Nakarating na si Jinxx at Ashley sa Resort pag pasok nila sa kwartong inupahan nila. Agad naman na nag salita si Andy.
Andy Biersack: ( Nakaupo ito sa kama habang nanunuod ng TV at hindi ito tumingin sa dalawa ) Ashley Jinxx bakit ngayon lang kayo kanina pa namin kayo tinatawagan hindi naman kayo sumasagot
Jake Pitts: ( Tumingin sa may pinto kung asan sila Ashley at Jinxx ) Oo nga akala namin kung napano na kayong dalawa
Christian Coma: Bakit ba kasi ngayon lang kayong dalawa ? ( Napansin naman ang babaeng kasama nila Jinxx at Ashley kaya naman tinapik nito at sinenyasan si Andy )
Andy Biersack: ( Tumingin ito sa babaeng katabi ni Ashley ) Jinxx Ashley sino naman yang magandang babaeng kasama ninyo ? ( nag tatakang tanong nito )
Ashley Purdy: Naku Andy wag kang mag isip ng kung ano dyan
Girl: ( Napansin na nakatingin sa kanya si Andy at Christian kaya naman nag tago ito sa likod ni Ashley habang naka yuko ng tahimik )
Jinxx: ( Tumingin ito sa babae na nakatago sa likod ni Ashley ) Wag kang matakot sa kanila mababait naman sila. Hindi sila tulad ng mga lalaki kanina kaya wag kang matakot
Girl: ( Tumango ito habang nakayuko )
Jake Pitts: Naku bago yang usapan kung saan at paano niyo nakita yang babaeng yan pumasok muna kayo dito sa loob mahirap naman na tumayo lang kayong tatlo dyan
Christian Coma: Oo nga mangangawit lang kayong tatlo dyan kung tatayo kayo dyan habang kinukwento sa amin ang nang yari sa inyo
Pumasok naman na ang tatlo umupo naman sa isang kama si Jinxx at Ashley tumabi naman ang babae kay Ashley. Pero tulad kanina nakayuko pa din ito at sobrang tahimik
Andy Biersack: ( Napansin nito ang mga sugat ng babae ) Mukhang malaki ang sugat niya sa hita tapos ang dami din niyang sugat sa braso halos punit punit din ang kanyang damit
Jake Pitts: Ano ba kasing nang yari dyan sa kanya bakit siya sugatan parang galing siya sa isang labanan ( Kinuha ang Bag niya at hinanap ang dala niyang first aid kit )
Ashley Purdy: Hindi ko din alam kung bakit ganyan ang itsura niya basta nakita na lang namin siya ni Jinxx habang pabalik kami dito
Jinxx: May mga lalaking teenager na pinipilit siyang isama at mukhang hindi naman matitino ang mga yun kaya naawa naman kami ni Ashley tinulungan namin siya
Andy Biersack: Bakit naman nila pinipilit na sumama sa kanila ang babaeng ito ? ( Lumapit ito sa babae hinawi niya ang buhok nito na nakatakip sa mukha nito )
Jinxx: Ewan namin malamang may masama silang balak sa kanya sabi kasi sa amin sila daw ang unang nakakita sa kanya
Andy Biersack: ( Tinignan nag mukha ng babae ) Maganda siya kaya tiyak madaming mag iisip ng masama sa kanya. Buti pa paglinisin na natin siya ng kanyang sarili para magamot natin ang sugat niya
Christian Coma: Buti pa nga mas magandang gamutin na natin ang mga sugat niya bago pa lumala yan. ( Kumuha ito ng damit niya at inabot kay Ashley ) Pagamit mo muna sa kanya yan dapat bukas mabilhan natin siya ng masosoot niya para naman kapag umuwi siya hindi sira sira ang suot niya
Jake Pitts: Tama si Christian duon isa pa kung papabayaan natin siyang umuwi ng ganyang sira sira ang damit niya tapos sa ganda nyang yan tiyak baka mapahamak ulit yan
Ashley Purdy: ( Humarap ito sa babae at inabot ang damit na galing kay Christian ) Miss buti pa mag linis ka muna ng sarili mo para magamot ko na yung mga sugat mo
Girl: ( Tumango ito bilang sagot at pumunta na sa BathRoom )
Andy Biersack: Hindi nyo pa ba siya nakakausap kung ano ang nangyari sa kanya ?
Jinxx: Hindi pa siguro bukas na lang mas magandang makapag pahinga muna siya. Isa pa mukhang naiilang pa siya sa amin ni Ashley pati kami kanina tinakbuhan nya. Kaya hinabol pa namin siya
Jake Pitts: Mukhang mahirap ang inabot niyo sa babaeng yan ha ( Inabot kay Jinxx ang first aid kit ) Ayan unahin nyo nang gamutin yang sugat ninyo sa mukha. Wag nyong sabihin dahil sa kanya kaya kayo parang nakipag bugbugan ?
Ashley Purdy: Ganun na nga pano kasi ang kulit nung mga lalaki na kumukuha sa kanya gusto pa ng sakit ng katawan. Pero ayos lang kesa mapahamak siya kawawa naman kung mapapahamak siya
Andy Biersack: May punto ka naman dyan Ashley
Habang nasa Bathroom naman ang babae.
Bathroom
Tapos na siyang maglinis ng kanyang sarili nakaharap siya sa salamin.
Girl: Mapag kakatiwalaan kaya sila lalo na yung dalawang tumulong sa akin ? ( Tanong niya sa sarili habang tinititigan ang sariling reflection ) Isa lang ang makakasagot sa akin
Hinawakan niya ang kanyang kwintas at pumikit ito ng dumilat siya nakita niyang umilaw ng kulay blue ang bato ng kwintas.
Girl: Kulay blue ibig sabihin hindi sila masasamang tao ( mahinang sabi nito ) Pero hindi nila dapat malaman ang tunay na pag katao ko. Tiyak kapag nalaman nila ang tunay pag katao ko hindi nila gugustohin pang makasama ako. Kailangan ko ang tulong nila kaya dapat hindi nila malamang isa akong --- ( naputol ang sinasabi nito sa kanyang reflection ng may kumatok sa pinto )
Mula sa loob dinig ang boses ni Ashley na nag sasalita.
Ashley Purdy: ( nasa kabilang side ng pinto ) Tapos ka na ba dyan ? Para magamot na natin yang sugat mo at para makapag pahinga ka na din
Hindi na sumagot ang babae nag lakad na ito papunta sa pinto at binuksan na niya ito.
Pag bukas niya ng pinto nasa harapan niya si Ashley ang mga bandmate naman ni Ashley napatingin sa kanya sa pag labas niya ng bathroom. Dahil na din sa kanyang kagandahan
Girl: ( Yumuko ito at hindi na pinansin si Ashley na nakatayo sa harapan niya nag lakad siya papunta sa kama at umupo duon ng tahimik )
Nabalot ng katahimikan ang kwarto dahil para bang nakakita sila ng isang napakagandang babae hindi rin nila alam kung bakit nila naramdaman yun parang kakaiba kasi ang ganda ng babae kaya naman parang na freeze sina Andy,Jinxx,Jake,Christian at Ashley.
Nawala na lang ang katahimikan sa kwarto ng basagin ito ni Ashley.
----------------------
A/N:
Wag nyo pong kakalimutan na mag vote at mag comment ^_^
BINABASA MO ANG
Shadow Of Kitsune
FantasyPaano kung may nakilala kang isang babae ? Maganda,Mabait,Madaling Mahalin pero hindi pala siya tao. Matatanggap at Mamahalin mo pa din kaya siya kapag nalaman mo ang tunay niyang pagkatao ? O iiwan mo siya ? Alamin natin ang gagawin ng dalawang lal...