Chapter 22

4 1 23
                                    

Pinuntahan ni Andy ang box na nakita niya sa Teris napansin naman siya nila Jake at Christian kaya naman sinundan nila ito.

Teris

Christian Coma: Oh Andy anong meron ?

Andy Biersack: Nakita ko kasi itong box na ito. Nag tataka nga ako kung bakit meron nito dito. Kanina naman wala ito

Jake Pitts: Ano naman kaya ang laman nyan ?

Andy Biersack: ( Nilibot niya ang kanyang paningin sa buong teris ) Wala namang tao dito O kaya kahinahinalang nag magmamasid sa paligid

Jake Pitts: Kung ganun pano naman napunta yan dito ?

Andy Biersack: Buti pa kaya tignan na lang natin ( Bubuksan na sana niya ang box ng biglang hinawakan ni Jake ang kamay ni Andy )

Jake Pitts: Andy parang nararamdaman kong may nag mamasid sa atin ngayon hindi ko alam pero yun ang nararamdaman ko

Christian Coma: Sino naman kaya ang nag mamasid sa atin ?

Andy Biersack: ( Naisip ang labanan nung gabi ) Jake asan si Cheyanne Luna ?

Jake Pitts: Ang alam ko kanina hinahanap siya si Ashley tapos mga ilang sandali lang si Jinxx naman ang nag hahanap sa kanya

Christian Coma: Baka naman kasama na siya ni Ashley at Jinxx bakit mo naman natanong yan ?

Andy Biersack: Hindi ba sa sabi sa atin ng mga nakalaban natin ingatan at protektahan natin si Cheyanne Luna

Jake Pitts: Ibig sabihin ba nito na ang nararamdaman ko na parang may nag mamasid sa atin ay ang mga nakalaban natin ?

Christian Coma: Pwede yan baka kaya nila tayo sinabihan na protektahan at ingatan natin si Cheyanne Luna dahil pwede nilang kunin kahit anong oras si Cheyanne Luna dahil alam nila kung asan ito

Andy Biersack: Tama ka dyan buti pa libutin na lang natin itong paligid para naman matiyak natin kung may nag mamasid

Christian Coma,Jake Pitts: Buti pa nga ( Sabay na sabi ng dalawa )

Hindi na sila nag aksaya pa ng oras at nag libot na sila para lang malaman nila kung may nag mamanman sa bahay ni Ashley.

Garden

Malapit ng matapos nila Ashley,Jinxx at Cheyanne Luna ang pag aayos sa Garden kaya naman masaya silang tatlo.

Habang inaayos naman ni Cheyanne Luna at Ashley ang mga paso sa pag lalagyan nito hindi naman nila sinasadya na mahawakan ang isang paso.

Cheyanne Luna: ( Nakatitig ito kay Ashley dahil nasa ilalim ng kamay ni Ashley ang kamay niya )

Ashley Purdy: ( Bumilis ang tibok ng puso nito at nakatitig lang kay Cheyanne Luna )

Jinxx: ( Napatingin ito sa dalawa at nakaramdam ng selos kaya naman binalik niya ang tingin niya sa ginagawa nya )

Ashley Purdy: ( Parang nakahinto ang oras habang nakatitig lang siya kay Cheyanne Luna pero na balik lang ang ulirat niya ng mag salita ito )

Cheyanne Luna: Hindi tayo matatapos nito ( Ngumiti ito )

Ashley Purdy: ( Tinanggal ang kamay niya sa kamay ni Cheyanne Luna ) Sige na lagay mo na yan sa pag lalagyan niya ( Bumalik na ulit ito sa ginagawa niya )

Cheyanne Luna: ( Inayos na ang paso na hawak niya )

Jinxx: Okay na ako dito tapos ko na ( Nakangiting sabi nito )

Natapos na din silang tatlo sa pag aayos ng Garden kaya naman pumunta sila sa gitna ng Garden at pinagmasdan nila ang buong Garden.

Ashley Purdy: Wow hindi ko inakalang ganito pala kaganda ito kapag naayos ito

Jinxx: Oo nga at kung hindi dahil kay Cheyanne Luna hindi natin makikitang ganito itong kaganda ( Inakbayan naman niya si Cheyanne Luna )

Cheyanne Luna: ( Ngumiti ito kay Jinxx at binalik ang tingin sa garden ) Kung hindi naman dahil sa tulong ninyong dalawa hindi natin makikitang ganitong kaganda ito ngayon dahil hindi ko kayang ayusin ito ng ako lang mag isa

Habang pinag mamasdan ni Cheyanne Luna ang buong garden may naalala siya.

Flashback

Habang nasa garden si Jun at inaayos ang bonsai lumapit sa kanya si Moriko.

Moriko: Jun anong ginagawa mo dito ? Hindi ba may praktise kayo ngayon ?

Matsumoto Jun: Tinatamad akong mag praktise ngayon kaya ito nag hahalaman ako dito. Gumagawa ako ng bonsai gusto mong tumulong ?

Moriko: Oo naman wala naman akong ginagawa sa palasyo ngayon

Matsumoto Jun: Kaya pala simulan na natin

Tinuruan ni Jun na gumawa ng bonsai si Moriko at masaya silang gumawa nito. Nang matapos nila ito pumunta naman si Moriko sa isang lupa na walang nakatanim sumunod naman si Jun kay Moriko.

Matsumoto Jun: Ano naman ang gagawin mo dyan ?

Moriko: Manuood ka na lang ( Tinaas niya ang kanyang kamay at habang nakapikit siya )

Nag karoon ng magaganda at mapupulang rosas ang lupang walang nakatanim kanina.

Moriko: Ang gaganda nila hindi ba ? ( Nakangiting tanong niya )

Matsumoto Jun: Oo magaganda sila parang ikaw

Moriko: Nang bola ka nanaman

Matsumoto Jun: ( Ngumiti na lang ito )

End Of Flashback

Hindi namalayan ni Cheyanne Luna na tumutulo na pala ang luha niya dahil sa na alala niya at naramdaman na lang niyang pinunasan ni Ashley ang kanyang pisngi gamit ang kamay nito.

Jinxx: Cheyanne Luna bakit ka umiiyak ?

Cheyanne Luna: Wala wag nyo na lang ako pansinin may na alala lang ako

Ashley Purdy: ( Inakap niya si Cheyanne Luna ) Kung ano man yang na alala mo wag mo ng isipin yan tumahan ka na. Ayaw kong nakikita kang umiiyak

Jinxx: ( Napatingin naman ito kay Ashley dahil sa sinabi nito kay Cheyanne Luna )

Cheyanne Luna: ( Hindi na niya napigilan at naiyak na siya habang naka akap kay Ashley )

Ashley Purdy: Tahan na ( Hinimas nito ang likod ni Cheyanne Luna )

Jinxx: Oo nga tahan ka na sige na

Cheyanne Luna: ( Bumitiw na ito sa pag kakaakap kay Ashley at tumahan na ito )

Ashley Purdy: Smile ka na ( Pinunasan nito ang luha sa pisngi ni Cheyanne Luna )

Cheyanne Luna: ( Ngumiti ito )

Jinxx: Ayan mas bagay sayo yang nakangiti ka kesa umiiyak ka tulad kanina

Ashley Purdy: Tama ka dyan Jinxx

Jinxx: Tara na kayo sa salas makisali tayo kela Andy doon. Cheyanne Luna tuturuan ka namin mag laro sa X-box

Cheyanne Luna: Talaga ( Masayang sabi nito )

Ashley Purdy: Oo kaya tara na ( Hinawakan niya ang kamay ni Cheyanne Luna at nag lakad na )

Cheyanne Luna: ( Sumunod na din ito sa pag lalakad ni Ashley )

Jinxx: ( Sumunod na din ito sa pag lalakad habang pinag mamasdan si Cheyanne Luna at Ashley na magkahawak ang kamay sa pag lalakad )

Nang makarating sila sa Salas ay nakita nilang nakaupo sina Andy,Christian at Jake sa Sofa at nakita nilang may kahon sa mesa.

Shadow Of KitsuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon