- Jake Edwards on the media section ❤
Chapter 5:
Mag-isa akong kumakain ngayon sa cafeteria dahil magkakaiba ngayon ang break time namin ng mga ulupong. Kaya nagpapaka-lonely ang peg ko today. But anyways masarap naman ang kinakain ko kaya deds lang ako kung mag-isa lang ako. Atsaka ngayon ko lang napagtanto na mas masarap palang kumain mag-isa, ramdam ko kasi yung pagkain ko e. Hindi katulad kapag nandito sila Ferdie at Charlie. Ubos na yung pagkain ko pero gutom pa rin ako. Ang lakas kasi nilang mamuraot, 'tas mga dead hungry pa naman sila.
"Enebe Blake!"
Nag pintig agad ang tenga ko sa aking narinig at dali-dali akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita ko na nakikipag-landian si Blake sa babaeng mukhang payaso dahil sa kapal ng make-up nito. Juice ko naman 'tong Blake na 'to pati ba naman clown!? Pinapatos niya. Wala talaga siyang patawad. Tss. Anyway parang ayun yung type niya sa nakikita ko.
"Hihihi! Enebe! Weg keshe Blek, nekekelete eke!" maharot na sabi ng babaeng payaso. Nagtago naman ako maigi dahil baka makita ako ng bakulaw na si Blake. Delikado ako ngayon dahil wala akong mga kasama baka mabugbog ako ng di oras neto.
Patuloy pa din si Blake sa paghalik sa leeg ng maharot na clown, kahit maraming tao ang nakakakita sa kanila. Nakakadiri naman sila! PDA kung PDA. Hindi ba nila alam na sa loob pa sila ng school? Kaloka sila.
Bago pa ako makita ni Blake dito ay dahan-dahan ko ng inayos ang mga gamit ko at sinumot ko na din ang pagkain na natira sa lamesa ko dahil masamang magtira ng pagkain. Magagalit si papa jesus. Tumayo na ako naglakad patungo sa pintuan pero pagliko ko ay nabangga ako ng dalawang lalaking matangkad na ikinaupo ko sa sahig.
Aray ko ha, ang tigas ng dibdib nila. Parang pader ata yung nabangga ko eh. Agad kong pinulot ang mga gamit ko pero may biglang umapak sa libro ko. Tiningala ko naman kung sino ang aswang na umapak sa mga libro ko. Nanlaki ang mata ko na halos lumuwa na ito dahil sa nakita ko.
Patay! Si Blake. Pero paano siya napunta dito agad? May sa demonyo talaga 'tong bakulaw na 'to eh.
Napangiti na lang ako dahil sa nakakalokong ngiti nito sa akin. Bigla namang nawala ang nakakalokong ngisi sa mukha niya at napalitan ito na hindi mawaring itsura. Nakatingin lang siya sakin at tila ba'y natulala ito. Siguro pinapatay na ako nito sa isip niya. Naku Lord iligtas niyo po ako huhu. Ayoko pa pong mategi ng maaga madami pa po akong pangarap.
Hinawakan ako ng dalawang mokong ng mahigpit sa magkabilang braso ko. Nakatingin pa rin sa akin si Blake na ikinailang ko.
"Anong gagawin natin dito boss?" sabi ng isang kurimaw na ikinatakot ko. Teka, anong gagawin sa akin ng mga hudyong 'to? Wag naman sana nila akong tortyurin at patayin tas ilalagay sa sako atsaka itatapon sa ilog. Hindi maganda ang death scene na ganun At ayaw kong mamatay sa ganung paraan.
"Dalhin niyo siya sa tambayan, dun natin yan tuturuan ng leksyon." sabi nito, na ikanalaki ng mata ko. Tama ako ng iniisip ko mumurderin nga nila ako whaaa!
Bago pa nila ako patayin ay nag pupumiglas ako at nag sisigaw ng "Tulong! Tulungan niyo ako!" pero sa halip na tulungan ako ng mga taong usisera't usisero, ay pinagtawanan pa nila ako.
Tangna ng mga 'to! Nakuha pa akong pagtawanan, e na sa panganib na nga ako. Pag ako namatay mumultuhin ko kayong lahat mga hayup kayo!
"Walang tutulong dito sayo bading!" Sabi ng isang bakulaw na nakahawak sa braso ko. I think si Grae iyon. Nagtawanan naman sila na parang tunay na mga demonyo. Masamid sana kayong mga dimunyu kayo. Bwiset!
"At wala ding makakaalam na mawawala ka na." Sabi naman ng isang pang bakulaw. Dahilan para magtawanan na naman ulit sila.
So papatayin nga nila ako? Waaaah! Mommy, tulong! Ayoko pang mamatay. Ayoko sa ganitong paraan mamatay hindi nakakaganda! Nag pupumiglas ulit ako at sumigaw ng "tulong" kung mayroon mang makakarinig na may mabuting kalooban para tulungan ako. Pero bigo ako. Walang nakakarinig sa akin o sabihin na nating walang may pakialam sa akin. Eng seket se hert beh.
BINABASA MO ANG
Operation: Seducing Mr. Homophobic
Teen FictionDISCLAIMER: BOY TO BOY CONTENT! "Make Mr. Homophobic fall inlove with you" Yan ang katagang gumulatang sayo na lumabas sa bibig ng iyong kakambal ng lokohin at saktan ang fragile heart nito ni Blake Edwards. Alam mong napaka imposibleng mangyari an...