OPERATION 2

949 36 2
                                    

-Mr. Homophobic on the media ❤

Disclaimer: I don't own any pictures that I posting.

Chapter 2:

[Cafeteria]

"Kyaaaaah! Niyaya ako makipag date ng crush ko! I'm so kilig! Kyaaaaah!" Maligalig na sambit ni Avy, sabay kagat nito sa kaniyang sandwich.

Napaikot naman ang mata ko sa sinabi niya. Sumbong ko kaya 'tong babaitang 'to kay mommy ng magtino siya.

"Buti ka pa! Sa akin kaya kailan magtatapat yung crush ko?" Sabi ni Ferdie. Kaya napatingin kaming lahat sa kaniya.

Pfft! Napaka-ilusyonada talaga ng baklitang 'to. Laptrip! Hahaha! Buset!

Nagtawanan kaming lahat dahil sa sinabi ni Ferdie. Natigil lang kami sa halakhakan namin ng bigla niya kaming paghahampasin ng nirolyong cartolina na hawak niya.

Napaka brutal talaga nitong bakla na'to eh, dapat pala pinigilan na lang namin ang tawa namin. Ang sakit niya kasing manghampas, damang-dama mo yung galit niya sa bawat impact ng cartolina sa katawan namin.

"Aray! Bakla! Tumigil ka na! Masakit na ha! Aray sabi eh!" Sigaw ko habang umiiwas sa panghahampas ng halimaw na si Ferdie.

"Tikman niyo ang batas ng isang api!" Wow uma-amor powers ang lola niyo!

"Alam mo Ferdie hindi ka mukhang naapi! Mukha ka ngang kontrabidang na barang!" Sabi ni Veronica at nagtawanan namin kami ulit.

Tinignan naman siya ni Veronica ng masama.

"Ako dora tigil-tigilan mo ha! Baka gusto mong bumiyahe patungong langit." -Ferdie

Nagtawanan na naman kami dahil sa sinabi ni Ferdie, kaya nanlaki ang butas ng ilong ni Veronica at hudyat na iyon ng world war iii.

"So kung ako si dora, sino ka? Si boots? Maputi si boots e so hindi sayo applicable maging si boots. Ah alam ko na! Ikaw na lang si damulag! Since kasing laki mo naman siya at kamukhang-kamukha mo pa." Tinaasan naman siya ng kilay ni Ferdie dahil sa sinabi niya.

"Wow damulag pala ah! Kung sinasampal kaya kita diyan dora ng magtino ka!" Bulalas ni Ferdie habang nalaki ang butas ng kaniyan ilong.

"Hindi mo kaya!" at namewang pa si Veronica.

"Don't dare me!" dinuro naman siya ni Ferdie na lalong ikinalaki ng butas ng ilong ni bakla.

"Guys! Stop it! May ikukwento pa ako senyo eh!" Pag-awat naman sa kanila ni Avy.

Nag tinginan muna sila Veronica at Ferdie ng masama bago umupo at huminahon.

"Ayaaan, berigud! So ayun na nga! Niyaya ako ni crush makipagdate sa kaniya! Like kyaaaah! I'm so very kilig!" Napapalakpak niya pang ani. Tinignan lang namin siya ng walang emosyon at nakataas ang isang kilay.

"Huy! Hindi ba kayo happy for me? Niyaya ako ng crush kong makipag-date oh! I'm hoping bibigyan niyo ako ng advice kung saan kami mag dadate, sasamahan niyo ako mag shopping ng mga new clothes and dresses. Para memorable ang date namin." Inismiran lang nila si Avy dahil hindi din nila kasi kilala kung sino yung crush niya. Malay ba namin mamaya rapist at serial killer pala yang crush niya gaya sa mga napapanood ko sa mga movies at series.

"Paano kami magiging masaya. Eh hindi mo sa amin sinasabi kung sino yang crush mo na yan!" mataray kong sambit.

"A-ah... Eh.... Sa susunod na lang! Mamaya kasi tukso-tuksuhin niyo ako sa kaniya eh." Napaside eye na lang ako sa reason ni Avy.

"Ano pang silbi namin bilang kaibigan mo kung hindi ka namin tutuksuhin sa crush mo." Sabi ni Charlie na nagbabasa na naman ng libro.

"TRUELALU!" Pagsang-ayon ni Ferdie na habang pimilipilantik ang hintuturo na pinanduduro niya kay Avy.

Operation: Seducing Mr. HomophobicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon