Chapter 10:
I woke up and I feel the sun's kissing my face so I gently open my eyes, at inilibot ko ang paningin ko. Alam ko kung asan na ako ngayon. This is my room, but how the hell I get here?
Then suddenly the door open and summoned Avy and nanay pasing.
I see Avy's beautiful face wearing with a wide smile, but suddenly her face became worried.
Agad siyang tumakbo sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit, napansin ko naman na humihikbi siya sa likod ko. So I hug her back and caress her shoulder to sympathy on what she's feeling about.
“Why are you crying? Is there something wrong Avy?” I asked her but she just continue on crying.
“Stop it Avy. Your getting to annoy me.” and I just rolled my eyes.
Umayos siya ng upo atsaka niya pinunasan ang luha at uhog niya. Ang tanda tanda na uhugin pa rin, Hay na ko Avy.
“Thankful lang ako dahil ligtas ka at walang masamang nangyari sayo.” at umiyak na naman ulit siya, kaya hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti sa kaniya.
“Drama mo teh! Hindi bagay sayo.” pabiro kong saad. Sumimangot naman siya at hinampas ako sa braso na aking ikinahiyaw sa sakit.
“Ay sorry! Sorry! Hindi ko sinasadya! Ikaw kasi e, masyado ka mapang-urat.” at dahan-dahan niyang hinihimas ang braso ko.
“Gagang 'to! Kailangan mang hampas?” natawa naman siya bigla na kinakunot ng noo ko.
“Kinakabahan ako sayo Avy ah. Nag bibisyo ka ba? Ba't bigla bigla ka na lang tumatawa dyan?”
“Hindi noh! Sadyang masaya lang talaga ako na safe kang inuwi dito ni mang Berting.”
Huh? Wait! Si mang Berting? Alam ko si Blake ang huli kong naalala bago ako mawalan ng malay e. Saan kaya siya nag punta? Hindi manlang ako tuloy na kapag pasalamat sa kaniya.
“Si mang Berting!? Akala ko sino ano.... si... ano–
“Si Blake?” ani niya habang nakangiti naparang malungkot na ewan.
Medyo kumunot ang noo ko sabay akwardly akong tumango sa kaniya bilang sagot.
“At first hindi ako naniwala sa sinasabi ni mang Berting na si Blake ang nagligtas sayo. Dahil alam mo naman kung bakit diba!? And I think I'm not totally healed on the scars that he made. But I made myself to accept na siya nga ang nagligtas at tumulong sayo sa obsessed kong suitor. Dahil I know kahit ganon siya katarantado at kamanloloko ay may mabuti pa naman siyang puso, and there's a few person experienced already his angelic side. And I wish na maging isa ako sa kanila but...
“Ok! That's it! Quiet ka na dyan. Ayokong makita kang magdrama. Nakakaasiwa, ang aga-aga napaka emotera mo. Kumain na nga lang tayo ng breakfast na dala ni nanay Pasing.” ani ko dahil ayaw ko talagang nakikita si Avy na malungkot baka kasi mahawa ako sa pagdradrama niya e. At mag iyakan lang kami dito.
Inirapan naman niya ako sabay dampot nito ng kutsara at nilantakan ang pagkain na dala ni nanay pasing. Napailing na lang ako sa kaniyang inasal and I cracked a smile while watching her eating.
“May pinapasabi nga pala si Blake tungkol sayo.” bigla nitong saad habang punong-puno pa ang bibig niya ng pagkain.
“Ano naman daw yun?” nagtataka kong tanong. Nilunok naman niya ang nginunguya niya at biglang naging seryoso ang mukha niya.
“Magpagaling ka daw.” monotonous niyang ani sakin.
And then suddenly pumasok sa isip ko ang maamong mukha ni Blake habang karga ako nito. At bigla biglang bumilis ang tibok ng dibdib ko and I feel my blood rushing to my face. F*ck! Ano 'to? Bakit ganito yung tibok ng dibdib ko? Jusko Blake anong ginawa mo sa aking tarantado ka!

BINABASA MO ANG
Operation: Seducing Mr. Homophobic
Novela JuvenilDISCLAIMER: BOY TO BOY CONTENT! "Make Mr. Homophobic fall inlove with you" Yan ang katagang gumulatang sayo na lumabas sa bibig ng iyong kakambal ng lokohin at saktan ang fragile heart nito ni Blake Edwards. Alam mong napaka imposibleng mangyari an...