Maagang dumating ang bandmates ni Ashley. Nakita nilang busy si Ashley na mag handa ng breakfast.
Andy Biersack: Ashley mukhang busy ka dito sa kusina
Christian Coma: Oo nga mukhang ang sarap din ng breakfast na hinahanda mo
Jake Pitts: Para sa amim ba yan ? Dapat hindi ka na nag abala pa kasi alam mo naman na ayos lang sa amin kahit hindi special ang almusal
Ashley Purdy: ( Nakatalikod ito sa apat dahil nag luluto siya ) Sira ka bakit ko naman kayo pag hahandaan ng special na almusal. Kaya ko ginawang special yan para sa kasama ko dito sa bahay
Christian Coma: Ayon para kay Cheyanne Luna naman pala kaya ganitong ka special ang breakfast
Jinxx: Pero bakit ganitong ka special ang breakfast na ginawa mo ?
Ashley Purdy: Dahil ngayon ang unang araw na kakain siya ng matinong breakfast
Andy Biersack: Bakit hindi ba siya na kakain ng matinong breakfast sa araw araw ?
Ashley Purdy: Hindi nyo kasi naiitindihan kung bakit ganito ang ginagawa ko. Buti pa tulungan nyo na lang akong ayusin ito sa dinning room tapos ikwekwento ko ang lahat sa inyo
Tinulungan na ng apat si Ashley ayusin ang dinning room at ng matapos sila nag umpisa naman mag kwento si Ashley.
Ashley Purdy: Ganito kasi yan si Cheyanne Luna hindi talaga siya nakalimot
Jake Pitts: So niloko nya tayo sa sinabi niyang nakalimutan niya ang lahat
Ashley Purdy: Oo pero kaya niya ginawa yun kasi ayaw na niyang bumalik sa gubat
Andy Biersack: Gubat ?
Ashley Purdy: Dahil yung gubat na nakita namin ni Jinxx doon lumaki si Cheyanne Luna
Jinxx: Ibig sabihin parang iniwan si Cheyanne Luna sa Gubat na yun nung bata pa lang siya kaya doon na siya lumaki
Ashley Purdy: Tama ka dyan Jinxx kaya siya puro sugat nun dahil na din doon sa masasamang lalaki na nakita natin
Jinxx: Buti na lang nakita natin siya
Christian Coma: Kung sa gubat siya lumaki ibig sabihin hindi siya nakapag aral
Jake Pitts: Para pala siyang bata kung ganun
Ashley Purdy: Tama ka Jake para akong mag aalaga ng bata wala kasi siyang alam dito sa labas ng kagubatan. Kaya sana lang tulungan ninyo akong apat na tulungan si Cheyanne Luna na hindi mag mukhang tanga sa lugar natin
Andy Biersack: Wala naman mawawala kung gagawin natin yan kawawa din naman siya kung ganyan lang siya
Christian Coma: Tama si Andy doon kaya okay lang na tulungan ka namin na turuan siya
Jinxx: Madali lang naman yung gusto mo
Jake Pitts: Tama si Jinxx doon pero hindi pa ba tayo kakain nagugutom na ako
Natawa naman ang apat sa sinabi ni Jake kaya naman pinuntahan na ni Jinxx si Cheyanne Luna sa kwarto nito para gisingin.
Kwarto
Pag pasok niya sa kwarto napansin niyang parang may tao sa teris ng kwarto kaya naman agad siyang pumunta doon para tignan.
Wala siyang nakitang tao sa teris kaya naman pumasok na siya sa kwarto at umupo sa kama ni Cheyanne Luna.
Jinxx: Cheyanne Luna gising ka na dyan ( Ginising niya ito ng dahan dahan )
Cheyanne Luna: ( Dahan dahang dinilat ang mata nito at nagulat naman ito ng makita niya si Jinxx )
Jinxx: ( ngumiti ito ) Mukhang nagulat kita siguro akala mo si Ashley ang gigising sayo
Cheyanne Luna: ( Tumango ito bilang sagot )
Jinxx: Buti pa mag bihis ka na para makakain ka na tayo ng almusal
Sinunod naman ni Cheyanne Luna ang sinabi inutos sa kanya at si Jinxx naman ay inayos ang kama at pagkatapos ay bumaba na ito.
Matapos ang ilang minuto ay bumaba na din si Cheyanne Luna at nag umpisa na din silang kumain. Pero si Cheyanne Luna lang ang hindi kumakain.
Jinxx: ( Nilagyan ng pag kain ang plato ni Cheyanne Luna ) Subukan mong kainin yan
Jake Pitts: Dapat matuto kang kumain ng matinong pag kain hindi yung kung ano ang kinakain mo sa gubat
Jinxx: Oo nga masasanay ka din nyan kaya sige na subukan mo ng kumain
Andy Biersack: Pinag hirapang gawin ni Ashley yan para sayo kaya wag mo naman sanang pasakitin ang loob niya kung hindi mo kakainin yan
Cheyanne Luna: ( Sinubukan niyang tikman ang pagkain na nilagay ni Jinxx sa plato niya at para sa kanya hindi naman pangit ang lasa nito ) Masarap itong pagkain na ginawa mo Ashley ( ngumiti ito )
Christian Coma: Nice Ashley mukhang nagustohan niya ang hinanda mong almusal
Ashley Purdy: ( Ngumiti ito ) Oo nga at masaya naman ako na hindi nasayang ang pagod ko. Andy pwede bang isama na lang natin siya ngayon sa lakad natin ?
Jinxx: Andy pumayag ka na kawawa naman si Cheyanne Luna kung maiiwan siya dito alam mo naman na hindi siya tulad natin
Andy Biersack: ( Napahawak na lang ito sa sentido niya ) Oo na sige na papayag na ako na isama natin siya mukha naman kasing gusto ninyong dalawa na kasama siya
Jinxx: ( Ngumiti ito ) Concern lang naman ako kasi nga hindi ba sabi ni Ashley na lumaki siya sa gubat maganda na din na nakakalabas siya
Andy Biersack: May punto ka naman dyan magandang makita din nya kung ano ang meron sa labas ng bahay na ito
Christian Coma: Pero dapat bantayan natin siya mamaya mawala yan mahirap mag hanap
Cheyanne Luna: Christian sino ang mawawala ?
Jake Pitts: Ikaw
Cheyanne Luna: Bakit naman ako mawawala ?
Jinxx: Kasi isasama ka namin sa pupuntahan namin ngayon para makalabas ka dito at makita mo kung ano ang meron sa labas ng bahay na ito
Cheyanne Luna: Talaga mukhang magada yun ( masayang sabi nito )
Jinxx: Kaya nga bilisan mo ng kumain dyan para maka alis na tayo ( Pinunasan nito ang dumi sa gilid ng labi ni Cheyanne Luna )
Cheyanne Luna: ( Ngumiti ito sa ginawa ni Jinxx )
Jake Pitts: Sweet naman ni Jinxx ( pang aasar nito )
Christian Coma: Oo nga parang nakakahalata na ako kay Jinxx ( natatawang sabi nito )
Jinxx: Manahimik nga kayo dyan wala naman kayong magawa kaya nang aasar kayo
Cheyanne Luna: ( Kumain na ulit )
Ashley Purdy: ( Hindi niya alam bakit parang nalulungkot siya sa nakikita niya kaya napabuntong hininga na lang ito at kumain ng tahimik )
Kumain na ang lahat at ng matapos naman silang kumain ay umalis na sila.
Sa hindi naman kalayuan ay may nakatayong tao na nag babantay lang sa bahay ni Ashley.
BINABASA MO ANG
Shadow Of Kitsune
FantasiPaano kung may nakilala kang isang babae ? Maganda,Mabait,Madaling Mahalin pero hindi pala siya tao. Matatanggap at Mamahalin mo pa din kaya siya kapag nalaman mo ang tunay niyang pagkatao ? O iiwan mo siya ? Alamin natin ang gagawin ng dalawang lal...