Chapter 16

4 2 8
                                    

Daan

Nakatingin lang si Ashley sa abandunadong gusali at para bang malakas ang kutob niya na andoon si Cheyanne Luna. Napansin naman ng kanyang bandmates ang na nakatingin siya sa abandunadong gusali.

Andy Biersack: Ashley Okay ka lang ba ? ( Napatingin din ito sa gusaling tinitignan ni Ashley )

Christian Coma: Oo nga kanina ka pa parang weird

Jake Pitts: Hindi ka naman nakainom kaya malabong kaya ka weird kasi lasing ka. Kaya bakit ba kanina ka pa weird

Andy Biersack: Kanina lang sabi mo naririnig mo ang boses ni Cheyanne Luna ngayon naman nakatingin ka sa gusaling yan

Ashley Purdy: Ewan ko din Andy pero parang iba ang pakiramdam ko sa gusaling iyon

Jinxx: ( Tumingin ito sa gusali na tinitignan ni Ashley kanina at para bang hinihila siya na pumunta doon ) Ashley iba din ang pakiramdam ko sa gusaling iyan buti pa siguro puntahan natin

Ashley Purdy: Buti pa nga para kasing hinihila ako ng gusaling yan kanina pa

Jinxx: Ganyan din ang nararamdaman ko Ashley

Nagkatinginan naman si Christian,Jake at Andy dahil sa sinabi ni Ashley at Jinxx.

Andy Biersack: Wala naman akong nararamdamang kakaiba ng tumingin ako sa gusaling yun

Jake Pitts: Para matigil na yang nararamdaman ninyo tara puntahan na natin yang gusaling yan

Christian Coma: Para malaman na din natin kung ano ang meron sa gusling yan at bakit ganyan ang nararamdaman ninyong dalawa

Ashley Purdy: Buti pa nga isa pa hindi tayo dapat mag sayang ng oras dito. Dapat hinahanap na natin ni Cheyanne Luna kesa nakatayo tayo dito at nag kwekwentuhan.

Jinxx: Tara na kayo para malaman na natin ang meron sa gusali na yan at para makapag hanap na ulit tayo kay Cheyanne Luna

Nag lakad na sila papunta sa gusali ng papalapit na silang lima sa gusali bigla naman na bumibilis ang tibok ng puso ni Jinxx at Ashley. Para bang bawat pag hakbang nila ay pabilis ng pabilis ang tibok ng puso nilang dalawa.

Nang makapasok na silang lima sa gusali hindi naman nila inaasahan ang makikita nilang lima.

Abandonadong Gusali

Kitang kita nina Ashley,Jinxx,Jake,Christian at Andy na nakatayo si Cheyanne Luna hinihingal ito hawak ang kanyang tagiliran na dumudugo puro sugat din ito at nanghihina na parang ano mang oras ay pwede na itong mawalan ng malay.

Nakita din ng lima na may limang taong hindi mo makikilala kung sino sila dahil para silang mga ninja at talagang tago ang mukha nila.

Halos nagulat ang lima sa nakita nila sa loob ng gusali.

Ashley Purdy: ( Hindi niya napigilan ang kanyang sarili ng makita niya si Cheyanne Luna na ganun ang itsura ) CHEYANNE LUNA ( sigaw nito )

Jinxx: ( Tatakbo na sana ito papunta sa kinatatayuan ni Cheyanne Luna ng bigla itong napahito sa gagawin niya )

Sa pag sigaw ni Ashley ng pangalan ni Cheyanne Luna bigla naman na may arrow na papalapit sa kanya pero ng sobrang lapit na ng arrow sa kanya biglang bumagsak ang arrow sa harapan niya at may nakatusok na pulang rosas sa kahoy ng arrow. Dahil sa ibinato ni Cheyanne Luna ang pulang rosas na nasa sahig malapit sa kanya.

Ashley Purdy: ( Halos parang sasabog ang puso niya sa kaba ng makita ang bumagsak na arrow )

Halos hindi rin nakakilos sina Jinxx,Christian,Andy at Jake dahil sa gulat at kaba sa pangyayari. Bigla naman silang nabalik sa ulirat ng marinig nila ang isang boses na nang galing sa isa sa limang tao.

Ninomiya Kazunari: Hindi ko akalain na hindi kita tatamaan ( Sabi nito habang kumuha ng isang arrow sa likod niya )

Sakurai Sho: Mukhang may nag ligtas kasi sa kanya kaya hindi mo siya tinamaan

Matsumoto Jun: Itong babaeng ito ba ang pinuntahan nyo dito ( Lumapit ito kay Cheyanne Luna at nang nasa likod na ito ay hinawi niya ang buhok sa may tenga nito at tinapat niya ang labi niya sa tenga nito may binulong ito ) Kung kaya mo pa silang lima iligtas iligtas mo na sila bago pa mahuli ang lahat ( matapos niyang ibulong yun kay Cheyanne Luna agad naman siyang tumingin ng diretso kay Ashley na patiklop na ang kamao )

Ashley Purdy: ( Para bang puputok ang puso niya ng makita niyang may lalaki na nasa tabi ni Cheyanne Luna kaya naman tiniklop niya ang kamao niya ) Bi ----- ( Hindi naman na niya nasabi ang sasabihin niya dahil sa ginawa ni Jinxx )

Jinxx: ( Bigla itong tumakbo papunta sa kinatatayuan ni Jun dahil sa hindi niya kayanin ang nakikita niya lalo pa nasa tabi ito ni Cheyanne Luna )

Nagulat naman sina Ashley,Andy,Christian at Jake sa ginawa ni Jinxx.

Jinxx: ( Nang nasa harap na siya ni Jun agad niya itong itinulak ng malakas palayo kay Cheyanne Luna at sinuntok niya ng malakas sa mukha si Jun )

Matsumoto Jun: ( Napaupo naman ito dahil sa lakas ng suntok sa kanya ni Jinxx )

Jinxx: ( Hahawakan na sana niya ang kamay ni Cheyanne Luna pero bigla naman niyang narinig ang boses ni Andy )

Andy Biersack: Jinxx sa likod mo ( sigaw nito kay Jinxx )

Humarap naman si Jinxx at nakita niyang may paparating na isang shuriken sa kanya kaya naman napaiwas siya pero tinamaan siya ng talim nito sa pisngi dahilan para masugatan siya pisngi niya.

Ohno Satoshi: Magaling ka palang umiwas

Andy Biersack: Hoy ikaw anong karapatan mong saktan si Jinxx ?

Ohno Satoshi: Kung hindi na kayo pumunta dito hindi kayo madadamay

Ashley Purdy: Andito kami para tulungan si Cheyanne Luna

Matsumoto Jun: ( Kakatayo lang nito ) Talaga pano kung hindi namin siya ibigay sa inyo ?

Christian Coma: Kung ganun mapipilitan kaming labanan kayo mabawi lang namin siya sa inyo

Aiba Masaki: Bakit hindi na lang ganito labanan nyo kaming lima at pag natalo nyo kami ibabalik namin siya sa inyo

Jinxx: Bakit nyo ba kasi kinuha si Cheyanne Luna ? ( Galit na tanong nito )

Sakurai Sho: Hindi nyo na dapat malaman pa kaya ano lalabanan nyo ba kami para sa babaeng yan o tatapusin namin kayo

Jake Pitts: Tatapusin ? Kami akala nyo ba matatakot nyo kami ?

Masaki Aiba: Hindi kami nananakot totoo ang sinasabi namin

Matsumoto Jun: Kaya kung gusto nyo mabawi sa amin ang babaeng ito labanan nyo kami

Nag iintay ng sagot ang grupo nila Satoshi. Habang si Cheyanne Luna naman ay napaupo na dahil sa pang hihina medyo lumalabo na rin ang paningin niya dahil sa panghihina.

Shadow Of KitsuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon