Chapter 12:
Simula nung nagconfess si Blake sa akin about sa past niya ay mas naging close kami sa isa't-isa, mas naging open siya sakin, naging palakwento tungkol sa nangyayari sa bawat oras ng buhay niya. I'm very happy because i never see this coming na maging madaldal siya sa akin.
I'm happy for him cause even though he had a dark past and bad memories, but still he can manage to act tough and strong person. Well that's Blake Evans for you, a homophobic jerk who keeps breaking every girls hearts and gays too haha.
Ngayon ay nasa cafeteria kami ng mga kaibigan ko at lumalafang while talking about sa project na pinapagawa ni Mrs. Asuncion na mini role play about sa les miserables. At ang part na nakuha namin is about sa love triangle nila eponine, marius, and cossette.
Actually kasama namin sila Blake kanina pero umalis din sila dahil may naghahanap daw sa kanila dun sa may library.
"So sino mag a-act bilang marius satin e puro tayo babae? Hindi nagsi-attend yung mga lalaki dito e." tanong ng ambisyosang bakla na si Ferdie.
"Hahaha oo nga! Teka wait tignan ko dito sa list na binigay ni ma'am asuncion kung sino pwede." saad ni Charlie na ngayon ay tinitignan ang list ng mga Ka-member namin.
"Si Jackson kaya? Or si Benedict?" Ani ni Charlie.
"Si Jackson na lang!" bulalas ni Veronica.
"Oo nga si Jackson na lang! Perfect siya maging marius! Ang sarap nun eh!" Pagsang ayon naman ni Ferdie na ikina irap ng mata ni Charlie.
"Hahahaha Achooooo! Hahaha taena neto ni Ferdie. kailangan ba i-mention kung masarap siya." Natatawa kong saad. Jusme nakakainis na sipon to para tuloy akong ngongo magsalita.
"Oo naman fren! It's a must! Kailangan masarap magiging ka-partner ko noh! Tsaka fren ok ka lang ba? Feeling ko nalala sipon mo." nag thumbs up lang ako sa kaniya bilang tugon.
"Ha? Anong ka-partner ka dyan?" Mataray na tanong ni Charlie.
"Ako si Cosette diba!?"
"Ambisyosa ka talaga noh!? Si Lydia magpo-portray as Cosette. Ang chaka chaka mo para maging Cosette!"
"Ito naman parang joke lang! Namemersonal ka agad e. Saktan kita jan tamo!"
Natawa na lang kami sa inasal ni Ferdie at nagpatuloy pa rin kami sa pagiisip kung sino pwedeng ang mag cast.
"Si Grace kaya?" Suggest ni Charlie.
"Wag! Di maganda boses nun sisirain niya lang image ni Eponine!" Bulalas ni Veronica.
"Ay talaga ba? Eh kung si Patricia na lang?"
"Ayoko masakit lalamunan ko." Nagulat naman kami ng magsalita si Patricia sa likuran namin kaya't agad namin siyang nilingon.
"Hala jusko naman teh! Ikaw na mag Eponine! Wala na tayong ibang ka member na maganda ang boses." Pagmamakaawa ni Charlie sa kanya.
"Hindi talaga pwede Charlie baka magasgas lalamunan ko baka hindi pa ako lalo makakanta. Mag pra-practice pa tayo diba? Dun pa lang masisira na lalamunan ko." Medyo papaos na ani ni Patricia.
Napakibit balikat na lang si Charlie sa sinabi ni Patricia. Tumingin naman sa akin sila sa akin at nagtinginan sila sa isa't-isa, nagbulungan sila na halos dinig ko naman kung anong pinaguusapan nila.
"Kung anuman yang iniisip niyo please stop! May sipon ako ha! At hindi maganda ang boses ko, I'm not suit to play as Eponine." Mataray kong saad.
"Weh!? Pahumble ka pa fren? Nadinig ko na boses mo teh, may boses ka naman syimpre magpra-practice pa tayo mahahasa mo din yan!" Ani ni Charlie na sinang ayunan naman ng iba. But i already say no to them.
![](https://img.wattpad.com/cover/114490939-288-k691615.jpg)
BINABASA MO ANG
Operation: Seducing Mr. Homophobic
Teen FictionDISCLAIMER: BOY TO BOY CONTENT! "Make Mr. Homophobic fall inlove with you" Yan ang katagang gumulatang sayo na lumabas sa bibig ng iyong kakambal ng lokohin at saktan ang fragile heart nito ni Blake Edwards. Alam mong napaka imposibleng mangyari an...