....
Iisa lang ngayon ang naiisip nyang gumawa nito....
Walang ano ano'y bigla na lang nagwala ang naturang madre, ikinagulat ito ng mga taong nasa paligid nya..
Madami itong sinasabi habang umiiyak...
"Ang mga anghel ko... huhuhu... lumayo kayo sa mga demonyong nagpapanggap na anghel... huhuhu... waaaahh" sigaw ito ng sigaw ,kaya naman dinampot agad sya ng mga paramedics na nasa lugar...
Tuluyan na ngang tinakasan ng ulirat ang naturang madre pagkaraan ng insidente...
Maraming naiwang tanong sa naganap na sunog, ngunit kahit isa sa mga tanong na ito ay walang sinuman ang may alam ng kasagutan.
Maski ang madre na syang nag iisang maaaring panggalingan ng sagot ay di na makasagot ng maayos dahil sa wala na nga ito sa kanyang katinuan.
Nagpasya ang mga humawak ng kasong itong ipanatiling unclosed, dahil wala pang lead kung sino ang dapat nilang sisihin sa pagkasunog ng Angel's Orphanage...
Hanggang ngayon palaisipan pa rin kung sino ang gumawa nito...
-End of Chapter 8-
BINABASA MO ANG
Ang Kwento ni Maganda [Completed]
Mystery / ThrillerHindi lahat ng maganda ay maganda. Alamin ang tinatagong lihim sa tinuturing nyang 'kagandahan'