OPERATION 15

33 3 0
                                    

Chapter 15:

[Blake's POV]

"Tangina lang kasi! Bakit hindi na lang ako yung piliin niya diba! Mas pogi naman ako. Mas malaki ang katawan. Matangkad. Mayaman! At higit sa lahat malaki din yung ti-

"Tama na yan Grae! Lasing ka na." Pag aawat sa kaniya ni Clyde. Hinablot niya yung boteng hawak ni Grae at tinungga ito. Mukhang wasted na lahat sila at hindi na kayang tumayo. Yung iba naman sumusuka na. Andito nga pala kami ngayon sa loob ng tent nila Clyde. Silang dalawa ni Grae ang magkashare dito kaya oks lang kung dito muna ako matutulog. Badtrip kasi dun sa mga kagrupo ko! Mga kupal! Etong bakla na to akala ko kaibigan ko na. Ga-gaguhin din pala ako. Nilagok ko yung alak tas nagbuhos ulit ako ng panibago sa baso ko.

"Ikaw din. Tama na yan! Daig mo pa tong mga broken ah. Broken hearted ka din ba?" Pagkantyaw sakin ni Clyde. Pinakyuhan ko lang siya at nilagok ko ulit yung baso ko na may alak. Napangiwi ako sa pait ng lasa nito pero bakit kaya feeling eh ko nasasarapan ako.

"Sabing tama na yan eh." Sabay hablot nito sa alak na nasa kamay ko. "Pag nahuli tayo ng mga teacher na nag iinuman tayo dito, baka masuspended tayo." Ani niya habang tinatago yung emperador dun sa tool box.

"Ang sarap kasi eh. Sayang naman kung hindi pa mauubos yan." Papikit-pikit kong saad. Medyo inaantok na din ako, tagal ko na din kasing hindi nag inom. Siguro nga isang linggo na. "Naks naman nagbabagong buhay!" Sabi ng isang pagkatao ko.

"Tang na neto. Ang yaman-yaman ninyo tas nanghihinayang ka sa alak?" Natatawang sambit ni Clyde.

"Oo naman pare! Ang lahat ng bagay dito sa mundo ay mahalaga. Kaya dapat hindi tayo nag sasayang o nag aaksaya."

"Tangina? Lasing ka na din pre? Ang hihina niyo naman mag inom mga kupal kayo."

"Ako pa ang kupal ha! Yang si Ash kaya yung kupal! Pre biruin mo ako yung kaibigan niya tas ipagtatanggol niya yung mga ulupong na yon kesa sakin, na kaibigan niya. Buti nga kaibigan na ang turing ko sa kanya, dapat magpasalamat siya dun." Naiiling iling naman si Clyde habang nakangisi.

"Alam mo pre itulog mo na yan, para kang jowa na hindi napagbigyan sa gusto niya. I'm sure, bukas hihingi ng tawad si Ash sayo. Just chill bro. Alam kong hindi maganda ang pinagsasabi ng mga kupal na yon about your mom. But you didn't have to beat them up. Isang suntok lang okay na. But you choose to beat them like a pulp. Alam kong may mas malalim pang dahilan yang galit mo kay Xavier. Hindi mo lang maamin sa sarili mo."

"Huh? What do you mean sa maamin? Anong aaminin ko sa sarili ko?" Kunot noo kong tanong kay Clyde na ngayon ay humiga na at tinalikuran ako.

"Hoy! Wag mo kong talikuran kinakauusap pa kita! Anong pinagsasabi mong hindi ko maamin sa sarili ko?" Inalug alog ko siya para magising siya pero walang bisa.

"Tarantadong to tinulugan ako!" Hinampas ko ang braso niya bago ako lumabas sa tent. Naisip ko na mag pahangin muna sa labas bago matulog hindi rin naman kasi ako agad makakatulog sa inis at galit na nararamdaman ko ngayon.

Naglakad lakad ako sa tabi ng dagat ng mapahinto ako dahil may biglang umihip na sariwa at malamig na hangin sa akin, ipinikit ko ang dalawa kong mata at nilasap ang maamong hangin na dumadampi sa aking mukha. huminga ako ng malalim at idinilat ulit ang aking mga mata. Medyo bumaba ang tama ko at gumaan ang aking pakiramdam.

Umupo ako sa buhangin at inulusong ko ang aking paa sa malamig na dagat. Apaka kalmado ng alon na para bang inaalo at dinadamayan ako nito sa bigat na nararamdaman ko. Napatingala ako sa langit, at nasilayan ko ang bilyun-bilyong bituin na kumukutikutitap kasama nito ang maganda at bilog na buwan. Nagliliwanag ang buwan na siyang nag sisilbing ilaw ng maamong karagatan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Operation: Seducing Mr. HomophobicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon