Chapter 14

7 2 16
                                    

Natapos na ang performance nila Andy,Jinxx,Ashley,Christian at Jake kaya naman pumunta na sila sa backstage at dumaretso na agad sila sa dressing room.

Dressing Room

Naunang pumasok ng dressing room si Andy.

Andy Biersack: Cheyanne Luna kamusta ka naman dito ( Tanong agad nito pagkapasok sa loob ng kwarto )

Christian Coma: Pasensya na kung medyo natagalan kami

Andy Biersack: ( Nanlaki ang mata nito ng makitang walang tao sa dressing room ) Christian wala dito si Cheyanne Luna

Christian Coma: ANO ?? ( Gulat na sabi nito )

Sabay sabay naman na pumasok sa dressing room sina Jinxx,Ashley at Jake.

Jinxx: Christian ano ba yan ang lakas lakas naman ng boses mo abot sa labas ng dressing room

Ashley Purdy: Ano bang meron at kung makasigaw ka ganyan na lang ?

Jake Pitts: Oo nga

Andy Biersack,Christian Coma: Wala dito sa dressing room si Cheyanne Luna ( Sabay na sabi nila )

Jake Pitts,Ashley Purdy,Jinxx: ANO ?? ( Gulat na gulat sa sinabi ni Andy at Christian )

Jinxx: Saan naman kaya nag punta si Cheyanne Luna ?

Jake Pitts: Hindi pa naman niya kabisado ang lugar na ito

Ashley Purdy: ( Bigla itong kinabahan ng matindi pero hindi niya alam kung bakit ) Buti pa kaya hanapin natin siya hindi maganda itong nararamdaman ko bigla na lang akong kinabahan

Andy Biersack: Buti pa nga mamaya mapahamak pa siya

Christian Coma: Pero saan naman kaya natin siya hahanapin ?

Jinxx: Kakit saan ang mahalaga yung mahanap natin siya ngayon. Dahil mamaya kung ano ng masama ang nangyari sa kanya ( Halata ang pag aalala nito )

Andy Biersack: Sige wag na tayong mag aksaya pa ng oras mag hanap na tayo

Nag madali na silang lima na mag hanap kay Cheyanne Luna.

Daan

Christian  Coma: Asan na kaya si Cheyanne Luna ? ( Habang nag lalakad nililibot niya ang kanyang mata )

Andy Biersack: Ewan ko pero tiyak mahahanap din natin siya ( Nilibot ang kanyang mata sa buong lugar habang nag lalakad )

Jinxx: ( Sobra ang kanyang pag aalala kay Cheyanne Luna habang nag hahanap ito ) Sana naman mahanap na natin siya

Ashley Purdy: Mahahanap natin siya Jinxx tiyak yan ( Hindi niya alam kung bakit ba paraang sobrang pag aalala ang nararamdaman niya para kay Cheyanne Luna ngayon lang niya naramdaman ang ganung feelings )

Jake Pitts: ( Habang nag lalakad ito nililibot niya ang kanyang mata sa paligid ) Tiyak hindi naman makakalayo dito yun

Patuloy ang pag hahanap ng lima kay Cheyanne Luna.

Abandonadong Building

Habang nasa harapan na ni Cheyanne Luna si Jun para bang na freeze siya ng makaramdam siya na may tao sa kanyang likuran.

Matsumoto Jun: ( Nilapit nito ang mukha niya sa tenga ni Cheyanne Luna at binulungan ito ) Hindi mo na ako dapat sinundan dito mapapahamak ka lang

Cheyanne Luna: ( Napalunok naman ito ng laway ng marinig ang sinabi ni Jun )

Matsumoto Jun: ( Umayos na ito at tinuon ang paningin sa apat na taong nasa likod ni Cheyanne Luna )

Dahan dahan naman na humarap sa likod si Cheyanne Luna para makita kung sino ang nasa likuran niya. Nanlaki nalang ang kanyag mata ng makitang may apat na lalaki na nakasuot na parang ninja na katulad kay Jun ang nakatayo at kilala niya ang mga ito dahil sa nakababa ang takip nito sa mukha.

Aiba Masaki: Jun hindi namin akalaing madali mo pala mahahanap si Moriko ( nakangiting sabi nito )

Sakurai Sho: Oo nga at dinala mo pa siya dito

Ohno Satoshi: Ang galing mo talaga pag dating sa hanapan

Ninomiya Kazunari: Tama si Satoshi doon akalain mo natapos na ang pahirapang pag hahanap natin kay Moriko

Cheyanne Luna: ( Halata sa mukha nito ang pag katakot )

Wala na ding ibang magawang paraan si Jun para mapatakas si Cheyanne Luna dahil mahahalata lang siya ng apat kapag tinulungan niya ito. Kaya naman kailangan niyang mag panggap.

Matsumoto Jun: Ano ba kayong apat kaya nga tayo isa sa pinaka magagaling na mandirigma sa Sunfrost kasi magagaling talaga tayo ( ngumiti ito )

Cheyanne Luna: ( Kahit na takot na takot ito sinubukan pa din niyang mag salita ) Bakit akala ninyo mag papahuli ako sa inyo hindi ninyo ako madadala sa Sunfrost ngayon ( Inangat nito ang kanyang kanang kamay at biglang may lumabas na ilaw na puti at lumabas ang pulang rosas at hinawakan niya ito )

Ohno Satoshi: Mukhang gusto mo kaming labanan ( ngumiti ito )

Sakurai Sho: Gusto mo nanaman sigurong matalo

Matsumoto Jun: Alam mo naman na wala kang laban sa aming lima

Aiba Masaki: Kaya sumuko ka na lang at kung ganyan kang lalaban sa aming lima tiyak matatalo ka

Ninomiya Kazunari: Yung ngang Kitsune ka hindi mo kami natalo kaya mo kami tinakasan tapos ngayong ganyang tao ka tingin mo mananalo ka sa amin ?

Cheyanne Luna: Tingnan na lang natin dahil titiyakin kong matatakasan ko ulit kayong lima ( Seryosong sabi niyo )

Sakurai Sho: ( Binato ng shuriken si Cheyanne Luna )

Tinamaan naman ang pisngi ni Cheyanne Luna ng binatong shuriken ni Sho dahilan para masugatan ito.

Cheyanne Luna: ( Pinahid ng kanyang kamay ang tumutulong dugo sa kanyang pisngi ) Yan lang ba ang kaya mong gawin Sho ( Dinilaan niya ang daliri niyang may dugo at seryosong tumingin kay Sho )

Sakurai Sho: ( Ngumiti ito ) Mukhang magandang labanan ang mang yayari ngayon

Ohno Satoshi: Mukha nga Sho baka makita natin ang Moriko na hinahanap natin

Aiba Masaki: Ano pang hinihintay natin umpisahan na natin ang laban ng malaman na kung sino talaga ang malakas

Cheyanne Luna: Buti pa nga

Inangat ni Cheyanne Luna ang kanang kamay niya na may hawak na pulang rosas hanggang sa mukha niya at pag galaw pababa ng kanyang kanang kamay na may hawak na pulang rosas umilaw ito at ang mga petals ng bulaklak ay kumalat sa lugar kung nasaan siya at naging isang latigo na kulay green at may tinik ang tangkay nito.

Ang lima naman ay inangat ang nakababang pantakip sa mukha nila kaya mata na lang ang makikita sa kanila.

Matsumoto Jun: ( Tumingin ito sa mga kasama niya )

Ohno Satoshi: Umpisahan na ito ( Kinuha niya ang samurai niya na nasa gilid ng damit niya at sinugod si Cheyanne Luna )

Tulad ng ginawa ni Satoshi kinuha din ni Jun,Masaki,Sho at Kazunari habang hawak nila ang kanilang samurai sinugod din nila si Cheyanne Luna.

Shadow Of KitsuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon