Chapter 12: Creepy Rumor !

815 15 0
                                    

Cherry's POV

Makalipas ang ilang araw, balik normal na ang lahat. Isinantabi na naming lahat ang tungkol kay Dara.

Pero mukhang sya na mismo ang ayaw lumayo samin.

Nandito kami sa isang Mall sa McDolley Village. May ime meet daw kasi sila mommy gee ,sinama nalang nila kami para magbonding daw.

Kaya ito kami kumakain sa McDo. Hindi McDolley ahh.. This time McDonalds naman..

So ayun nga, mukhang sya ang ayaw lumayo samin.

"Talaga ! totoo yun ?? grabee katakot naman..."

Rinig naming usapan nung mga babae na mukhang kaedad lang namin.

Hayst.. sa lakas ba namang magusap ng dalawa, kahit ayaw mong marinig eh maririnig mo talaga ang usapan nila =_=

"Hihihi. Cherry mukha silang ewan noh !! with matching gestures pa mag kwento.. haha" bulong sakin ni Mira.

"Ahaha. onga eh .. mukhang naka microphone mag usap .bwahaha" tugon ko sakanya.

Para kaming shonga , hagikhikan kami ng hagikhikan.

"Tapos pag tinanong ka daw nya kung 'Maganda ba ako ??' dapat daw sabihin mo oo, kasi kung hindi... naku papatayin ka daw nya ng karumaldumal.." sabi nung girl.

Napahinto ako pagtawa ng marinig yon...

"Cherry.. haha.. uyy bakit bigla kang sumeryoso ?? haha.." tawa pa rin ng tawa si Mira.

"Wait lang Mira..." tumayo ako at pumunta dun sa mga nag uusap.

Mukhang nagulat sya sa pagtayo ko.

"Uhmm. excuse me miss ano kasi.. narinig namin yung pinaguusapan nyo.. pwede bang malaman kung sino yung tinutukoy nyo ??" sabi ko sa dalawang babae.

Mukhang nagulat sila sa pagsulpot ko. pero gusto ko talaga malaman kung bakit alam nila yun. Iisang tao lang ang alam kong pwedeng gumawa non.

"Hayy nako.. dear !! tara dito join ka sa chikabels namin.. hihi.." pinaupo nya ko. wait.. beki ?? aish di bale na, mas mukha pa kasi syang babae kesa sakin xD

Anyways yun na nga, kwinento na nya ulit yung kaninang pinaguusapan nila, sinilip ko naman saglit si Mira kung anong ginagawa, nakita ko namang kausap na nya si mommy gee at tinuturo ang direksyon ko. Nagmouth nalang ako ng Wait sa kanila.

"So ayun nga dear, di mo ba nababalitaan yung usap usapan.. may creepy girl daw na gumagala around McDolley Village.. ewan ko lang kung totoo ahh, kasi one time yung sistaret kong littlelalo ,gabi na umuwi... then while making landi with my sugarpie in my phone bigla na lang naging crying lady si sistaret.. ay nako so worried si gandang ate. Kaya when i ask here anyare.. Haisst kinilabutan aketch.. ihhh.. kaw na nga bestie magtuloy .. kinikilabutan aketch..ehhh" kwento nung beki.. naku muntik ng dumugo yung ilong ko dun.

"Hanubayan !!.sige na, ako na.. ano kasi.. yun nga may nasalubong daw yung kapatid nya na babae, may takip daw yung mukha ng babae ,tapos huminto sa harap nya. Eh di kinabahan na yung kapatid nya, syempre gabi na mamaya holdaper yun. Kaso nagkakamali sya .Kasi sya pala yung babae na tinutukoy sa kwento kwento na 'maganda' pero hindi nagpapakita ng mukha..

Tumingin ng diretso yung babae, as in eye to eye daw sila.. tapos dun nya napansin na magkaiba yung color ng mata nun, magagandahan na daw sana sya kaso bigla itong nagsalita.." huminto sya saglit at uminom.

"'Maganda ba ako ??' yan ang tinanong sakanya, natameme sya dahil kalat na yung kwento kwento tungkol dito, at alam nya rin ang gagawin pag nasalubong ito...kaya agad agad syang umoo.. at kumaripas ng takbo.. sabi nya sa una nakakahypnotize yung mga mata nya.. pero pag nagsalita sya.. nakakatakot na talaga...Kahit sinasabi ng kyuryosidad nya na hintaying tanggalin ng babae ang takip nito sa mukha, ay inunahan na sya ng takot,sabi kasi sa mga deserving people lang sya nagpapakita ng beautiness nya.." kwento nung babae..

Ang Kwento ni Maganda [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon