Chapter 10: GanDARA is back ??

786 18 0
                                    

Cherry's POV

Haisst.. nagising na rin sa wakas si Mira.. na miss ko talaga yung lokang yun..

Alam kong mahilig syang matulog ,pero matulog ba naman ng tatlong taon.. haisst iba na yan..

Alam kong mali na nilihim namin nila mommy gee yung totoong nangyari kay Mira. Pero sinabi kasi ni mommy na mas mabuti kung di muna nya malaman ang nangyari, baka daw kasi matakot sya.

Di pa rin kasi nahahanap hanggang ngayon si Dara, na syang tunay na dahilan kung ba't na comatose si Mira.

Remember nabato sya sa ulo ni Dara ng baso at nabagok sya pagkawala ng malay ,kaya ayun nagka impact yun sa ulo nya kaya medyo may ibang di rin sya maalala.

Haisstt. papunta nga pala kami ngayon kay Mother Therize.. sa loob ng tatlong taon lagi ko syang binibisita.

Wala ng pamilya si Mother , kaya kami na lang ang umaalalay sa kanya kasi kahit papaano kinupkop nya kami at tinuring na totoong anak.

"Cherry, excited na kong makita ulit si Mother.. haisst sana di na lang sya nabaliw.." nakayukong sabi ni Mira.Buti na lang bumalik na agad ang sigla ni Mira matapos ang lahat.

"Ahaha.. ano ka ba naman. Buti nga kasama pa rin natin si Mother ehh.. alam mo ba kilala pa rin nya tayo.. binabanggit nya yung pangalan natin kasama si Elijah.." naalala ko na naman si Elijah, namimiss ko na sya..

"Haisstt.. tara na nga !! ayoko ng malungkot.. lagot tayo kay Elijah nyan ehh.." sabay hatak ni Mira sakin papasok ng mental.

Kung naaalala lang ni Mira na si Elijah ang humanap kay Mother nun para humingi ng tulong..Ni hindi pa nga ko nakakapagpasalamat ng personal eh, nangiwan na agad sya.. haisst.

"Mother..... " sigaw namin ni Mira paglabas ng mga nurse na dala si Mother..

"Yung mga anghel ko mababait yun... pero may mga demonyong nagpapanggap na anghel..." sabi ni Mother habang nakatingin sa kawalan..

Nagkatinginan na lang kami ni Mira at napayuko..

Pinakain namin si Mother at mukhang mas makakausap namin sya ng maayos kesa kanina.

"Mother... kamusta ka na ?? diba sabi ko sayo dadalhin ko si Mira dito . ayan na sya ohh" sabi ko sabay turo kay Mira.

Nakangiti namang hinarap ni Mother si Mira..

"Miraaaaa.... huhuhu mga anghel ko. Nasaan si Elijah ?? mag iingat kayo maraming demonyo ang nagpapanggap na anghel... "sabi ni mother habang nakayakap kay Mira, nakita kong nagpunas ng luha si Mira

Naalala nya siguro si Elijah ... dahil sa sinabi ni mother.

"Mother Therize ,kasama na po ni Elijah ang ibang anghel.. wag po kayong mag aalala. masaya na po sila" umiiyak na sabi ni Mira.

Sana nga masaya na sila.. kahit na hanggang ngayon eh hindi pa rin natutukoy ang salarin na nagsunog ng ampunan ..

"D-demonyoo... waaahhh.. huhuhu.. ma may demonyong anghel... magtago kayoo huhu.. sasaktan nya kayo... huhu " nagulat kami ng biglang nagwala si Mother,pinakalma naman agad sya ng mga nurse.

May tinuturo sya sa bintana...

Napalingon naman ako dun...

Wait....

Loading ....

"Dara ??" bulong ko, habang tinitignan mula sa bintana ang isang babae na papalayo..

Di ko man sya nakita ng nakaharap, pero may kutob akong si Dara talaga yun.

Bigla akong kinabahan, di na kami ligtas nito. Aaminin kong simula ng nangyari mas hinigpitan na nila daddy oh ang pagbabantay sakin.

Dahil nga di pa nahahanap si Dara kaya baka nasa paligid lang sya.. pero malas lang dahil day off ngayon ng bantay.. tsaka gusto kasi ni Mira na gumala kaming dalawa lang.

Haisst panu ba to.. lagot ako kay mommy gee.. Tinignan ko si Mira na nakaalalay na kay Mother dahil tinurukan na ito ng pampakalma.

"Mira.. u-uwi na daw tayo sabi ni mommy gee, may surprise daw sya.." pagsisinungaling ko..wala na kong maisip na iba eh.. mas safe kami kung nasa bahay lang kami.

"Huh ?? wait lang. sige" yess kumagat sya.

Sumilip ako ulit sa bintana pero wala na dun yung babae.

"Mira.. labas ka na lang ahh. may titingnan lang ako.."

Sabi ko at madali na kong lumabas papuntang garden ng Mental parama sure ko kung sya ba talaga yun o namamalikmata lang ako.

Lakad lang ako papunta sa bench malapit. Wala akong makitang ibang tao dito eh.

Umupo ako sa tabi nung nagbabasang babae sa bench.

"Haisst.. wala naman sya dito eh.. guni guni ko lang ata." bulong ko sa sarili ko.

Nagulat ako ng biglang may nagsalita ng isang napakapamilyar na boses.

"Maganda ba ako ?"

Napalingon ako sa katabi kong babae... Paksh*t...

Binaba nya yung binabasa nya na nakatakip sa mukha nya..

Wala ng mapaglagyan ang kaba sa dibdib ko. No.... mommy gee help !!

Unti unti na nya itong binababa hanggang sa sinigaw na nya ang tanong nya..

"ANG SABI KO, MAGANDA BA AKO ???" sigaw nya at saktong pagbaba ng binabasa nya sa mukha nya ay nakita ko ang isang karit na pang hardin.

Walang awa nyang ipinukpok sakin yun.. ang shakitt... yung ulo ko ang inuna nyang pukpukin.

Dugo.... naiiyak na ko... puro dugo ang nakikita ko... di ko maaninag ang mukha nya dahil sa dugo...

Tanging isang necklace na heart shape ang malinaw kong nakikita..

Plsss... sana po di mapahamak si Mira...

Bigla syang tumigil sa paghampas sakin..

Wala na kong nararamdaman kundi sakit..

"Ako ang hinahanap mo diba ?? well GanDARA is back....."

-End of Chapter 10-

Ang Kwento ni Maganda [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon