OPERATION 1

2.2K 48 5
                                    

-Beautiful Avy and Ash Clemente on the media ❤

Chapter 1:

"Huhuhu! Bakit hindi niya ako magustuhan mga bes! M-maganda naman a-ako. Mayaman. Masayang kasama. Halos ibigay ko na nga lahat at sambahin ko na siya para lang mahalin niya ako e. Kaso waley pa din! Huhuhu! Bakit!!!!?"

Ngayon ay nasa gazebo kami ng mga whatsoever called friends ko at kanina pa nag hihinagpis si Kevin dahil nabugbog siya at nag break na "Daw" sila ni Blake.

"Nakakaawa ka naman sis, apaka assumera mo kasi e. Ayan nagka instant eyeshadow ka tuloy. Atsaka no comment ako sa maganda thingy mo." sabi ni Charlie habang nagbabasa na naman ng libro.

If I know wattpad lang yang binabasa niya, minsan feeling brainy din 'tong si bakla e.

Si Charlie ang baklang super lamya at puro pagbabasa lang ang alam, bookworm kung baga at super magkabaligtad sila ng ugali ni Kevin. Kung si Kevin kasi, siya yung klase na baklang rampadora na awra dito, awra doon! Hampas dito, hampas doon! Siguro ang pagkakapareha lang nila Charlie at Kevin ay yung pagiging laitera at malakas mamilosopo.

Ibang-iba talaga si Kevin sa amin ni Charlie, hindi sa pag bubuhat ng bangko ah. Kasi kami ni charlie yung tipo ng beki na hindi gustong ma-exposed or makaagaw ng pansin ng iba. We're good like saints. (Kapag tulog) Hindi katulad ni Kevin na masyadong pakawala. Kulang na nga lang e tawagin siyang pokpok na bakla sorry for the word though.

"Letse ka Charlie! Kita mong broken ako nakuha mo pang mang okray! Palibhasa hindi ka pinapansin ni Blake eh!"

"Hoy eeeeexcuse me! Anong hindi pinapansin! Naging kami kaya ni Blake! kaso within 24 hours lang." Pabiro niyang tugon na para bang ginagaya niya ang pag tatantrums ni Kevin.

"Hoy mga bakla wag kayong mag ilusyon! hindi kayo papatusin ni Blake noh!? Mga ilusyunadang 'to. Miski nga kaming mga may mani deds pa rin sa kaniya! Kayo pa kaya?" Napataas naman ang kilay nila Charlie at Kevin sa sinabi ni Ferdie.

Si Ferdie naman ang baklang amazona sa grupo, napakabigat kasi ng kamay niya yung tipong pabiro ka lang niyang hahampasin pero para kang dinagukan ng gorilla sa sobrang lakas at bigat nito. Kaya minsan ay umiiwas kami sa kaniya kapag masyado siyang natutuwa, dahil tiyak na mahahambalos niya kami ng malabakal niyang kamay. But we're happy na we had him on our side, siya kasi yung tipong bakla na walang takot at napaka basagulera. Siya nga ang starter sa mga away at frontliner namin kapag may warlahang nagaganap. Tiyak na tiklop ang mga bitchesang aaway sa amin kapag andito ang amazonang si Ferdie.

"Nag ilusyon ang hindi ilusyunada! Ikaw may mani? Sa bagay mani nga yang na sa mukha mo at ang oily pa." pagkasabi na pagkasabi ni Charlie nun ay na dagukan siya ni Ferdie at pinagmumura.

"Isa ka pang timawa ka! Imbes na damayan niyo ako sa pagdra-drama ko ng o-okray pa kayo! Parang hindi kayo nabaliw kay Blake ah!" Paghihimutok ni Kevin.

"Btch we're done on that stage. Ikaw na lang ang head over heels diyan kay blake." monotonous na sagot ni Charlie ng makarecover sa dagok ni ferdie.

"Atleast nabaliw pa rin kayo sa kaniya!"

"Baliw is not appropriate term for us. We're just attracted to him, not like you. You almost worship his entire life! And we're not doing necessarily things that like you do! So sayo talaga applicable ang word na yun." mataray na sabi ni Charlie.

"So what do you want to turn out? Na ako lang ang nabaliw sa kaniya! FYI Charlie, I'm not!" Napapalakpak naman si Charlie sa sinabi ni Kevin.

"Impressive! How did you know that? It's seems your intellectual thinking are improving. that's great! Mukhang may maganda rin palang resulta ang palaging pag dikit sa akin dahil sa mga sarcasm ko. How lovely!" Okay ayan na po ang conceited side ni Charlie at ayan ang pinaka ayaw kong attitude niya.

Operation: Seducing Mr. HomophobicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon