Chapter 2 - Stick

6.9K 206 453
                                    

Point of View: Jas Suarez

Ngayon namin gagawin ang naisip naming kalokohan ni Ron-Ron sa may Basketball court. Mukhang ang dami nga talagang mga pumunta upang manood. Sikat kasi ang sports na 'to sa school namin.

"Tara sa locker room nila, Jah. Nasa court na ang mga players at nag-pa-practice. Ito na 'yong chance natin para makapasok!" Kulang na lang ay magtatalon siya sa sobrang excitement.

Sumama naman ako sa kaniya at dinala ang mighty bond na binili ko kanina. Nilagyan namin ng mighty bond ang mga bola pati ang loob ng mga jersey shirts na narito. Para naman maging sulit ang pagbili ko ay idinikit ko na rin ito sa upuan upang hindi nila matanggal. Mukhang nakakatuwa ang makikita namin mamaya. Mas maganda sana kung sa buhok... wait!

"Ron-Ron, may naisip ako. Paano kung pumunta tayo sa shower room ng boys?" tanong ko. Bigla namang dumilim ang mukha niya.

"Ano ba ang nasa isip mo, Jah? Maninilip?"

Napatawa naman ako dahil sa sinabi niya. As if namang gusto ko! Kahit na gaano pa kalaki ang katawan ng mga varsity namin, katawan lang ni Ron-Ron ang gusto kong makita.

"Hindi! Lalagyan natin ng mighty bond ang mga buhok nila," bulong ko naman sa kaniya. 

Medyo nag-he-hesitate pa siya dahil medyo mapanganib ang gagawin namin pero kinulit ko pa siya nang kinulit hanggang sa sumuko siya.

"Sige na nga, pero ako ang maglalagay," sabi niya. Nangatwiran naman ako. Hindi nakaka-excite kung siya lang! "Ganito na lang. Ipapasan kita para makaakyat ka tapos sabay tayong tatakbo palabas. Deal?" tanong niya.

Napaisip ako saglit.

"Deal!"

Muli ko pang nilagyan ang upuan at umalis na. Tumakbo kami patungong shower room at nagtago. May ilang players na nakalabas na at mukhang nakaligtas sila. Hindi sila ang malalagyan ng mighty bond sa buhok! Sana nga lang ay may player pang natira sa loob.

Tinantsya namin kung may lalabas pa at nang masiguro ay si Ron-Ron ang pumasok sa loob. Tinignan ko naman si Ron-Ron at lumapit nang senyasan niya akong wala ng tao. Dahan-dahan kaming pumasok sa shower room at saka pasimpleng lumapit sa isang cubicle na may tumutulong tubig.

"Ready?" pabulong na tanong niya sa'kin.

Nag-thumbs up naman ako sa kaniya at saka niya ako pinasan. Unti-unti kong sinilip ang pinto at nakakita ng isang lalaking nakatalikod at naliligo. Ganito pala ang katawan ng mga varsity. Ang ganda ng kutis at parang bato.

Sorry, kuya! Kailangan kong gawin ito dahil nakakatuwang isipin na maaasar ka.

Binuksan ko naman ang lalagyan ng mighty bond nang medyo nanginginig pa. Tinapik ko si Ron-Ron dahil sa gulo niya. Tinignan ko pa siya nang masama. Tinuon ko ulit ang atensyon ko sa mighty bond at tinignan ang lalaki. Halos mahulog ang puso ko dahil kasalukuyan na siyang nakatingin sa'kin! 

Nanlilisik ang mga mata niya kaya naman tumalon ako paalis sa likod ni Ron-Ron. Hinawakan ko na siya sa kamay sabay takbo. Nahuli kami, nahuli kami!

"Anong nangyari, Jah-Jah?" tanong ni Ron-Ron habang tumatakbo pa rin kami.

"R-Ron-Ron! Nahuli ako, nahuli niya ako! Nakakatakot," sabi ko. Nakita naman namin ang isang kumpulan ng mga tao kaya napabitaw ako sa kanya.

"Dito tayo." Iyon na lang ang narinig ko mula sa kaniya pero nang tignan ko kung sino ang humatak sa 'kin ay nanlaki agad ang mga mata ko. Sinubukan kong kumawala pero masyado siyang malakas. Nang makalayo kami sa mga tao ay tinulak niya ako sa pader. Napapikit na lang ako dahil sa pagkakatama ng likod ko. Unti-unti akong dumilat hanggang sa makita ko ang nagliliyab niyang tingin.

Arkania's Seventh PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon