Chpater 14:
Ngayon ay nakatayo ako sa harapan ng pintuan ng cabin namin, kung saan andito sa loob ng kwartong ito ang mga matapobre at ubod ng yabang na lalaki. Pinagtitingan ako ng mga tao dito sa hallway, siguro iniisip ng mga 'to kung bakit lang ako nakatayo sa labas, imbis na pumasok sa loob. Nagtaka din ako sa sarili ko, kung bakit ayaw ko pang buksan itong pinto.
Huminga ako ng malalim bago ko katukin ang pinto, ilang katok ko pa ay bumukas na ito. Laking gulat ko nang bumungad sa akin ang nakahubad na si Xavier. Napatingin ako sa bandang ibaba at nakatowel naman siya. baka kung ano isipin niyo eh, chineck ko lang mamaya naka brief lang or ano. Napalunok lang ako ng aking laway dahil parang bigla natuyot ang lalamunan ko.
"Hi Ash. We're waiting for your arrival. Bakit ngayon ka lang?" Mapang akit na tanong niya sa akin. I just wince how awkward the gap between us that his giving to me. Medyo lumayo ako ng bahagya at kinuha ko ang mga bagahe ko. And then i make ngiti sa kanya baka masabihan na naman ako na maldita ako.
Napatingin naman ako sa loob at kita ko na andun na silang lahat. Si Dexter na sa kama niya at inaayos ang kaniyang gamit, si Christoff ay nakahiga naman sa may kama din niya at nagpipindot sa kaniyang phone. Si Blake naman ay nasa may balcony nakaupo, at mukha siyang tuko. Napatingin naman sila sa akin ng maramdaman nila ang presensya ko.
"Ahhh... Give me those luggage, ako na mag bubuhat para sayo." Inagaw naman niya sa akin ang mga gamit ko at binitbit niya ito papasok. Wow, sana all mabait. Ew. Akala niya magbabago tingin ko sa kaniya matapos niyang pahiyain at kutyain si Dexter. It's a no for me.
"Ahhh, Thanks. So nice of you naman, sana sa lahat mabait ka din." sarcastic kong ani.
"Aba'y oo naman! Kung sino ang nangangailangan ng tulong agad kong tinutulungan, lalo na sa magandang binibining katulad mo." napataas naman ang isang kilay ko sa sinasabi ng ulupong na 'to. So paano pag panget ang kailangan ng tulong? Wala na? Etsapwera na lang? Ganon?
He puts all the luggage beside to my bed. And he smile at me while going back to his bed, so I just smiled back. Agad naman akong napairap ng pagtalikod niya, pero agad siyang humarap sa akin, kaya ngumiti ulit ako ng pagkatamis tamis.
"Oh, by the way Ash, do you have a toothpaste? Hindi ko kasi nadala yung sa akin eh." Pakamot ulo niyang ani.
"Oh sure! Just wait for a sec." kinuha ko naman ang bag ko at hinalukay kung saan ko nailagay yung toothpaste ko. Nang makapa ko ito ay agad kong inabot sa timawang ulyanin.
"Here you go!" I brightly beam at him so that he can't sense na naiirita ako sa kaniya. Nagpasalamat naman siya at bumalik sa banyo. Bigla pumasok sa kokote ko, kung bakit siya yung nagbukas ng pinto if his taking a shower? Hmmm... I wonder why?
Nilibot ng mata ko ang buong silid and it seems their busy. Si Blake naman wala kang aasahan dyan, sobrang tamad niyan eh. So speaking of Blake, bakit alaluts (tulala) ata ang tukmol sa may balcony? Anyare?
Lumapit naman si Dexter sa akin na may hawak na chips ahoy. Kinginam favorite ko yun! Napalunok tuloy ako sa laway ko ng wala sa oras.
"Hi Ash do you want one?" Pag alok sakin ni Dexter, agad naman akong kumuha at nagpasalamat sa kaniya with matching genuine smile.
Napangiti din siya atsaka agad na bumalik sa kaniyang kama at nagtalukbong ng kumot. Haha cute niya mahiya parang bata lang.
Nilantakan ko naman yung chips ahoy na bigay sakin ni Dexter habang inaayos ko ang gamit ko. Napatingin naman ako kay Blake na nasa balcony pa rin at nakatulala kaya't nilapitan ko muna siya para guluhin.
"Huy asungot! Bakit tulala ka dyan? Parang ang lalim ng problema mo ah!?"
Hindi naman umimik ang mokong at di manlang ako pinansin. Aba mukhang problemado si bakulaw ah, anyare sakanya.
BINABASA MO ANG
Operation: Seducing Mr. Homophobic
Ficção AdolescenteDISCLAIMER: BOY TO BOY CONTENT! "Make Mr. Homophobic fall inlove with you" Yan ang katagang gumulatang sayo na lumabas sa bibig ng iyong kakambal ng lokohin at saktan ang fragile heart nito ni Blake Edwards. Alam mong napaka imposibleng mangyari an...