Chapter 7 - Confront

4.5K 117 65
                                    

Chapter 7

Jas Suarez

Dahil sa nangyari ay hindi na niya ako inasar pa ni kinausap man lang. Naging mas awkward din ang paligid namin. O baka ako lang talaga ang naiilang sa 'ming dalawa. Hindi ko alam.

Kumain kami ng tanghalian sa isang restaurant na mukhang mamahalin. Bukod sa nakita ko ang presyo ng pinakamura nilang pagkain ay halos wala ring tao. Kung mayroon man ay dalawa lang na mukha pang mga sosyal dahil sa wine na iniinom, red fitted gown at tuxedo na suot. Nahiya naman ang suot ko sa kanila.

Hindi ko alam kung matatapos ba ang araw na ito nang kasama siya. Nakapagsimba kami kanina nang tahimik lang at hindi nag-iimikan. Kahit noong mag-Ama Namin ay para akong tinulis na kandila. Nakakahiya dahil pasmado pa ang kamay ko kanina dahil sa kaba!

Pagkatapos naming kumain ay dinala niya ako sa isang parke para makapagpababa ng kinain. Ang daming bata! Ang sasarap tirisin ng mga marshmallow nilang pisngi. Ang saya nilang nagtatakbuhan na para bang mga walang problema sa buhay. Sarap siguro maging bata habang-buhay.

"Mahilig ka sa mga bata?" tanong ko sa kaniya.

Naupo kami sa isang swing na hindi ginagamit ng mga bata. Magkatabi kami habang pinapanood silang maghabulan at maglaro sa buhanginan. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti, inaalala ang mga panahong ako ang naglalaro doon.

"Hindi," sabi niya.

"Bakit dito mo 'ko dinala?" Tinulak ko ang sarili ko at nagsimulang mag-swing. Naramdaman ko agad ang hampas ng hangin sa mukha ko. Medyo maaraw ngayon pero maraming puno naman ang nagbibigay silong sa 'min.

Nanatili naman siyang nakaupo lang sa swing at nakatingin sa harap. "Baka kasi gusto mo ring maglaro. Para ka kasing bata."

Sabi ko nga at masungit pa rin siya.

Itinigil ko ang pagduyan at saka lumapit sa isang bakanteng seesaw. Sumakay na lang ako roon at hindi gaanong pinansin ang pang-aasar niya.

"Do'n ka sa kabilang dulo, dali! Seesaw tayo!" bulalas ko.

"Para namang may pagpipilian ako. Tss. Napakaisip-bata," sabi niya pero umupo pa rin sa kabila.

Ewan ko ba kung bakit ganito ang sinasabi niya kung puwede naman siyang umangal. Hindi ko na lang pinansin dahil baka magtoyo pa.

"Ang bigat mo! Hindi pa bumababa 'yong paa ko eh pababa ka na agad," sabi ko.

Nakakatuwang isiping may ganito rin siyang side. Medyo childish. Madalas lang talaga kung toyoin.

Unti-unti ay mas nakikilala ko si Eiji sa ganitong paraan. Hindi man siya mag-open ay nakikita ko naman ang totoong siya sa simpleng mga galaw lang niya. Huwag lang talagang mababati at tiyak totoyoin.

"Hindi ako mabigat, sobrang gaan mo lang talaga. Kumain ka kasi nang marami para magkalaman ka naman!"

Tiningnan ko siya nang masama. "Kumakain ako nang marami 'no! Paano mo naman nasabing magaan ako?"

"Pinasan kita kahapon, 'di ba," aniya.

Napasimangot na lang ako. Oo nga pala. Isa sa mga nakakahiyang pangyayari sa buhay ko. Hindi ko alam na sa kaniya pa talaga ako kakapit noong mga oras na 'yon. Mukhang malapit pa naman silang dalawa ni Chesca. Magkaano-ano kaya sila?

"Tanong ko lang, saan ka nakatira?" sabi ko. Gusto ko lang talagang may mapag-usapan kami at makalimutan kung ano ang nangyari kanina. Ayoko namang pag-usapan si Chesca dahil baka kung ano pa ang malaman ko. At isa pa, hindi ako interesado.

"Malapit lang."

Napairap ako sa sagot niya. "Totoo nga kasi! Saan ka nakatira?" pangungulit ko pa.

"Bakit? Dadalawin mo ba 'ko?" tanong niya, nakataas na naman ang kilay sa 'kin.

Arkania's Seventh PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon