Chapter 2: Welcome to Angels Orphanage

1.6K 27 0
                                    

Dara's POV

Kaasar.. Nagising ako nasa police car na naman ako.Wala na akong nagawa kundi ang sumama nalang sa kanila eh nakaposas ako eh..

Pati si Lola.. wala.. hinayaan nya lang ang mga taong to na kunin ako sa kanya hindi nya man lang sila pinigilan ?? tss walang kwenta..

Akala ko ba ayaw nyang malayo ako sa kanya... tapos ano.. psh.. mag isa na naman ako..

Nakababa na kami at nasa harapan ko ang isang malaking karatulang may nakasulat na...

"Welcome to Angels Orphanage"

Huwaaattt ?? Bat ditooo ?? hindi naman ako orphan ahh..

"Hija.. tara na"

May biglang kumalabit sakin. Madre ata to.. nakakita na ko ng ganto sa t.v eh..

Tignan ko lang sya.. sabay tanung..

"Maganda ba ko ?"

Nagulat ata sya peru ngumiti din sya agad at hinimas ang buhok ko..

"Oo naman. Lahat ng mga bata dito ay mala anghel ang ganda.. "

Psh.. okay na sana may anghel pang kasama.. tsk. Demonyo ako hindi anghel.. kaya ayoko sa Angels orphanage na to.

Inirapan ko lang sya at tumayo.

Wala na kong nagawa. Gabi na at gusto ko ng magpahinga wala na din yung mga pulis na makukulit,kaya naglakad na lang ako papasok.

Naramdaman ko namang sumusunod sya kaya pinauna ko na sya,malamang di ko naman alam to ehh...

Huminto sya sa isang kwarto at pumasok dun

"Motheeeerrr... sya na ba yung bago naming kapatid ??"

Ngiting ngiting bungad samin ng batang to na sa tingin ko eh maingay.

"Oo sya yun.. maging mabait kayo sa kanya ahh. Mahalin nyo din sya tulad ng iba.. sige na maiwan ko na kayoo.. "

"Opo mother" sabay alis ng madre.

Weirdo. Dapat sya ang mag introduce sakin kung anong ginagawa ko dito. Tsk. bwiseet..

Nilibot ko na lang yung paningin ko sa kwarto. May apat na kama dito, sa isa ay may tulog na. Yung isa naman eh may batang nagsusuklay ng manika.

"Huyy.. hihihi.. anong pangalan mo ??"

Tinaasan ko lang sya ng kilay..

Sabay tanong..

"Maganda ba ko ?"

Nakita ko syang nagkamot at ngumiti ulet. Tsk. Pinaglihi ata to sa ngiti eh.

"Uhmm.. syempre naman kse kapatid ka na namin."

"Okay. Your safe"

Bulong ko. Binabase ko ang tiwala ko sa isang tao. Kapag nasagot na nila ang tanong ko.

"Ay hehe. Sige na pakilala ka na.. ako muna ahh.. Cherry nga pala.. sya naman si Elijah tas yung tulog na yun ay si Mira.. ikaw ??"

Tiningnan ko lang yung mga pinagtututuro nya.. nakaramdam naman yung Elijah at ngumiti. Yung isa tulog talaga.

"GanDARA nalang..sige matutulog na ko. Dito ako diba ?"

Sabay salampak ko sa kama at talukbong.. naririnig ko pa rin syang nagsasalita peru di ko na pinansin. Masyado akong napagod sa pagbibigay ng leksyon sa mga pangit na yon.

******************

Cherry's POV

"Huy.. teka wag ka munang matulog.. magkwento ka muna ng tungkol sayo .. wuyy.. anu ba yan "

Napakamot na lang ako.. ito kase ehh ang sungit..

Hmmp. Kala ko naman sya na ang pinakamatino kong kapatid. Panu si Mira laging tulog si Elijah naman manika nya ang laging kasama.

Tsaka di sya nakakapag salita kaya minsan di kami magkaintindihan..

Haysstt. Nu ba yan.. matutulog na nga rin ako..

-End of Chapter 2-

Ang Kwento ni Maganda [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon