Chapter 6: The Creepy Girl

1K 19 0
                                    

Elijah's POV

Takot na takot akong tumakbo palabas. Si Cherry pano na sya...

Hinanap ko sila Mother Therize

May kasama syang lalaki at mukhang may pinaguusapan silang seryoso.

Pumasok sila sa isang kwarto.

Kaya sinundan ko na agad sila.

*doors open*

"Ohh! Elijah , anong meron ? teka... gising na si Dara ??"

Tumango tango ako. At sobrang hingal na rin ako.

Naku kung nakakapagsalita lang ako baka nag uunahan na yung mga words na gustong lumabas sa bunganga ko.

Nag sign language ako na binato nya si Mira at sinaksak si Cherry,

"Detective Shin ikaw na muna ang bahala kay Yna.. mauna na kami.."

Sabi ni mother, ahh. detective pala siya, teka sino si Yna..

Aish..Sumunod nalang ako kay mother na agad agad namang pumunta sa room ni Dara.

************************

Nagulat ako kay mother...

Sobra ang bilis nyang tumakbo..

Hingal na hingal akong pumasok ng room tas dun nakita kong umiiyak si mother habang yakap sila Mira..

"Elijah.. humingi ka ng tulong.. pindutin mo yung red button.."

Utos ni mother kaya sinunod ko naman.

Ilang minuto lang ay dumating na ang mga doctor, bakit ba naman kasi nasa pinakatuktok yung operation room eh.. ang weird..

"Elijah ,bumalik ka na sa orphanage.. papasamahan nalang kita kay Detective Shin.. behave ka lang ahh.."

Tumango na lang ako. at sumunod..

*********************

Elijah's POV

Parking Lot

Hanggang ngayon feeling ko namumutla pa rin ako..

Iba pa rin pag nakakita ka ng pagsaksak at may dugong dumanak nang harapan...

Haissst..

Nasa loob na nga pala ako ng kotse daw nung Detective Shin..

Ewan ko pero parang kinakabahan ako..

May papalapit na bata..

Ang ganda nya pero dahil sa mga ngiti nya feeling ko ang creepy nya.

Mukhang dito sa kotse sa papalit kaya medyo kinabahan ako...

Pero nagulat ako sa hila hila nya...

Yung detective na kausap ni Mother.. naka busal ang bibig , kamay at paa nya.

Di ko napansin na umiiyak na pala ako..

Naka demonyong ngiti sya sakin...

Kaya mas lalo akong kinabahan..

Di ko alam ang gagawin ko.. pero feeling ko pinapalapit nya ko..

Nadala na ko kay Dara sa hindi pagsunod..

Kaya nagulat na lang ako sa sarili ko't nakalapit na pala ako sa kanya.

Ngumiti sya ng nakakatakot...

tinignan ko si Detective at parang umiiling sya...

Iyak lang ako ng iyak.. Natatakot ako...

Nagulat ako lalo nang bigla nyang tinapakan yung ulo ni detective..

Ang Kwento ni Maganda [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon